CHAPTER 133

1502 Words

“Migo..” napalingon ako sa kung saan nakatayo si Migo. Blanko ang ekspresyon niya pero alam ko ang mga tingin ng mga mata niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ‘to pero dapat kong ipaliwanag kay Migo na mali ang inisiip niya.  Naabutan niya kaming magkalapit ang mukha ni Kaii. At nakahawak pa si Kaii sa pisngi ko. Baka isipin niyang niloloko ko siya kahit hindi naman. Baka isipin niyang may relasyon na ulit kami ni Kaii kahit wala naman.  Lalapitan ko na sana siya nang bigla siyang umatras. “Sorry to interrupt. Hintayin na lang kita sa kotse sa baba.” sabi niya saka umalis sa harap namin.  Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at akmang susundan ko na siya nang bigla na lang hinawakan ni Kaii ang kamay ko at pigilan ako. “Kelly, hayaan mo na siya. Iwan mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD