Ilang araw na simula nang huli kaming magkita ni Kaii. Hindi ko alam ang sasabihin ko noon at gagawin. Wala rin naman akong idea kung paano ko siya tutulungan. Dahil noong mga araw na nalaman kong may amnesia siya, naisip kong ‘wag ko na lang siyang gantihan. Wala rin namang saysay kung wala siyang naalala. Pero pwede ko siyang gamitin laban sa Lola niya. Pwede ko siyang gamitin para lumayo ang loob niya sa Lola niya at mainis lalo ang Lola niya dahil apo na niya mismo ang lumalapit sa akin. At kapag nangyari ‘yun? Makakabawi na rin ako. “Okay ka lang ba?” tanong sa akin ni Migo habang naka sandal ako sa balikat niya. Nasa loob kami ng sasakyan papunta sa isang resort sa Cebu. Kasama namin si Enzo at si Lola Adeline. Kagaya ng pangako ni Migo ay tinupad niya. Hindi ko nga aakalain na

