DUMIRETSO si Prin at Kai sa computer room ng Matsui Villa. Pinagamot agad ang nasugatan na braso ni Kai sa isang maid. Walang gustong kumausap sa binata dahil halata nila na hindi maganda ang mood nito.
Habang si Cobra naman ay busy sa computer nito na may dalawang monitor. Kausap nito si Mat-Mat at Tom sa headset na pare-parehas computer codes ang pinag-uusapan. Ang tatlo ang nakatoka sa lahat ng gamit na nakuha ni Prin at Kai sa apartment kung saan dinukot si Bella. Pati na rin ang issue sa South Caracass Gang.
Nasa meeting si Cally, ang Daddy nito na si Cloud Han at ang Daddy niya kay Senator Cruz. Nagpapunta ng sampung Dark Guard si Rob mula sa Japan dahil kailangan nila ng back-up. Malalim ang iniisip ni Prin, iniisip niya ang mga naganap sa apartment. Hindi niya maiwasan na itanong sa sarili kung sino ang dalawang nakaputi na nakita nila sa apartment ng gabi na iyon.
Si Kai naman sa kabilang banda ay nanghingi ng papel saka pen para iguhit ang simbolo na nakita niya sa dibdib ng lalaking naka-white suit kahit pa ginagamot ang braso niya.
"Base dito sa phone messages ni Bella, inimbitahan siya ni Maya na lumabas. How come na napunta sila sa bahay na 'yun?" takang tanong ni Cobra habang kausap nito si Mat-Mat.
Napalingon si Prin dito. "Kung mag-a-unwind ang magkapatid, sigurado na pupunta sila sa mall para mamasyal, manood ng sine, kumain sa labas. Hindi para dumalaw sa taong hindi naman kilala ng isa," komento ni Prin.
Lumapit siya sa computer ni Cobra para kausapin si Mat-Mat sa kabilang linya. Pinalitan niya ang gamit ni Cobra mula headset to speaker para marinig niya ang sasabihin ng binata sa kabilang linya.
"Matty, can you get all Maya's phone call and text history?" nasanay siya na tawagin itong Matty kahit Matthew ang totoo nitong pangalan. Ang totoo, walang ideya si Prin kung ano ang hitsura ng binata dahil hindi naman ito nagpapakita. Isang larawan lang nito ang hindi sinasadya na lumabas sa computer ay siguradong deleted agad.
"I'm on it kanina pa!" alam ni Prin na hindi ganoon kadali na makuha ang impormasyon lalo at wala ang telepono nito sa kanila.
Hindi nila natagpuan sa apartment ang cellphone nito o kahit anong gamit. Umaasa lang sila sa numero ng kapatid ni Bella at saka sisimulan na i-hack sa Mobile company na gamit ang sim card number ng dalaga. Ilang minuto pa, may nakuha agad itong impormasyon. "Got it!"
"Okay, base sa phone history, sa social media account ni Maya, this girl is her classmate and they are working on a project," pagbibigay-alam nito.
"How did you know she was her classmate?" takang tanong ni Tom sa kabilang ibayo.
"I got her Phone data.”
"Wow! You got her data? As in, All of it? just using her phone number?" nanlalaki ang mata ni Cobra na sunud-sunod na tanong sa binata.
"Is it surprising? I will never be a number one hacker in the world, kung simpleng phone data ay hindi ko makukuha," mayabang na sabi.
"Base dito sa palitan nila ng mensahe, pinapunta niya saglit si Maya sa bahay dahil may ibibigay na paperwork. And I guess, her intention was to kidnap Maya. Isang malaking regalo na lang na nasama si Bella,” paliwanag ni Mat-mat.
"Yes, and her boyfriend was the mastermind. He will receive a 100 thousand kada babae," pag-sang-ayon ni Cobra.
"Nanggigigil na nga akong malaman kung sino ang may pasimuno e." si Mat-mat. Napaisip si Prin
"Do you think it's South Caracass?" tanong ni Prin habang nakatingin kay Cobra. Sa palagay niya ang lalaking namatay sa apartment ang tinutukoy nito na tumatanggap ng 100 thousand.
"Guys! Guys! I found Bella!" biglang sigaw ni Tom sa speaker. Napalingon si Kai at tinungo ang pwesto nila nang marinig nito ang pangalan ng babae.
Agad na nag-share si Tom sa computer nila kung ano ang nakikita nito sa sariling monitor. Isang kuha ng CCTV mula sa malayong lugar ang pinapanood nila. Medyo malabo ang kuha dahil malayo ang CCTV camera, pero base sa anyo, si Bella, Maya at iba pang mga babae ang bitbit ng mga lalaking hindi mapagkakatiwalaan paakyat ng Yate.
"Let me handle that!" sabi ni Mat-mat at agad nitong ninakaw ang files ni Tom para palakihan at palinawan ang kuha sa CCTV.
Kita nila sa mas malinaw na kuha na sinasakay si Bella at Maya sa isang yate. Base sa hitsura ng lalaking may bitbit sa kaibigan niya, hinala ni Prin na ito ang lalaking nakausap niya sa telepono ni Bella. Si Kai sa tabi ay gustong gusto nang manapak.
"Where the hell is that?" tanong ng binata.
"Port B! Marina Bay," sagot ni Tom.
"Okay, get that yacht's name!" utos ng binata kay Tom.
Doon nagsipasukan si Cally, Rob kasama si Zuki papasok sa computer room. Eksakto na napansin ni Cally ang monitor.
"Pause the video," utos nito. Lumapit ito sa kanila. Nakakunot ang noo ni Prin. "Matty, pause the video."
Sinunod naman nito. "Rewind for 10 seconds." Sinunod muli nito saka nag-play muli.
"Stop!"
Mukha ng isang lalaki at babae ang na-capture ng screen. Nagkatinginan si Rob at Cally. "It's her! Hitomi together with the Police Major!"
LUMIPAS man ang panahon, hindi nagbabago ang tingin ni Rob sa nagka-edad na si Hitomi. Umismid siya, hindi niya akalain na buhay pa pala ang babae at nananatili rin na buhay ang business nito na pagbebenta ng babae. Sa panahon na ito, gusto niya nang markahan ang babae. Kahit pa nananatili ang ganda nito na hindi halata sa tunay nitong edad. Sa tingin niya, si Hitomi ang partner ni Police Major sa Human Trafficking habang si Mr. Sy sa droga.
"We have to get that case," turo ni Rob sa bitbit ni Major Jaime na nakikita nila sa screen.
"By the way, where are the others?" tanong ni Rob kay Tom.
"Are you talking about us?" tanong ng isang matinis na boses mula sa pintuan. Sabay-sabay na napalingon ang lahat ng nasa computer room sa pintuan. Nagliwanag ang mukha ni Prin nang makita ang grupo nila Ana at siyam pa na kasama nitong Dark Guards.
NAGTATAGO ang grupo ng Dark Guards sa mga hilera ng nakaparadang truck sa port. Binabantayan nila ang yate kung saan naroon si Bella. Naghihintay lang sila ng signal gamit ang earpiece at maliit na camera.
Patuloy ang pagparada ng sasakyan sa port at kung sinu-sino ang lumalabas mula roon. Mga kilalang opisyal, businessman at kung sinu-sino pa. Hinihintay nila ang signal mula sa Heneral ng pulisya saka sa signal ni Kai.
Matagal na rin palang minamanmanan ng Heneral si Major Jaime dahil kakaiba ang lifestyle nito. Kapwa Police Major ang nagre-report sa Heneral. At sa gabi na iyon ay tatapusin na nila ang laban ng droga at ilegal na gawain ni Major Jaime.
Si Cobra ang naka-assign sa computer na nasa loob ng van na nakaparada sa di kalayuan. Kausap niya si Mat-mat sa kabilang linya. Ang dalawa ang naka-assign sa CCTV, locks at mapa ng malaking yate sa loob. Naghihintay si Prin, Cally at Kai sa sasakyan ng asawa niya dahil kailangan ipasok ni Mat-mat ang pangalan nila sa listahan ng RSVP para makapasok sila sa yate ng walang problema.
"Okay, your name Prin is Mia Khalifa and is now in their RSVP list,” sabi ni Mat-mat sa telepono na naka-speaker sa sasakyan ni Cally.
Si Kai na umiinom ng tubig mula sa bote ay napabuga nang wala sa oras. Si Cally sa tabi ay lihim na natawa. Kunot-noo si Prin at walang naintindihan.
"Hey, why are you laughing?" tanong niya kay Cally.
"Nothing!" saka hindi napigilan na humalakhak ni Kai. Halos magluha na ito kakatawa.
"Okay, Cally you are Johnny Sins!" sabi nito.
Cally "...." ganoon ba kabilis ang karma?
"and you Kai is…"
"Ryan Driller.”
Kai "...."
"You are ready to go. Your face and name is now in their RSVP list.” dagdag pa ni Mat-mat.
"Fu*k you! Pasalamat ka wala ka dito sa Pinas!" galit na singhal dito ni Kai.
"Dami reklamo… lapit na sa bouncer at sabihin niyo lang ang pangalan niyo. Hindi na importante ang pangalan na pinili ko, ang mahalaga ay maligtas mo ang iyong Angel," sagot nito sa speaker. Napapikit si Kai para kalmahin ang sarili. Gusto niyang bugbugin ang hacker na ito na walang mukha nang harap-harapan. Si Prin ay clueless kung ano ang mga pangalan na binigay ni Mat-mat.
Ilang minuto pa, huminto ang sasakyan ni Cally sa tapat ng mga gwardia na nakaabang sa bisita paakyat sa malaking sasakyang pandagat. Lumabas si Cally, Prin at Kai mula doon. Kapwa naka-tuxedo si Kai at Cally habang nakapulang gown na may mahabang slit si Prin. Para silang mga anak ng diyos na nilabas mula sa sasakyan.
Hindi mawala ang titig ng mga gwardiya kay Prin. "name niyo po Ma’am?"
Nakaliyad ang dibdib na sinabi niya ang pangalan sa lalaking nasa tapat ng scanner at may bitbit na ipad.
"Mia Khalifa!" taas noo na sabi niya dito.
Guard "...."
Tumikhim muna ito bago hinanap ang pangalan niya sa listahan. "Kayo sir?"
"J-jhonny Sins and Ryan Driller!" pabigla ang pagkakasabi ni Kai dahil malapit niya nang ibaon ang sarili sa lupa.
Guard "...."
Matapos silang ma-scan mula ulo hanggang paa, pinatuloy silang tatlo sa loob. Saka nila binuksan ang aparato na nakakabit sa tenga at iba pa.
"We are inside!" sabi ni Prin sa maliit na bolitas na nakakabit sa tenga nila. Saka niya narinig ang malakas na halakhak ni Ana at ng iba pa.
"Oh my god! I love this Matthew so much! I saw your domineering look, I am going to die sa pagtawa," paliwanag ni Ana.
"Why?" tanong niya.
"Don't tell her," utos agad ni Cally kaya natahimik ang lahat. May makaka-suway ba sa kanilang shi? Kumunot ang noo ni Prin.
"Are they celebrities?" hindi niya napigilan na itanong.
"Yes!" sabay-sabay na sagot ng mga ito.
"Guys, I am warning you, we are here for a mission," banta ni Kai kaya natahimik na ang lahat. Saka tumuloy ang tatlo sa ballroom na nasa ikalawang palapag ng yate kung saan gaganapin ang 'laro' nila sa gabing iyon.