~Ryu POV~ Naglalakad ako papunta sa kabilang building habang nasa di kalayuan naman nakasunod si Zoreen Papunta kami ngayon sa architect building Nandoon ang lalaking kailangan namin "Hi miss" Inirapan ko na lamang ang mga lalaking bumabati saakin Mukha nila! Di naman hamak na mas gwapo ang lalaking gusto ko! Napangiti ako ng makita ko na ang lalaking sadya namin Naglalakad siya papunta sa direksyon ko At mukhang nagmamadali siya Tamang tama lang sa plano Inayos ko na ang suot kong salamin at ang mga librong dala ko at kunwaring tinitignan tignan ang mga ito pero tiniyak kong makakabangga ko siya "Ouch!" "Sorry miss" Dali dali siyang yumuko at pinulot ang mga librong nahulog ko sa pagkakabangga namin Tinignan ko pa ang pangalan na nasa I.D niya Alfin Lazarriano Inilapit ko

