Gusto kong tumalon papasok sa kotse niya para yakapin siya pero mas nanaig ang pagpapanggap ko na okay lang ako. Na hindi ko siya namimiss at wala akong pakialam kung nandito siya ngayon. “Si Daddy ba? Wala siya dito eh. Maaga umalis. Balik ka na lang mamaya. Or kung gusto mo naman, p’wede ka namang magstay sa loob. Nandoon naman si Mama eh.” Pilit akong ngumiti sa harap niya. “Anyway, mauuna na ako. May klase pa ako.” I tried my best to reverse the situation. Alam kong sa aming dalawa ay siya dapat ang magalit dahil sa ginawa kong pag-iwan sa kaniya sa Cebu. Some part of me is telling them that what I did was right. Sino naman siya para pati pag alis ko ay ipapa-alam ko pa? I’m just a nobody for him. Hindi ko na siya hinintay na magsalita saka umalis na ako. Ilang hakbang pa lan

