“Pumasok kayo sa loob at diyan ang kwarto niyo!” sabay tulak kay Vekvek at Tongtong ng isang lalaking naghatid sa kanila sa kanilang bagong silid. “Bago gumabi ay dapat nakaayos na kayo lalo ka ng babae ka. Bawal dito ang maarte at mareklamo kaya naman huwag kayong magkakamali kung ayaw niyong samain sa boss natin.” Bilin pa ng lalaki bago iwan sina Vekvek at Tongtong na sinasanay pa ang mga sarili sa bago nilang tirahan. Ang silid kung saan sila dinala ay waring isang maliit na bodega na kailangan pa nilang iligpit ang mga nakakalat para magkaroon sila ng mahihigaan. Malayong-malayo ang silid sa dati nilang kwarto sa mansyon ng matandang bilyonaryo na nagbenta sa kanila sa bago nilang hindi pa nakikilalang lalaking amo na ang pangalan ay Dimitri. Hirap ikilos ni Tongtong ang kanyang sa

