CHAPTER 59 Matapos akong mapatunayan na walang kasalanan, naparusahan si Irine at imbes na masuspindido, tinanggap niya na lang ang dalawang linggo na community service. Hindi rin naman siya humingi ng tawad kaya ano pa ang aasahan ko roon? Kung nag sorry na lang sana siya, edi sana hindi na aabot pa sa ganito. Hindi ako makapaniwala kung paano niya ako baliktarin kanina. May iilan pa siyang binayaran yata at kinausap para lang may pumanig sa kaniya. Pero dahil mas marami pa rin ang nakakita ng buong pangyayari, sa bandang huli ay napatunayan ko na wala talaga akong kasalanan. “Gagi! Alam mo ba? Hindi ko alam kung paano nangyari yun? Malamang ay binayaran ni Irine ‘yung mga pumanig sa kaniya kanina!” hindi makapaniwalang sabi ni Aila habang naglalakad kaming dalawa ngayon dito s

