“Fine. But we need to eat our dinner first. Naka-order na ako. After five minutes paparating na ang pagkain natin.” malungkot na saad ni Seibas, wala siyang nagawa sa desisyon ng dalaga. Kahit paano, ginagalang niya ang desisyon ni Maxime. Tinalikuran na ni Maxime si Seibas at kumuha siya ng dotted red string two piece na isusuot niya sa pagligo. Mula sa kanilang terrace natatanaw niya ang swimming pool sa ibaba. Na engganyo siyang maligo dahil tahimik at ilan lamang ang nakita niya lumalangoy sa pool. Hindi rin siya nag-abalang mag-ayos ng mga gamit dahil ilang araw lamang ang ilalagi nila rito. At doon sila tutuloy sa bahay nila Seibas. Ayon kay Feno, may sariling bahay ang mga Aragon dito sa Spain. “Kapag dumating na ang pagkain mauna ka ng kumain. Mag-swimming muna ako sa ibab

