Ilang araw na kaming umaalis ni Kevin tuwinhapon at halos inii-isa isa namin ‘yung mga lugar kada boundary nitong Isla. Parang hals paganda nang pa-ganda ang bawat pinupuntahan namin. Bawat araw na lumipas, mas lalo ko pang nakilala si Kevin. Mas lalo ko pang na-realize na okay naman pala siya kasama. Halos lahat ng kwento sa buhay niya ay parang alam ko na. Ang gaan na ng loob niya sa akin. Hindi na siya takot magsalita, magsabi ng kanyang nararamdaman at higit sa lahat, wala na siyang pakialam na magkamali siya. “Hindi kayo aalis ni Kevin ngayon?” Napalingon ako sa boses na pinanggalingan ng mga salitang ‘yon. “Daddy! Akala ko po ba may lakad kayo ni Mama ngayon?” Tanong ko pabalik sa kaniya saka umusog dito sa kinauupuan ko at tinapik ‘yung espasyo sa tabi ko para makaupo si Dad

