“Nakita mo na ba ang Dimitri na sinasabi na bago nating amo?” tanong ni Tongtong kay Vekvek. Ilang na silang nasa casa gobernador pero hindi pa nila nakikilala ang bago nilang amo na sinasabing bumili sa kanila ayon sa matandang bilyonaryo. Umiling si Vekvek habang nililinis ang marurumi na namang mga pinagkainan ng lahat ng nga tao sa casa gobernador. Nasanay na si Vekvek na mula sa paggising sa umaga ay sila ni Tongtong ang nakatoka sa kusina at sa gabi pagbubukas ng casa ay tagapagsilbi siya sa pagsasalin ng alak habang si Tongtong ay hindi pa pinatattrabaho dahil nga sariwa pa mga sugat nito sa mukha at baka raw matakot ang mga customer kapag nakita siya. Kaya naman gaya ng dati ay si Vekvek ang kumikilos para sa kanilang dalawa. “Hindi pa. Baka nasa paligid lang at nagmamasid sa

