Travis' POV "We're here." sabi ko ng makarating kami sa bahay, inalalayan kong bumaba si Casey at tsaka kami pumasok sa kanila. "Thank you, Travis." nakikita ko pa din ang lungkot sa mga mata niya. Hinawakan ko lang ang kamay niya. "Please be fine, even without him." napatingin siya sa akin ng sabihin ko 'yun. "Alam mong hindi...hindi ako magiging okay." "You have to be okay, Casey. At sa tingin ko, 'yun din ang gusto ni Dale kaya sila lumayo. Ang maging okay tayo sa paglipas ng panahon." tumingin siya sa akin. "Naniniwala ka sa tadhana di ba?" tumango siya. "Tadhana na ang bahala. Maniwala ka lang." "Pero bakit parang ang daming hadlang sa amin? Bakit parang ayaw talaga ng tadhanang maging kami? B-bakit ganun?" napayuko siya. "Dahil may bagay na dapat pagtibayin, may bagay na hindi

