Kinabukasan ay maagang gumising ang dalawa. Nag almusal muna sila sa hotel bandang alas diez y media. Good mood na good mood pa rin si Maxime pero medyo bitin din sa tulog dahil tinatamad pa itong bumangon. Ayaw pa nga sana nitong bumangon pero pinaalala lang ni Seibas ang usapan nila kagabi. “Saan nga ba tayo pupunta, Seibas? Bakit nasa roof top tayo ngayon?” tanong ni Maxime. Hindi nito napansin ang malaking letra na nakasulat sa semento na letter H. Hindi ito simpleng roof top lamang kundi Helipod ng hotel na tinutuluyan nila. Hindi pa rin ni Seibas sinabi kung saan talaga ang destinasyon nila. “I will just tour you around here in Madrid. But the best part is somewhere you will love to see and visit after I show you.” paliwanag ni Seibas. “Hmp, sige na nga. Kung ano man ang plano m

