Tension
Avery's Point of View
Dahil sa pagkakasigaw niya nga ay agad akong tumakbo paalis bitbit ang mga expensive na gamit ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Kase una sa lahat ay yes, spoiled akong tao. Pangalawa, lahat ng bagay ay nakukuha ko dahil sa yaman ng pamilya ko at ang panghuli ay literal na hindi ko pa nararanasang itrato ako na ganitong parang basura. Feeling ko tuloy may depression na 'ko at deserved ko nang mamatay, pakamatay na ba ako?
Isang MALAKING CHAROT!
Ending your life is not a solution in any problem that you're going through. Depression and anxiety are always hard to deal. "Ambata-bata mo pa para ma-depress." Don't say that, depression and anxiety attacks can be experienced in any age. If you're planning to cut your neck and wrist or tie a knot and hang yourself, please don't. Imagine the people who will suffer from your death. Imagine your friends blaming and asking themselves. Whatever happens or whatever people throw at you, just be strong and always pray. Remember God never left your side even in your darkest times. Stay strong for those who are suffering from depression and anxiety. MENTAL HEALTH AWARENESS IS A MUST.
Oh, pak! Isang napakagandang mga salita na naman mula sa inyong bidang dyosaviliting trans! Anyways, kung saan saan na naman tayo napupunta kaya back to story! Tumatakbo ako habang nakatakip pa rin ang kumot sa katawan ko dahil nga sa nangyari kanina.
Kaya naman naghanap muna ako ng malapit na CR para naman makapagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay pinaplano ko na balikan 'yung nasa front desk kanina para naman makalipat ako ng ibang dorm. Hindi ko kinakaya 'yung first assigned dorm sa 'kin, mamamatay nang maaga ang beauty ko ro'n mga mimasaur!
"Excuse me, miss?" Patanong kong tawag sa babaeng nasa front desk.
"Yes po, ma'am?" Magalang naman nitong sagot, kita ko naman ang 'nandito na naman ito' look sa kaniyang mga mata. Marahil ay nagtataka siya dahil sa pagbalik ko rito.
"Can I just rent a new dorm po? Don't worry, I can pay naman." Sabi ko nang nakangiti at feeling ko ay nakikita niya ang mugto kong mga mata dahil sa kakaiyak ko kanina. I don't wanna tell it to dad muna. Baka kaya ko pang ayusin 'to nang mag-isa.
"Yes, pwedeng-pwede po. Wait, what's your name again? Para mahanapan po kita ng malilipatan?" Pagkasabi niya no'n ay nabuhayan at gumaan nang sobra ang pakiramdam ko.
"Salazar, Avery Tuazon." Agad kong sinabi ang buong pangalan ko't sabi naman niya ay mag-wait lang daw ako kase iche-check niya pa. Ngunit mukha yatang may problema dahil sa nakakunot na noo nito.
"M-May problema ba, miss?" Agad na tanong ko rito. Juice ko parang iba ang kutob ko rito ah, huwag naman sana.
"Sorry po, pero hindi ko po kayo pwedeng ilipat ng dorm. Dahil isa ka po sa mga Elite. At nakasaad po sa rules namin na dapat ay iisa lamang ang dorm ng mga Elite kaya po pinalaki namin at mas pinaganda 'yung dorm ninyo. Sorry po talaga." Mahabang pagpapaliwanag nito at nagulat naman ako sa sinabi ni ate gurl. Wala nga akong ka alam-alam sa kung para saan 'yang Elite na 'yan, eh!
Unfortunately, wala na nga akong nagawa. Kailangan kong makisama at pilitin ang sarili ko na magtimpi. Seriously? Ako? Ako na maganda't mayaman ang mag-a-adjust? This is ridiculous!
Sa sobrang bad trip ko ay pumunta muna ako sa canteen at habang dumadaan ang dyosa ay sige na naman sila sa bulungan. 'Di ko na lang pinansin ang mga bubuyog at dumiretso na sa counter para bumili ng makakain. Alam ko namang nagagandahan lang 'yang mga 'yan saakin.
In fairness, maraming masasarap na foods, ha. Maraming choices! Habang kumakain ako sa isang lamesa ay may lalaking bigla nalang humila ng kamay ko. Like, what the heck?
"Ahhh!" Sigaw ko na halos dinig sa buong canteen. Siyempre, nagulat ako! Kayo rin ba naman ganunin. Agad ko itong tinignan at laking gulat ko dahil parang pamilyar ang mukha niya sa 'kin. Wtf is happening sa paligid ko!
Napatahimik niya ako gamit ang kaniyang kaguwapuhan. Pero to be honest, mas gwapo 'yung isa kanina kahit panget 'yung ugali. Nevermind.
"Why are you eating here?" Sabay tingin sa lamesa na pinagkakainan ko. Kitang-kita ko ang pagtataka sa kaniyang mga mata. May mali na naman ba sa ginawa ko? Eh, saan ba dapat?!
"Tinatanong pa ba 'yan? Simply because... I'm hungry? And as far as I know, ang mga gutom na estudyante ay sa canteen pumupunta para kumain." Pagtataray sabay bawi ko sa aking kamay at nakita ko naman ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Yeah, oo, pogi ka pero hindi naman ako niyan mabubusog physically.
Akmang itutuloy ko na sana ang aking kinakain nang bigla niya na namang hinatak ang aking kamay. Umay naman, wala pa 'kong kain, ha! Baka ikaw ang— eme! Pagkain gusto kong kainin nukaba.
"I mean, why are you eating here? As an Elite, you should be eating at E-Cafeteria." Naguguluhan ako sa mga pinagsasasabi ng lalaking ito kasi kahit na sabihing Elite ako or whatsoever dahil hindi ko naman alam ang tungkol sa Elite-elite na iyan, kakain at kakain ako sa kahit saan ko gusto. It's my rights to choose! Mga monggoloid ata mga tao rito.
"Why do you care? And besides, I don't even know you at all, so stop acting like we're that close." Pagtataray kong muli sa lalaking ito. Tigas ng head, ha! Head sa taas po.
"Because this is my way para makahingi ng sorry sa nagawa ni Elliot kanina sa 'yo. And I also want to say sorry kase hindi man lang kita naipagtanggol." Turan nito na punong-puno ng sinseridad sa kaniyang mga mata. Nakaramdam ako ng pag-init ng aking mga pisngi kaya agad kong tinakpan ang aking mukha. Alam ko kase na madali itong mahahalata dahil sa kulay ng aking balat.
"Why are you covering your face, hmm?" Tanong niya sa 'kin habang nakangiti kaya mas lalo akong namula at mas tinakpan ang aking mukha. Shocks, ang voice! Omg, feeling ko tuloy ang landi landi ko! Mga teh, ampogi rin kase, oo!
"A-Ahm sige thank you, okay na 'yun! Hindi mo naman kasalanan atsaka hindi naman ako galit sa 'yo. Pwera lang sa asungot na Elliot ba 'yun?" Sabi ko sakaniya habang naka cover lahat ng mukha ko. As if may karapatan akong magalit sakanya, 'di ba? Eh, hindi naman siya ang nagpa-alis at nagsabi ng mga masasakit na salita saakin.
Pero jusko ang gwapo niya legit. Masyado naman na ata akong halata kakatitig sa mukha niya! Keber, OA na kung OA!
"Yup. Enjoy eating then. See you later." Pagpapaalam niya sa 'kin. Habang paalis na siya ay nakita ko 'yung silver design na nakapalibot sa uniform niya. Ang expensive lang kase tignan. Ang ganda, parang ako lang.
"Kahit papaano pala'y may mabait pa rin na tao rito." Turan ko sa aking sarili.
Masaya akong kumain habang iniisip ang mukha nung lalaki kanina. Is this what we call 'love at first sight'? Kase feeling ko mahal ko na siya. Kimmy lang, love agad? Crush lang siguro ganun. Malandi na ba ako no'n? Nevermind!
Pero wait lang... actually, hindi pala totoo ang love at first sight dahil lust lang daw 'yon. According to what we studied, 'yung love at first sight ay kadalasang infatuation or physical attraction, kasi hindi mo pa naman kilala 'yung tao para mahalin siya nang totoo. Sabi nga ni Zick Rubin at Elaine Hatfield, love needs time, shared experiences, and emotional connection. Attraction at first sight, oo, pero love? Hindi agad-agad.
Kaya siguro ganito, parang dopamine rush lang, 'yung tipong nagka-crush ka kasi may spark or kilig kaagad. Pero hindi ibig sabihin no'n na mahal mo na agad siya. 'Di ba nga, love takes time to grow? Huey!
After kong kumain ay napagdesisyunan kong tumambay muna siguro sa puno na nakita ko kanina. Ang ganda rito mga mhie, perfect lalo na 'pag marami kang iniisip. Dito ka mag-overthink.
Habang tumatambay ako ay pinagmamasdan at namamangha ako sa laki ng puno at ganda nito. Take note, hindi siya mukhang binabahayan na ng mga engkanto, ha. Ang ganda, promise! Nakaka-relax nga e, kaya pinikit ko muna ang mga precious eyes ko.
Nagising ako sa pagkaka-idlip dahil nagri-ring 'yung phone ko.
"Oh my gosh, nakatulog pala ako?" Bigla ko namang napansin 'yung suot ko na naka-cover sa katawan ko... may silver design. Gayang-gaya sa uniform nung lalaki na mabait kanina. What is the meaning of this?
Narinig ko nanaman 'yung phone kong nagri-ring kaya hinanap ko ito at nang makita ko 'yung phone ko ay hindi naman ito nagri-ring ngunit patuloy lang ang pag-ring na naririnig ko na siyang hindi naman nanggagaling sa phone ko. Gets pa ba? And out of nowhere, bigla ko na lang napansin na may katabi pala ako sa silong ng punong kinalalagyan ko na ngayon ay matamang nakatingin saakin.
"Ahhh!" Basta napasigaw na lang ako nang malakas dahil sa gulat. Shocks, nakaka-ilang tili na ako ngayong araw, ha! Feeling ko mapapaos na 'ko ta's bukas wala na akong boses. Tinakpan naman ng lalaki 'yung mga tenga niya dahil sa ingay na aking nalikha.
Nang napagtanto ko na tao pala ito ay napatigil ako hindi dahil sa pagka-pagod kundi sa kaguwapuhan nito na ngayon ay nakangising aso na mga teh! Jusme, ayoko na. Palandi na ako nang palandi.
Tinignan ko ulit 'yung suot ko, ganun na ganun nga rin kagaya nung lalaki sa canteen kanina kaya napatingin ako sakaniya. Should I ask him? Ba't pa ba ako mahihiya, 'di ba?
"Uhm... sa 'yo ba 'to?" Tanong ko sakaniya na medyo nahihiya pa. Mga mima, medyo nangingibabaw pa rin talaga ang pagkamahiyain ko. Tumango naman ito.
"Ah sige, salamat haha." Sabi ko naman at inabot sakaniya ito pabalik. Hindi ko naman po aangkinin, keri ko naman bumili if ever. Medyo awkward lang kase ang tahimik niya. Sabagay, alangan naman chikahan niya ako agad, we just met.
"You're welcome." Pagkasabi niya no'n ay agad naman na itong umalis nang wala man lang iba pang sinasabi. Like biatch, 'yun na 'yon? Pero in fairness, iba 'yung dating ng cold treatment niya ha, may pagka-humble na nakakakilig. Lammoyun? Gosh! Dami kong napapansin sa true lang. Hmmp! Don't panic, it's organic.
Dahil sa pa-gabi na rin ay napagdesisyunan kong harapin na ang kinakatakutan ko sa ngayon. At iyon ay ang bumalik sa dorm. Ih! Baka nandoon kasi 'yung asungot na 'yun! Ano bang ginawa ko for him to be mad at me. Nalaman niya lang na hindi ako tunay na babae, gano'n na agad ang inasta niya? Ni hindi ko nga siya hinawakan, eh.
Hmm, so when guys touch gay people, it's okay kase "Lalaki pa rin naman kayo." "Gusto niyo rin naman iyon." But when you switch the situation, it becomes a problem and they'll use our gender to attack us. Just because we're gay, we don't have the rights to have the word consent. Molestation is molestation kahit anong gender pa 'yan.
Grrr nanggigigil ako sa lalaking 'yon! Awatin niyo ko't baka masampolan ko siya ng mga natutunan kong taekwando moves sa dati kong school! Well, martial art was originally developed for self-defense and hindi ako magdadalawang isip na gamitin sakanya iyon just in case.
'Yun na nga...
Kahit nangangatog ang mga paa ko ay nagpatuloy pa rin ako sa aking patutunguhan. Mahigpit ang kapit ko sa mga gamit na dala ko. Juice colored ayaw ko pang mamatay! Pero baka kase mamatay talaga ako pagkapasok ko at may mga kasamahan na siya. Kunwari they're kind at papainumin nila ako ng coffee as a welcome raw na may lason at tahimik akong ililigpit.
Hahanapin pa nila ang bahay namin and they're going to bury me in our backyard hanggang sa mahanap ako ng mga apo ng apo ng kapatid ko. They're going to uncover my murder at ife-feature ito sa BuzzFeed. And then, ka-boom! Sikat na 'ko! Jusme, ako na ata ang nababaliw.
Nasa tapat na ako ng pinto, pinag-iisipan ko pa kung pipihitin ko ba ang doorknob or magba-back out na lang. Kaso wala, eh! Naisip ko 'yung deal sa 'kin ni dad kaya pinihit ko na. Nagulat ako dahil may apat na lalaking biglang nagsitayuan mula sa sofa.
Kasama 'yung lalaki sa canteen, sa puno, 'yung isa ay 'di ko kilala, at siyempre, mawawala ba naman 'yung hambog. Bigla ring tumayo 'yung kausap nila na nakangiti pa sa 'kin. Hala beh, taken na po ako sorry. Kimmy!
"What a coincidence! Pinag-uusapan ka pa lang namin kanina at ngayon nandito ka na. So, Mr. or should I say Ms. Salazar." Pinalapit niya ako sa tabi niya at ngayon ay kaharap ko na ang apat na nagga-guwapuhang mga lalaki. Nagpakilala ang lalaking nagpalapit saakin na siya ang executive director ng campus at winelcome niya ako.
"Ms. Salazar, meet the Elites." Ani nito, tinutukoy ang mga lalaking kaharap ko ngayon. Ngumiti naman ako kahit na pilit lang, kelangan nating maging good girl para maka-survive. Baka mamaya, hindi na talaga ako makalabas nang buhay rito. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko!
Ngumiti rin naman si canteen boy, walang reakisyon si tree boy, nangse-seduce naman na tingin ang ipinukol sa 'kin nung isa na halatado at mukhang... pervert? Not to judge pero, oum. At tinignan din ako netong si Mr. Sungit na parang mayroon akong isang contagious disease and yep, he looked at me with disgust.
Tusukin ko kaya mata mo, tamo!
"Elliot, Edward, Tyron, and Tyler. Meet the Fifth Elite."