Hindi ko alam ang gagawin ko nang marinig iyon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Parang gumuho ang mundo ko. Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ko alam kung makaka alis pa ba ako sa kinatatayuan ko dahil nanigas na yata ako sa takot at kaba. “Kelly? Kelly! Nag text sa akin ang Mama mo. Nakausa-” Napalingon ako kay Bea na pumasok sa kwarto ko. Nawalan ako ng lakas kaya napaluhod ako at bigla na lang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. “A-anong nangyari?” kunot noo na tanong ni Bea saka nagmadaling puntahan at lapitan ako dahil humahagulgol na ako. Hindi na ako makahinga. Kung ano ano na ang naiisip ko. Ang dami kong tanong para kay Kevin tapos ayun ang mababalitaan ako? “K-kailangan ko na umuwi, Bea. Naaksidente si Kevin.” Hindi ko alam kung naiintindi

