Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Parang pumipitik ang mga ugat sa ugat ko sa sobrang sakit. Hindi ko alam kung naka-ilang bote ako kagabi at hindi ko rin maalala kung anong oras na ako nakatulog. Tinitigan ko muna ang ceiling habang inaalala ko kung ano ba talaga ang mga nangyari. Pinilit kong ipikit nang mariin ang mga mata ko. Minasahe ko rin ang sintido ko dahil sobrang sakit talaga. “s**t!” Agad akong napa-upo nang maalala ko kung ano talaga ang nangyari kagabi. Sa sobrang kalasingan ko, inaawat na ako ni Mama at kung ano ano na siguro ang mga pinagsasabi ko. Mabilis akong kumilos saka naligo para mawala ‘yung hangover ko. Marahan akong lumabas sa unit para tumakas sa mga tanong ni Mama. Mabuti na lang at wala sila ni Daddy kaya nakaalis ako agad. Dala ko lang ang phon

