Hindi ako makapaniwalang medyo close na kami ni Kaii. Kaya nagustuhan ko siya dati pa lang dahil alam kong mabait siya. I know he’s a good man and he has a kind heart. Isang linggo na simula nang kumain kami sa labas. Halos hindi na nga rin ako makatulog dahil sa kaka-isip ko doon sa mga nangyari. Humiga ako sa kama, nakatingin sa bubong at parang tangang nakangiti dahil mas lalo ko lang naalala ang mga memories namin. “Tangina! Sinasabi ko sa’yo Kayla! Lintik na lalaking ‘yan! Babarilin ko ‘yan!” Natakot ako at nataranta nang marinig na naman ang boses ni Papa. Hindi ko na nai-suot ang tsinelas ko panloob dahil sa sobrang takot. Agad akong lumabas sa kwarto at agad na pinuntahan si Mama dahil natatakot ako. Paano na lang kung may masamang mangyari sa kaniya? Tumutulo ang luha

