HABANG nagmamaneho, narinig na lang nila ang pagsabog. Takot na takot si Crayola sa likuran ng sasakyan.
Hininto niya saglit ang sasakyan nang makalayo sa warehouse. Nilingon niya ang dalawa sa likuran at hinawakan ang parehas na kamay ng mga ito.
"You are safe… huwag na kayong matakot. Si Kuya Cally ang bahala sa mga nanakit sa inyo, okay?"
Nagluluha pa din ang mata ni Crayola pero tumango ito. Mas kumalma na ito kumpara ng nasa paligid pa sila ng warehouse.
Inuwi ni Prin ang kambal sa bahay kung saan naghihintay ang Mommy ni Cally.
"Mommy!!!" umiiyak na tawag ni Crayola sa Mommy niya na matyagang naghihintay sa pintuan.
Sinalubong ang mga ito ng yakap ng Mommy Ginny niya.
"Thanks Prin!" nagpapasalamat ito sa kanya.
Hindi niya nakikita ang Daddy ni Cally kaya naisip niya na naghihintay na ito sa Matsui Villa.
Parehas na nasa Japan ang magulang niya kaya malaya si Master Cloud Han, ang Daddy ni Cally na gawin sa kidnappers ang gusto nito.
Lumuhod siya para tanungin si Crayon kung ano ang ginawa ng kidnappers sa mga ito.
"Ate Prin, sinampal ng tinatawag nilang Boss si Crayola tapos yung isa, sinabunutan siya. Yung isa, tinutukan ako ng patalim tapos re-reypin daw nila si Ate Christen." Isa-isa nitong inalala ang mga naganap at kinuwento sa kanya.
"You can calm down now. You did a great job kanina," sabi niya habang hinihimas ang kulutan na buhok nito. Halata ni Prin na ginabayan nito ang kambal na babae.
"Mom, Tutuloy na ako," paalam niya sa Mommy ni Cally. Tumango lang ito habang yakap pa din ang bunsong anak na babae.
Halata na hindi talaga ito napalagay at sinusuri ang pasa sa mukha ni Crayola.
Dumeretso si Prin sa Matsui Villa. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng magtatay sa anim na kidnappers, pero alam ni Prin na hindi maganda ang gagawin dito ni Cloud Han.
Everyone in Dark Guards and Dark Lords knew how ruthless is Cloud Han. Ilan sa miyembro ng Dark Lords ang nakatikim ng bagsik nito. Ang pinaka-ayaw nito sa lahat ay ang may masaktan sa pamilya.
Galawin at saktan mo na ang lahat, huwag lang ang pamilya nito lalo na ang Mommy ni Cally.
A normal person like those kidnappers could see him as an ordinary businessman but Dark Lords knew that he rules the world. Even her Grandmother, who is one of the Yakusa leader ay malaki ang respeto dito.
Pinatawag pa ng mag-ama si 'Bantay', the leopard.
Napapailing na lang si Prin sa kahihinatnan ng kidnappers.
TINULAK ni Cally isa-isa ang anim na kidnappers sa harapan ng Daddy niya.
"C-CEO Han…" nangangatog na tawag ng isa sa pangalan ni Cloud.
Naka-ismid lang si Cloud. "Gusto kong malaman kung ano ang ginawa niyo sa mga anak ko," sabi nito saka sumipol.
Nagkatinginan lang ang anim. Ilang oras lang ang nakalipas, hawak nila ang anak nito. They thought they rule the world.
Hindi pa lumilipas ang magdamag, sila na ngayon ang parang mga mababait na tuta na nasa harapan nito. Napakabilis ng ikot ng mundo sa kanila. Naalala pa nila si Prin na walang kahirap-hirap na sinalag ang bala gamit lamang ang isang piraso ng tubo.
"M-Master, CEO Han…" Hindi nito alam kung ano ang itatawag sa Daddy ni Cally.
Nanlaki ang mga mata nila nang lumabas mula sa kung saan ang isang leopard na matalim ang tingin.
Nagyakapan ang anim na kidnappers.
Lumapit ang mabangis na hayop sa tabi ni Master Cloud at hinimas nito ang ulo ng leopard.
"Ma..ma..Master… Nagkamali po kami, napag-utusan la..la..lang kami ni Labo (ang lider) na du..du..dukutin ang kambal," nangangatog na sabi ng kalbo dahil diretso sa paningin niya ang tingin ng leopard na nasa tabi ni Master Cloud.
Katulad ng amo nito ang tingin sa kanila. Kaya nakadagdag sa kaba nilang anim ang kung ano man ang kasalanan nila.
Gusto nilang murahin ang lider at isumpa kahit na namatay na ito sa pagsabog. Hindi nila akalain na hindi simpleng tao ang nagawan nila ng hindi maganda.
Naalala nila ang sinabi ng batang lalaki kay Labo ng sinabi nitong papatayin silang magkapatid. 'it will never happen' ang sagot nito.
"Dumating sa akin ang balita na isa sa inyo ang sumampal kay Crayola." Matalim ang tingin na ibinigay nito at pinag-aaralan mabuti ang reaksyon nilang anim.
"Si.. Si.. Si Labo po iyon master!"
"Kung ganuon, sino naman ang sumabunot kay Crayola?"
Tumalim ang tingin ng leopard at agad na tumalon at humarang sa daraanan ng isa na may planong tumakas -- ang sumabunot kay Crayola. Umangil ito.
"Ahhhhh!!! Master!!!! Patawarin niyo na po ako."
"Bantay!" tawag ni Master Cloud sa leopard. Agad itong lumapit pabalik sa pwesto ni Cloud. Inabutan ito ng isang hilaw na karne.
"Ma… Master.. Master, susuko na po kami. Magpapakulong na kami kahit manatili pa kami sa kulungan habang buhay… Paki-usap lang po… patawarin niyo na kami!!!!" hiling ng kalbo kay Master Cloud. Halos maihi na siya sa pantalon sa sobrang takot.
Huminga ng malalim si Cloud. "Mabuti at sa inyo na nanggaling iyan. Palalabasin ko na kayo at hahayaan ko kayong sumuko sa kapulisan. Kapag hindi kayo tumupad, alam niyo na ang mangyayari…" matalim ang tingin ng leopard sa kanilang anim habang sinasabi nito ang mga salita.
"Walang sino man ang maaaring maglabas ng kung ano man ang nangyari dito, maliwanag?!"
"Yes Master!" sabay-sabay na sagot ng mga ito.
Umangil pa ang leopard sa huling pagkakataon at saka nagsipagtakbuhan ang anim na kidnappers palabas ng Matsui Villa.
NAKASALUBONG ni Prin ang anim na kidnappers na nagmamadaling tumakbo palabas ng bahay nila.
Kasunod ng mga ito si Bantay na ilang dipa ang layo sa kanya.
Sinalubong nito ang tingin niya. Tulad ng dati ay matalim ang tingin ng berdeng mga mata nito na tila ba ano mang oras ay lalapain nito ang kasalukuyang biktima.
Ilang sandali lang, tumakbo patungo sa kanya ang leopard saka siya sinunggaban. Napaupo si Prin dahil sa bigat ng mabangis na hayop.
Inamoy amoy siya nito.
"Ah.. hahaha!!! Stop it!!!" Nakikiliti si Prin sa paraan kung paano siya nito inaamoy.
Tinitigan ni Prin ang leopard. "You are so clingy!" Hinawakan niya ito sa pisngi at hinimas ang leeg nito.
Dinilaan nito ang ilong niya.
Kapapanganak pa lang ng leopard na iyon nang una silang magkita ni Prin. May anim na taon na rin itong nasa pangangalaga ni Master Cloud. Regalo iyon sa biyenan niya ng isang Presidente mula sa Africa.
Mas matalino ang leopard na iyon kumpara sa ibang hayop. Hindi pa ito kumain o kahit kumagat ng tao pero ganoon pa man nakakatakot ang tingin nito kaya hindi niya masisisi ang mga kidnappers na nakasalubong niya na matakot habang tumatakbo palayo.
Hindi niya napapansin na nasa gilid lang si Cally at nakamasid sa kanya.
"You are so careless. Madumi na ang pantalon mo."
Napangiti lang si Prin sa pagsusungit na naman nito sa kanya.
"Let's go home. Bye bye Bantay."
Umungol lang ito at parang ayaw na umalis siya. Tinawag ito sa loob ni Master Cloud kaya nawala ang atensyon nito sa kanya.
Sumakay siya sa pulang kotse. "Sakay ka na, Husbie"
Tinapik tapik niya pa ang upuan sa tabi.
"Ikaw ang magd-drive?" tanong ni Cally.
"Malamang. Ano pa at binigyan mo ako ng sasakyan?"
Nakatitig lang sa kanya si Cally saka umupo sa tabi ni Prin. "I will give you rules, bawal gamitin ang sasakyan sa kung saan-saan."
"Bawal magsakay ng lalaki."
"Bawal ang hindi sumunod sa batas-trapiko"
"Bawal gamitin sa oras ng klase."
"At bawal… makipag-race"
Sumimangot si Prin. "what is the use of having a sports car, then?" tanong niya.
"To satisfy your needs. Didn't you ask for it?"
She was speechless. Inikutan na lang niya ito ng mata.
Sa palagay ni Prin, si Cally ay isang boring na kwarenta anyos na nasa anyo ng isang bente tres anyos na katawan ng lalaki.
"Siyanga pala, gusto kong magpasalamat sa pagtulong mo sa akin na mailigtas ang kapatid ko kanina," sabi nito habang daan.
Nilingon niya si Cally. "There is no need to say thank you, We are family."
"Hindi na kita nasamahan na mamili ng gamit." Medyo nanghinayang si Cally dahil hindi niya nasamahan si Prin.
"we can do that tomorrow."
He can't explain why his heart is full of excitement whenever he is with her. Whenever she was alone with him in his office.
She is simply too beautiful in his eyes whenever she gives him an annoyed look while answering his exam sheet. Or whenever she called him 'Husbie'. Or whenever she is spouting nonsense.
Her scent is also different from other girls and he likes it so much.
She looked good in her pants, gorgeous in a dress and sexy in her lacey underwear.
Dahil hasa si Prin sa aktibidad, nasa tamang lugar ang mga dapat kalagyan ng mga laman nito. Walang sinabi ang angels ng Victoria's Secret sa mata ni Cally. Ipinilig niya ang ulo at baka sa iba pa mapunta ang iniisip niya.
Nilingon niya si Prin sa tabi.
He looked at her lips while she is driving carefully. He wants to kiss her more. Gusto niyang maulit ang napagsaluhan nila na halik ni Prin.
Para iyong droga na hinahanap-hanap niya.
Nagising lang siya sa katotohanan nang huminto ang sinasakyan sa tapat ng bahay nila.
Hinarap siya ni Prin.
"So, how's my driving?" Nakangiti at excited na tanong nito.
Nilapit lang niya ang mukha niya dito because he really misses her kisses. He gave her a smack on her lips na ikinagulat ni Prin.
"Not bad. That is your reward."
Namula ang pisngi ni Prin dahil sa pagkabigla.
"Sigurado ka ba na ganito din ang pagmamaneho na ginawa mo sa kambal kanina? Baka naman iningatan mo lang ngayon kasi alam mong minamarkahan ko ang pagmamaneho mo," tudyo ni Cally.
"Of course not! Why would I care about you?" alma ni Prin
"Para pasakayin ako ulit. Siguro, gusto mo na ipagmaneho mo ako araw-araw kaya iningatan mo talaga ngayon para pumayag ako. Don't worry I can give you extra kiss kapag naihatid mo ko sa opisina ng maayos."
"Who wants to do that? Alam mo Cally, kumakapal na ang balat mo." Namumula ang pisngi niya sa pagkahiya.
Kahit pa sabihin na ganoon nga ang hiling niya, hindi niya iyon aaminin. she was still a girl.
"Bakit naman? May mali ba akong nasabi? Hindi ba at ikaw ang humiling na magkaroon ng kotse dahil sabi mo ay gusto mo na magmaneho? Ibinigay ko naman sa iyo. Malay ko ba kung isang parte sa hiling mo ang ihatid talaga ako sa opisina tapos ay may kiss na reward."
"Shut it!" nahihiya na sabi niya saka lumabas na ng sasakyan.