“Kelly! Anak gumising ka na! May klase ka pa ngayon hindi ba?” Kanina pa ako ginigising ni Mama pero wala akong gana pumasok. Kagabi pa masama ang pakiramdam ko at napapagod ako kumilos. Tinatamad ako tumayo o kahit na kumain man lang. Inaatake na naman ako ng anxiety ko. Ewan ko ba. Kung ano ano na ang pumapasok sa utak ko. Natatakot na naman ako. Naiinis. Hanggang ngayon ni text wala pa akong natatangap mula kay Kaii. Hindi ko na alam ang gagawin ko. “Ma, mamayang hapon pa ang class ko. Wala kami prof ngayon. Kaya mamaya pa ako papasok.” matamlay na sagot ko kay Mama. “Pwede ba akong pumasok?” tanong niya kaya napabuntong hininga ako. Ayoko ng ganitong pakiramdam e. I felt empty inside. That I didn’t want to talk with anyone. Nakakpagod. Nakakatamad but I need to face them.

