“Kelly! Hindi ka na nag chat sa akin ah!” Hinampas ni Aila ang braso ko nang makita niya akong nakaupo sa bench habang nanonood ng basketball. “A-aila!” Wala sa sariling tawag ko sa kaniya. “Kwentuhan mo naman ako!” Excited na sambit niya. Nilapag niya ‘yung librong hawak niya pati na rin ang bag niya sa kabilang tabi saka umupo sa tabi ko. Yumuko lang ako at pinaglalaruan ang kamay ko. “Wala naman akong ikkwento sa’yo,” sagot ko na pilit kong tinatago ang lungkot na nararamdaman ko. P.E class namin ngayon kaya hinihintay muna namin ang prof na dumating kaya umupo muna kami dito. “Huh? Anong wala? Eh buong gabi kang hindi nagchat at tumawag eh.” Naramdaman ko ang malalim niyang paghinga na tila ba nadismaya sa sinabi ko. “Saka na lang natin pag-usapan Aila,” paliwanag ko

