TILA nakahinga ng maluwag si Jopay matapos masabi ang pangalan.
"Gaga ka! Sa palagay mo ba ay kaya kang proteksyunan ng mga ito kay Police Major?!" sigaw ng lalaking naka-cap. Iyak ng iyak ang dalaga.
"Pero bakit gusto niya akong ipapatay, siya ba ang nag-utos sa iyo?" hindi makapaniwala si Jopay.
Hindi ito sumagot kaya napapikit siya. "I love him so much, so why?" dagdag nito na umiiyak.
"Gaga! Akala mo naman ay ikaw lang ang babae niya--" hindi na nakapagpigil si Rob na sinuntok sa mukha ang lalaki. Naiingayan na kasi siya dito.
Umangil ang lalaki at nanggagalaiti pero sinuntok muli ito ni Rob ng isa pang beses. Agad namang nagtipa si Cally sa cellphone ng lihim at pinadala kay Mat-mat na pinsan niya.
[Please send me everything about Police Major Jaime Guzman]
"M-master, paano niyo pong nalaman na nagbebenta ako ng droga sa opisina?" Tiningnan muna ni Cally ang babae bago nagpatuloy.
"Nang unang beses na magsalita ka kanina at sabihin mong huwag kang sasaktan," simpleng sagot ni Cally. Natahimik si Jopay.
"Nang araw na iyon isang salita lang ang narinig ko mula sa iyo at iyon ang 'Thanks!’ Tatlo kayo ang talagang nasa comfort room, si Cristy ang kasama mo na nagbebenta. Halos lahat ng pang-aalok ay nanggaling sa kanya para kay Celebrity A. at tingin ko, ikaw lang ang naghahanap ng prospect buyer."
"...At sigurado ako na ikaw si Pia."
Iyak lang ng iyak si Jopay dahil tama ang lahat ng sinabi ni Cally. Si Prin ay talagang nagulat sa mga nadinig. Nang dahil sa 'thanks!', nakilala na agad ito ni Cally? Isang salita lang iyon at nasino agad nito si Jopay? Gusto niyang magreklamo bigla kay Lord kung bakit kulang ang skills at talino na pinaambon sa kanya.
"Ngayon, gusto kong malaman kung paanong nakapag-overdose ng drug si Celebrity A at saka si Cristy," ito ang tanong ni Cally na hindi niya maintindihan.
"Dahil nakita ni Celebrity A na sinundo ako ni Police Major sa set kung saan kami nagkasama nang nagdaang araw. Nagsimula siyang i-blackmail ako."
"And she knew or rather assumed na galing ang mga droga na binebenta namin kay Police Major. Binigyan ko siya ng tatlong gamot na libre at sinabihan na mas maganda kung sabay sabay niya iyon na iinumin."
"Si Ms Cristy naman ay may nagawang mali ng araw na iyon, dahilan para ipapatay siya ni Jaime. Hindi po ako sigurado kung ano po iyon…" halos hindi makatingin ang dalaga sa kanila pero iniisa-isa nito sa isip ang lahat ng naganap.
"...Si Ms Cristy ang talagang nakakakilala kay Jaime, matagal na siyang tauhan ng nobyo ko. Nang makilala ko si Ms Cristy sa isang event, sinimulan niya akong usisain. Pinakilala niya ako kay Police Major o mas tamang sabihin na binugaw niya ako, Master." patuloy na umaagos ang luha ni Jopay.
Nang dahil sa pagmamahal sa lalaki, nasilaw siya at pumayag na maging kasangkapan nito. Si Cristy ang talagang nagbebenta, at siya ang naghahanap ng buyer. Nakagat niya ang labi para pigilin ang luha. Huli na para magsisi na nagkamali siya ng taong pinagkatiwalaan.
Doon na nag-init ang ulo ni Prin. "binugaw ka?!" Tumango ang babae.
"Does it happen always sa MGM artists?" tanong ni Prin. Bilang babae, nababahala siya. Natatakot si Jopay na tumingin kay Cally bilang presidente ito ng opisina nila saka tumango.
"Especially to trainees."
"Fu*k that monster!!" hindi napigilan ni Kai ang magmura.
Lalo na at may plano si Bella na magtraining sa MGM. Paano niya ngayon pipigilan ang dalaga na huwag na nitong ituloy ang plano na kumanta o magtrain sa MGM? Gusto niyang manuntok o manggulpi ng tao.
"Nang ma-inlove po ako sa kanya, tingin ko, naging daan po iyon para utusan niya na rin ako na maghanap ng bibili ng droga." pinunasan ni Jopay ang mga luha niya.
"wrahhhh!!!!"
Nagulat na lang sila ng biglang sumigaw ang lalaking naka-cap at mabilis na tutunguhin ang pwesto ni Jopay, para patayin ang babae. Mabilis ang mga naging pagkilos ng apat pang lalaki. Si Kai bilang malapit sa katana ay hinila iyon at mataas na tinalon ang lalaki.
Diretso sa bumbunan ng ulo nito ang matalim at mahabang espada pababa sa katawan nito. Nanggigil si Kai na pinilit na ipasok ang lahat ng metal na iyon sa loob ng katawan ng lalaki. Unti-unting kumakalat ang dugo sa cap na suot nito.
Para itong barbeque meat na tinutusok sa mahabang bamboo stick. Nanghilakbot si Jopay sa takot. Halos lumuwa na ang mga mata niya dahil sa nasaksihan lalo na ng unti-unting malaglag ang katawan ng lalaki sa sahig.
Nanlalaki ang mga mata nito na hinimatay.
Nangigigil si Kai sa narinig na binubugaw ang mga artists ng MGM at napagbalingan niya ng galit ang lalaki.
"It's his fault!" angil pa ni Kai.
Si Prin sa kabilang gilid ay napapailing, kapag kasama nito si Bella ay tila sinasapian talaga ito, dahil ang inakto ni Kai nang mga oras na iyon ang totoong ugali ng binata.
HINDI mapakali si Prin, she is cracking her brains sa kung paano at kung ano ang mga naganap ng gabi na iyon. Nakaupo lang siya sa ibabaw ng kama, nakapatong ang mga braso sa magkatabing tuhod. Habang si Cally ay nasa loob ng shower room.
Nasa custody ng Daddy niya at Senator Cruz si Jopay, para sigurado sila na walang mangyaring masama dito. Lumabas si Cally ng shower room at una nitong napuna ang malalim na pag-iisip ni Prin.
"Honey, what is it?" tanong ni Cally habang pinupunasan ng twalya ang buhok.
"Come here." Pinagpag ni Prin ang ibabaw ng dulong bahagi ng kama. Pinaupo niya si Cally doon. Kinuha niya ang hawak na twalya nito saka niya sinimulan na punasan ang basang buhok nito.
"Honey, I just felt bad for MGM Artists," sabi ni Prin.
"Why?"
"Na binubugaw sila ng Manager and specially they are doing those things sa trainees. Dahil mas uhaw sa trabaho ang trainees mas malaki ang chance na pumayag kung sakali man na ipagamit ang mga katawan nila sa kung kanino man,” sabi niya habang parang anak na batang lalaki si Cally na pinupunasan ang dark brown nitong buhok.
"To be honest, hindi na namin nat-track ang bagay na iyan sa MGM. Though, my Family is very strict 'pag dating sa ganyan simula pa ng panahon ng lolo ko. And you know my Mom is very advocate in humanity, even her teaching sa schools are free."
"My Dad and I are very much busy with MGM and honestly even if we worked hard 24 hours a day, it will not be able to satisfy all the problems we encounter day by day." Tumango lang si Prin. Naiintindihan niya ang ibig nitong sabihin dahil ganoon din naman ang Mommy niya na isang business woman.
"Hindi lingid sa kaalaman namin na may nagaganap na ganyan but it's out of our control. Lalo na kung ang may gusto naman ay ang artist like Jopay, she fell in love with the man. So, labas ang MGM doon."
"What about Bella? for sure she will decide to stay," Nag-aalala niyang tanong kay Cally.
"Bella, is safe. Sa palagay mo ba, hahayaan ni Kai na mapahamak ang Angel niya? And, she will be safe under Ms. Yolly's hands."
Tumango-tango si Prin saka ibinalik na dito ang towel. Hinawakan ni Cally ang kamay niya. "Sit here," turo nito sa binti.
Umupo si Prin paharap sa asawa niya saka ipinatong ang magkabilang braso sa balikat nito. Pinaglalaruan naman ni Cally ang buhok ni Prin habang haplos nito ang pisngi niya sa kabilang palad.
Napansin na ni Prin na paboritong gawin ni Cally sa kanya ang iikot ang buhok niya sa mga daliri nito. Ilang saglit lang, hinila nito ang leeg niya para halikan siya sa labi.
"Honey, do you have a dream?" Tanong ni Cally sa pabulong na paraan.
Bigla siyang napaisip sa tanong nito. She looked at his eyes. Noon, ang tanging pangarap niya lang ay makasama si Cally pagdating ng araw. She trained so hard for a couple of years, so she could marry this man someday.
Naniniwala kasi siya noon na deserve ni Cally ang magaling na babae, 'yong babaeng pwede nitong isama sa kahit saang laban. Matapang at hindi mahinang babae. Nang maikasal na siya kay Cally, nag-upgrade ang mga kagustuhan niya. "Yes, to be with you every day is one of my dreams," sagot niya dito.
"Very good! Because we have the same dreams." Hinalikan siya ni Cally sa labi. A kind of kiss that can melt someone's world. Hawak pa nito ng mahigpit ang baba niya na para bang ayaw siya nitong pakawalan. Mabibigat ang paghinga nila pagkatapos. He suddenly grabbed both of her breast after. She saw hunger in his eyes.
"Hus...bie… we can't..." halos hindi na lumabas sa bibig niya. Naisip niya na parehas na ang anyo ni Cally nang panahon na naospital siya sa mga segundo na iyon. At hindi na maaari na magbalik na naman siya sa ospital.
"I promise to be gentle this time. Practice makes perfect," Sabi nito na ikinapula ng mukha ni Prin. Saka tinanggal ang humaharang na iyon sa dibdib niya. Hindi tinatanggal ni Cally ang pagkakatitig kay Prin kahit isang segundo.
"I love you so much, my wife and I can't bare to lose you even a second.”