“Ano? Wala ka na namang pambayad sa utang mo kay Gladys? Tong, nasaan ba napupunta ang mga kinikita mo? Hindi ba wala ka namang ginagastos dito sa bahay dahil ako pa rin sa lahat para nga agad kang makabayad kahit man lang diyang sa naging utang mo. Bakit ngayon kahit piso wala ka na naman panghulog?” paninita ni Vekvek sa kinakasama ng malaman na wala na naman itong pera na panghulpog sa naging utang nito kay Gladys. Kahit bayad niya na ang utang ay talagang hindi niya sinasabi sa kinakasama para nga magsumikap ito sa pagbabanat ng buto ngunit ganun pa rin. Halos hindi pa rin nababawasan ang utang kay Gladys dahil laging may dahilan si Tongtong kaya hindi nakakabigay ng pang hulog. “Anong magagawa mo kung kailangan ng pamilya ko sa probinsya? Mas uunahin ko pa ba ang utang na yan kaysa

