CHAPTER 8 - Indescribable Feelings

1798 Words
KASALUKUYAN "Shi, we are here," gising ni Lorenz kay Cally. Doon lang nakabalik si Cally sa reyalidad. Napanaginipan niya na naman si Prin. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga unang buwan nila na magkasama ng babae. Nami-miss niya ang panahon ng kabataan nila nito. Nakakuyom ang palad at bakas pa rin sa mukha niya ang pagdurusa nang mawala ang babae. Umupo muna nang maayos si Cally at hinintay na bumaba ang eroplano. "May ideya ka ba kung bakit tayo pinatawag?" naisip niyang itanong. Hindi sumagot si Lorenz. Dahil kilala na niya ang lalaki, alam niya na may ideya ito. Tinularan niya ang pananahimik nito at hinintay na makarating sila sa Kent Mansion. Malamig ang klima sa lugar at gabi na rin nang makalapag ang eroplano. Isang limousine ang nag-aabang sa kanila sa pagbaba nila ng private plane. Inabutan siya ng chauffeur ng isang makapal na jacket dahil nanunuot talaga sa kalamnan ang lamig lalo at malapit na maghating-gabi. Sabay silang sumakay ni Lorenz sa itim na sasakyan. Kinakabahan si Cally habang papalapit sa kanilang tahanan. Hindi niya alam kung oras na ba ng pagboto ng mga pinuno para husgahan siya kung siya ba ang karapat-dapat na mamuno sa pitong pamilya. Kumakabog ang dibdib niya sa kaba. Para maiwaksi ang naglalaro sa kanyang isipan, kinuha niya ang laptop upang tawagan sana ang mommy niya para makausap ito, makita at humingi ng payo. Pero para saan? Agad na nagbago ang isip niyadahil ayaw niya rin naman na mag-alala ito sa kanya. "May balita ka ba sa Byrne Family?" tanong ni Cally sa kaibigan. "Ang balita ni MB1, kinausap sila ng Peters para makipagkaisa sa kanila at sigurado daw na magkakaroon ng posisyon ang Byrne kapag tinalikuran ang pamilya n’yo at si Gon Peter ang magiging pinuno—katulad ng hinala mo." "malakas ang loob nila kapag tinalikuran nila ang Kent at sumapi sa Peters. I have all the evidence to prove that they are corrupt and do tax evasion. Isang pitik ko lang, Irish Government will come after them, Gray Guards will back me up." Hotel kasi ang business ng mga Byrne. Malalaking hotel sa halos buong mundo pero nakabase sa Ireland ang pamilya nito. Naninimbang si Cally kung hindi siya tatalikuran ng Byrne Family dahil kapamilya ng mga ito si Apolo na nagmahal sa Mommy niya noon. Pero isa rin iyon sa mga posibleng dahilan kung bakit maaari sila nitong talikuran. Huminga siya nang malalim. Noon niya lang napansin na papasok na ang sasakyan sa b****a ng Kent mansion. Ilang ektarya ng lupain ang pag-aari ng pamilya niya. Isang tagong lupain at tanging gobyerno lang ang nakakaalam dahil sila ay sikretong sumusuporta sa mga ito. Ang malaking mansyon ay matatagpuan sa ibabaw o tuktok ng burol. Isang simpleng mansyon kung titingnan pero mahigpit ang seguridad sa lugar. Mas kabado si Cally habang papalapit ang sasakyan sa mansyon nila. Nang huminto ang limousine, bumukas kaagad ang malaking main door at iniluwa si Madam Lira. Bahid sa mukha ng ginang ang pag-aalala. Halata ni Cally na inabangan talaga siya nito. Bumaba si Cally upang yakapin ang ginang. "Mama Lira…" usal niya sa pangalan nito. Isang glamorosa at matapang na babae ang lola niya at nagawa nito na pamunuan ang samahan nila sa loob ng ilang taon simula ng mamatay si Master Kent na tatay nito. Niyakap siya nito nang mahigpit at hindi nagsalita. "Sabihin n’yo po sa ‘kin kung ano ang rason at pinatawag n’yo po ako." “Come!” Iginiya siya nito patungo sa isang silid. Mas dumoble ang kaba niya. May lumabas na doktor mula sa kuwartong tutunguhin nila. Huminto ito sa tapat at saka sinabing, "She was safe, but still unconscious." Kumakabog ang puso ni Cally. Hindi na kaba kung hindi excitement ang nararamdaman niya. Anong ibig sabihin nito? Nilingon niya si Lorenz na tahimik pa rin na nakasunod saka siya nagpatuloy papasok sa kuwarto. Hindi makapaniwala si Cally sa taong naroon sa loob. Prin Matsui is lying on a wine-colored bed. May nakakabit na dextrose dito, bukod doon ay wala ng iba. "S-she was captured by a pirate and was on the sea for a couple of years, Cally," nagluluha na paliwanag ni Madam Lira. "They never let her escape until Aidan Park saw her in one of his underworld dealings." "He used his money and all our resources so she could return, and he sent her here," mahabang paliwanag ni Madam Lira pero wala ni isang naintindihan si Cally. Ang tanging nakatatak sa isip niya ay nagbalik si Prin sa harapan niya makalipas ang ilang taon na nawala ito. Nakatitig lang siya sa mukha nito na sobrang putla. "Did you call my in-laws?" ang una niyang naisip na sabihin. Siguradong tutungo kaagad doon ang mga biyenan niya kapag nalaman ng mga ito na nagbalik si Prin. "Not yet." Hindi niya alam kung lalapitan niya ba ang asawa at yayakapin. He had unusual but also familiar feelings. He truly cannot describe it. He is at a loss for words. Even though he was afraid, he desperately wanted to hold her. *** YEARS AGO... Cally was captured again by Peters. Nangyari na ito noong apat na taon ang nakaraan habang nag-te-training siya kasama ang gray guards. Ang Dark Guard ay nahahati ngayon sa black at gray. Ang black guards ay mas bihasa sa espada, patalim, lason at halamang-gamot. Samantalang ang gray guards ay sa baril, pagpapatakbo ng eroplano, bomba at kung ano pa tulad ng isang militar. Isang taon makalipas ang training niya sa Japan kasama ang mga nakatakdang maging Dark Guards, isang hindi kilalang lalaki noon ang dumukot sa kanya. He was nineteen during that time. Isang Gon Peter ang humarap sa kanya. Halos kasing edad lang din niya ang lalaki. Ang pagkakaiba lang nilang dalawa. Maihahalintulad sa anak ng demonyo ang awra ni Gon. Hindi rin naman ito nagtagumpay noon na dukutin siya dahil hindi nito akalain na nakapagsanay siya nang pisikal. Makalipas ang limang taon, heto na naman siya at dinukot na naman ng pamilya nito. Hiling lang niya na sana ay iligtas siya ng kahit ano sa black or gray guard, kung hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng Dark Lords. Ang Peters Family ay maihahalintulad sa isang black sheep sa isang pamilya. They are hiding in the dark and doing evil things. Hindi nga alam ni Cally kung ilan na lang sa pamilya nito ang nabubuhay sa kasalukuyan. Wala silang ideya kung sino-sino ang sumusuporta sa pamilyang iyon at kung ano talaga ang role ng pamilyang Peter sa Dark Lords bukod sa adviser noong nabubuhay pa si Master Kent. Adviser noon ang matandang Peters noong panahon ni Master Kent na naging makasarili at nagnais ng mas mataas na kapangyarihan. Nang hulihin siya nito noong disinueve anyos siya ay hindi handa ang mga ito, hindi akalain ng mga ito na hasa si Cally sa pakikipaglaban. Pero iba sa mga oras na ito, pinaghandaan siya ng grupo para mahuli. Isang charity event ang pinuntahan ni Cally kasama ang mga ordinaryong tao sa organisasyon at doon nga siya nito dinukot dahil wala siyang kasamang guwardiya. Nagdadasal siya ngayon na sana ay kahit na sino sa guards ang dumating. Pero nagulat siya ng iniligtas siya ni Prin. Natulala pa siya nang makita muli ang babae dahil hindi niya ito namukhaan. She turned into a beautiful young lady, like a butterfly. Nag-iisa ito at nagawa nito na iligtas siya na parang prinsesa ng mga mandirigma. Tumakbo sila nito sa kagubatan matapos niyang makaalis sa kulungan. Ilang araw na walang kain si Cally kaya nanghihina siya at hindi masyadong naibigay ang inaasahan na bilis at lakas. Napaupo na lang siya sa lapag, tapos ay sumuka. "Oh! I'm sorry. Here!" Inabutan siya nito ng isang likidong nakalagay sa maliit na bote. "What is this?" tanong niya sa babae. Inikutan siya nito ng mata. "Calorie and energy drink." Ininom ni Cally ang likido. Halos masuka siya sa lasa. "F*ck!" "Come on! Siguradong mamaya ay magpapasalamat ka sa 'kin. Pupuntahan tayo ni MB5 sa bungad." Nabigla si Cally. Kung kasama nito si Lorenz, bakit wala sa paligid ang kaibigan niya. Hinawakan nito ang kamay niya saka siya hinila para bumalik sa pagtakbo. Ilang minuto pa, nakikita niya na ang kalsada sa wakas. Halos nakalimutan na nga niya na may pinainom ang babae na gamot sa kanya. Ilang sandali pa, natagpuan ng mata niya si Lorenz na nakasandal sa pickup truck. "Grabe, nauna pa ako sa ‘yo," nakangisi na sabi nito sa kanya. Nakakunot ang noo niya. "Naroon ka kanina?" "Yes." Hindi niya napansin ang lalaki. "I never saw you." "Tulala ka kanina kay Prin. Paano mo ako makikita?" tudyo nito. Nilipat niya ang paningin sa babae nang walang bahid ng reaksyon sa mukha. Matagal-tagal din sila na hindi nagkita nito kaya siguro napag-aralan niya ang anyo nito nang matagal. "Let's go bago pa ako maging third wheel dito," ani Lorenz sa kanila. Nagmaneho ang huli. Katabi nito si Prin habang nasa likod ng sasakyan si Cally. "Anyway, why are you here?" baling niya kay Prin na nakaupo sa unahan ng sasakyan. Hindi niya kasi inaasahan na nasa UK ang babae. Pagkakaalam niya ay nasa Matsui Mansion ito at nagsasanay kasama ng Black Guard. "To marry you," simpleng sagot nito. Napaatras si Cally. Halatang nabigla siya sa sinabi nito. Nilipat niya ang paningin kay Lorenz. Sinilip naman siya nito mula sa rearview mirror. "Your Uncle Rob, your mom and your dad are also here after the Kent mansion informed them that the Peters kidnapped you." "And?" "And they decided na kapag nailigtas ka namin ni Prin ay magpapakasal kayong dalawa." He was speechless. Can you tell me what the connection is? Nais niyang itanong pero pinili niyang manahimik. Inilipat niya ang tingin sa babae na nagligtas sa kanya. "Hey! Huwag mo akong tingnan na para bang may nakakahawa akong sakit. Magpasalamat ka nga at may magpapakasal pa sa busangot mong mukha." "What?" parang gustong mag-init ng ulo niya sa sinabi nito. "Busangot mong mukha," ulit pa nito. "Say that again or else paalisin kita sa dito sa sasakyan." Nasanay si Cally na sinusunod ng kahit na sino. Prin is nothing. Kahit pa anak ito ng tinuturing niyang ikalawang tatay na si Rob Matsui. "Mr. Grumpy old man, is that how you thanked your savior?' Lumingon ito sa kanya at sinimangutan siya. "This truck is owned by my family, not yours. What right does you have para paalisin ako sa sarili kong sasakyan?" Sa unang pagkakataon, hindi nakasagot si Cally. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang babae. Isinandal na lang niya ang ulo sa upuan dahil ayaw niya na’ng kausapin pa ito. Napangiti naman si Lorenz nang makita na sinandal ni Cally ang ulo nito at nakipag-apir kay Prin. Unang beses nito na makita si Cally na natameme. Napailing si Lorenz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD