NAKATAYO pa sa ibabaw ng mesa si Prin habang nakahilera ng upo ang pito sa harapan niya.
Spelling Bee ang trip ni Prin sa mga oras na iyon. Iyon ang bago niyang pakulo matapos niyang palabasin ang isang kidnapper. Hindi pa sila nagsisimula nang bumukas ang malaking pintuan na yero at nagsipasukan ang grupo ni Zuki.
Napalingon silang lahat nang marinig ang pagbukas nito. Tila nakakita ng liwanag ang pitong kidnapper nang makita na may susundo na sa babaeng naka-pink na bestida. Bigla silang nagpasalamat.
Huling pumasok si Cally na hila-hila sa braso si Luna. Napalunok si Prin. Sa sobrang enjoy, nakalimutan niya na may asawa siyang naghihintay. Bigla niyang nabitiwan ang baril na hawak.
"H-husbie, kinidnap nila ako! I'm so scared…" sabi niya saka tumalon mula sa mesa.
Kidnappers "...."
Zuki and friends "...."
Halata naman na nakahinga ng maluwag si Cally. Hinagis niya si Luna sa kamay ni Zuki saka nagmadaling lumapit kay Prin. Niyakap niya ang asawa ng mahigpit.
"You, naughty child! Hindi mo ba alam na masyado akong nag-alala dahil ilang oras kang nawala?"
Humigpit ang yakap ni Prin sa bewang ni Cally.
Biglang nilingon ni Cally ang mga kidnappers ni Prin at pinukulan ito ng nakakatakot na tingin. Pinalapit niya ang lalaking bumitbit kay Prin para ipasok ang asawa sa van. Ang lalaking mataghiyawat ang ilong.
"M-master, napag-utusan lang po ako…"
"Hinawakan mo sa kung saan ang asawa ko. Putulin ang kamay ng taong 'to!" utos ni Cally.
Prin "..."
Lumapit ang tao ni Zuki na bitbit ang katana matapos marinig ang utos ni Cally. Nanlaki ang mga mata ni Prin, ang lalaking mataghiyawat ang ilong at lahat ng kidnappers. Kahit si Luna sa isang gilid ay tinamaan ng takot.
"No! No! No! Husbie, no need! Hindi na kailangan na putulin pa ang kamay niya.” Hindi naman dahil sa binitbit lang siya ng lalaki ay tama ng putulin ang kamay nito, 'di ba?
Napatigil ang tao ni Zuki sa paglapit. Sa sobrang takot ng lalaking mataghiyawat ang ilong, lumuhod ito malapit kay Cally.
"M-master! Patawarin niyo na po ako! H-hinding hindi na po ako uulit! Magtatanda na ako basta huwag niyo lang pong tanggalin ang mga kamay ko! Magro-rosaryo ako magdadasal o magpepenetensya ako ng bakal sa likod. H-huwag niyo pong putulin ang mga kamay ko parang awa niyo na po…" halos sambahin na nito si Cally sa paghingi ng tawad.
"Honey, Okay na ako. No need to do this, okay?" hinaplos niya ang pisngi ni Cally na parang nagpapaamo ng mabagsik na leopard.
Napansin naman niya na nagbago ng kaunti ang emosyon ni Cally mula sa mga mata nito. Binaba nito ang mukha at hindi napigilan na sakupin ang labi niya.
Wala nang pakialam si Prin kung maraming tao sa paligid. She missed his kisses kahit pa ilang oras lang silang hindi nagkita. She felt safe and secure in his warm embrace. Kahit pa alam niyang makipaglaban at protektahan ang sarili, iba ang pakiramdam kapag nasa paligid si Cally. Parang nililipad ng hangin ang tapang niya at bumabalik siya sa disi nuwebe anyos na babae.
Tuluyan na bumagsak ang invisible na pader sa paligid ni Cally matapos siya nitong mahalikan.
"Ehem! Master!" Tumikhim at hindi na napigilan ni Zuki. Sumenyas si Cally para ilapit nito si Luna.
Tinulak lang nito si Luna paharap sa kanya. Nagbago bigla ang awra ni Prin. Matalim ang titig niya sa babae at hindi niya napigilan na sampalin ito ng malakas sa kanang pisngi.
"Y-you?! You hit me!" gaganti rin sana ito pero sinapak ni Prin ang babae sa kaliwa.
Parang natanggal ang kaluluwa ni Luna matapos siyang saktan ni Prin. Nawala ang balanse nito at napaupo sa sahig. Sinapo nito ang pisngi. Nilapitan ni Prin ang babae at pailalim na tiningnan.
"Kulang pa ang pananakit na iyan!" Sabi niya dito.
"Alam mo Luna, hindi ko maintindihan kung ano ang naging atraso ko sa iyo. Wala akong natatandaan na may ginawa akong mali sa iyo. I only came to your school as a simple student."
"Dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nasadlak sa kinaroroonan ko ngayon! I really hate you! Wala na akong maiharap na mukha sa eskwelahan dahil isang sinungaling na ang tingin sa akin ng lahat ng estudyante! And now, I even use my body just to pay five hundred million?!"
Sinampal muli ito ni Prin. Parang nabingi na ito sa sobrang lakas ng pagkaka-sampal niya.
"You know what? You are so pathetic! Sinisisi mo sa akin ang lahat, gayong ikaw naman ang may kasalanan?"
MASAMA ang loob niya sa babae. Nagkataon lang na marunong siyang makipaglaban kaya walang masamang nangyari sa kanya. Pero paano kung isa lang siyang simpleng babae?
Malamang na sa ibang direksyon nagpunta ang tadhana niya. Sigurado na naganap ang panggagahasa sa kanya ng walong lalaki.
O kaya naman, noon pa ay may ginawa na sa kanyang hindi maganda si Marvin, baka sinira na nito ang mukha niya, na-bully siya ng masyado sa school dahil sa mga utos ni Luna at kung ano pa kung hindi niya kayang labanan ang sarili.
Paano kung ibang klaseng Prin ang kaharap nito? Isang mahina at simpleng babae.
"Let me tell you this one last time dahil sinagad mo ng sobra ang pasensya ko. I, Prin Matsui is not just a simple student who came to your school!"
"I am a friend, a daughter, a Dark Guard who can protect my husband, a person who'll be the Head Mistress of my Dad's People in the future…"
"Hindi ibig sabihin na porque hindi kita pinapansin ay ganoon na lang ako kadali kung kayanin mo. Hindi ibig sabihin na dahil isang simpleng babae lang ang nakita mo na pumasok sa school, isang langgam lang siya na madaling tirisin."
"What's your point Luna?" tanong niya dito.
"I'm a Mayor's daughter!"
"So what? Your father became a Mayor because of the people. Meaning, mas mataas pa sa'yo ang nagbebenta ng isda sa palengke.”
Nanlaki ang mata ni Luna. "No! I will not accept that!"
"Ninais mo pang pangarapin ang Husbie ko. Too bad! He will never find you pretty..." nahihibang ba ito si Luna? Siya nga ay inabot ng ilang taon bago nagbunga ang paghihirap niya. Gusto niyang pagtawanan ang babae.
"...You even used your body para nga kami mabayaran, maihahalintulad ka na sa pokpok sa kanto. Hindi ka ba nandidiri?"
Nanlaki ang mata ni Luna at hindi matanggap ang sinabi ni Prin. Nagsimula nang mangilid ang luha niya.
Umismid lang si Prin. Nasa ganoong posisyon sila nang lumapit ang isang tao ni Zuki mula sa labas.
"Master, natapos nang imbestigahan ng Commision on Audit ang mga pinadala nating ebidensya. Naglabas na sila ng panukala na dakpin si Mayor ngayong gabi.” pagbibigay-alam nito.
Narinig ni Luna ang sinabi nito at kinabahan siya. Bigla siyang hindi napakali.
Tinaasan ni Prin ng kilay si Luna. "See? Without people's money and status, you are nothing, Luna."
"I don't want to see your face ever again, dahil hindi na suntok lang ang aabutin mo sa akin kapag nagkita tayong muli!" huling banta niya dito.
Matapos iyon, lumapit na siya kay Cally at hinila na ito palabas ng abandonadong warehouse.
"Husbie, a-alis na tayo…" bulong niya dito.
Napansin ni Cally na biglang pinagpapawisan ng malamig si Prin. Kinabahan siya.
"What… happened?" Kagat-kagat ni Prin ang labi at parang kinikilig na hindi maintindihan.
"Na-naiihi na ko… kanina ko pa pinipigil ang ihi ko… Malapit na lumabas." nakangiwi na bulong ni Prin.
Cally "...."
Matapos nito na magbigay ng mahabang litanya at sabihin ang nais kay Luna na parang reyna, bigla nitong sasabihin na naiihi na ito. Nais man niya na matawa, mas nanaig sa kanya na tulungan ang asawa.
Ilang oras na nagpigil si Prin na maghanap ng palikuran. Uminom pa siya ng milk tea at kumain ng pizza at binantayan niyang mabuti ang walong lalaki kaya nag-set siya sa utak na hindi siya hahanap ng palikuran.
Pero tao pa rin siya at may sariling isip ang kidney niya kaya hindi niya na napigilan matapos ang ilang oras. Nataranta pati si Cally.
"Walang susunod! Bawal tumingin ang lahat!" utos niya sa lahat ng naroon.
Kinuha niya lang ang malaking kumot na nasa likod ng Maybach niya, wet wipes at isang hand sanitizer. Sinamahan niya ang asawa niya sa isang madamong bahagi sa lugar. Tinulungan niya na takpan si Prin gamit ang kumot. Hindi naman nagtagal at narinig niya ang pag-wiwi nito.
Unti-unting nakahinga ng maluwag si Prin habang naglalabas ng sama ng loob.
"Oh my gosh! That was heaven!" sabi ni Prin nang matapos.
"Don't say those words in front of your husband.” makahulugan na sabi nito. Tinapon ni Cally ang kumot at pinunasan ng wet wipes ang kamay niya. Napangiti si Prin habang ginagawa nito ang bagay na iyon sa kamay niya. Tapos, nilagyan pa nito ng sanitizer ang kamay niya.
"Madumi ang kamay ko."
"It's okay.”
'What a perfect husband?'
Matapos ang lahat ay kinutusan siya nito.
"Aw!" nasapo niya agad ang bumbunan.
'Hindi pala siya perfect husband.' agad niyang bawi.
"Parusa ko iyan sa iyo, dahil masyado kang pasaway. Hindi mo man lang ako naisip na tawagan para maisip ko man lang na okay ka.”
"Sorry Husbie, I lost my bag." lumingkis siya sa batok nito at inangat ang mga paa paikot sa bewang ng asawa niya.
"Buhatin mo na ang iyong baby panda, let's go home!"