Wala ng urungan. Pinili niya ang option na ito at hindi na niya pwedeng bawiin pa. Maging ang mga security team sa loob ng black market ay napaawang ang bibig nang makita ng mga ito si Maxime. Hanga sila sa lutang na ganda ng dalaga at dahil na rin sa suot niya kaya agaw pansin talaga si Maxime. “Seibas, dito na lang muna tayo, hindi gaanong matao." pinili ni Maxime ang spot na pareho silang makaka kilos agad at hindi maiipit sa karamihan. Tango lang ang sinagot ng binata saka tahimik na nagmamasid sa paligid. Maingay na at nagkagulo ang mga manonood pero hindi doon naka focus ang dalaga. “Are you alright, Max?” tanong ni Seibas. Mabuti na lang at nasa kanang bahagi niya ang lalaki kaya naman nang abutin nito ang kamay niya ay kanang kamay din ang nahagod nito. Nagsimula na ang labana

