Sabado ngayon at inutusan ako ni Mama na magbayad ng bills sa bayad center kaya maaga ako gumising dahil may bibilhin pa ako para sa mga project ko dahil graduating na ako sa senior high school. “Ma! Alis na po ako!” Sigaw ko para marinig niya ako dahil malayo siya at nandito ako sa hapag kainan. “Kunin mo na lang ‘yung sobre diyan! Naliligo pa ako!” Sigaw ni Mama pabalik. “Lahat ba ‘to ma? Or magdown muna ako?” Inaayos ko na ang mga gamit ko at nilagay na sa bag dahil baka may makalimutan ako. Nang sa tingin ko ay maayos na lahat, agad akong nagpaalam ulit kay mama at umalis na. Nakita kong naninigarilyo na naman si papa sa labas kaya yumuko na lang ako at nagpaalam. “Alis na po ako,” mahinang paalam ko. Hindi niya ako pinansin kaya agad akong umalis. Wala akong mahanap na t

