CHAPTER 50 - Boyfriend Material

1577 Words
MATAPOS ang klase binalik ni Bella ang notebook ni Kai. "Eto na ang notes mo. Wala ka namang ginawa kung hindi ang matulog sa klase, tapos ako taga-sulat?"  "Hindi ako basta nakapikit lang. Ninanamnam ko ang sinasabi ng instructor natin. That's how I learned things. I feel the lessons through his voice." Bella "...."  Maghapon niyang pinakiramdaman ang binata at alam niyang natutulog lang ito, tapos sasabihin sa kanya ninanamnam ‘yung lesson? Edi sana lahat ng estudyante tulad ni Kai di ba? Sana all!  Inikutan niya ito ng mata saka nagbrowse sa cellphone. Bigla niyang nakita na showing na ‘yung palabas na 'The Story of Me and You' "Ahhhh!!!!" tili niya. Paborito niya kasi ang aktres na si Megan Da at aktor na si James Red.  "Hey anong nangyari sa 'yo" nabigla si Prin sa pagtili niya.  "Samahan mo ako manood ng sine! My friend! Showing na! Showing na ‘yung palabas ni James Red na The Story of Me and You!" halatang fan ito ng kung sino man na artista na iyon.  Gusto sanang sumama ni Prin kaya lang nasa bahay pa ang kambal at nangako siya sa mga ito na tuturuan niya ang dalawa ng karate. Bigla niyang nakita si Kai na seryosong nakatitig sa excited na si Bella.  "My friend, hindi ako pwede eh may plano na kasi ako ngayong hapon. Si Leader MB5 na lang ang sasama." mungkahi ni Prin.  Biglang natigil si Bella sa sayang nararamdaman at napalingon kay Kai na walang makitang emosyon.  "Tutal boyfriend mo naman iyan di ba? Sakto at mag-date kayong dalawa." nakangising sabi ni Prin.  "Alam mong hindi totoo iyon, 'di ba?" bulong ni Bella kay Prin dahil may mga estudyante pa sa loob ng kwarto.  "Okay lang iyan. MB5! Pinapasa ko ang obligasyon mo ngayong hapon kay Bella." tinapik pa niya ng dalawang beses sa balikat si Kai na biglang sumimangot.  "Ayokong mag-alaga ng fan girl!" reklamo nito.  Pinukulan ito ni Bella ng matalim na tingin. "Okay lang! Huwag na Prin. Itetext ko na lang ‘yung kaibigan kong si Ken" sabi niya saka nagsimulang magtype sa cellphone. Inagaw agad iyon ni Kai.  "Matagal na akong hindi nanonood ng sine. Simula nang magpunta ako ng Japan, hindi na ako nakakanood ng sine. Kaya huwag mong isipin na gusto kong sumama sa iyo. Isa pa ikaw ang sasagot ng ticket dahil gusto mong manood ng pelikula ni James Bond at saka gusto mo akong isama na manood." mahabang litanya nito.  Prin "...." Bella "...." "James Red!" pagtatama niya.  Saka Teka! Kailan niya sinabi na gustong-gusto niyang isama ang lalaki na manood ng sine?  Sa haba ng litanya ni Kai, wala siyang maisip na isagot dahil naipamukha na nito sa kanya na gusto niya itong isama na manood ng sine kaya siya ang sasagot sa ticket. No more buts!  "O siya bye guys!" paalam ni Prin. "Tara na, baka gabihin pa tayo" sabi ni Kai sa kanya na wala ng 'pero-pero' o 'bakit, ngunit at datapwa't'. Saka nito sinauli ang cellphone niya.  Sumunod na lang siya dito hanggang sa makarating sila ng sinehan dahil mukhang wala na siyang magagawa.  Parang nasa alapaap ang pakiramdam ni Bella dahil mapapanood niya na ang inaabangan niyang pelikula ni James Red at Megan Da. Nagniningning ang mata niya. Si Kai sa tabi niya ay iritable na naman dahil nakapila na naman sila.  'Hmp!' Hindi niya na lang ito pinansin.  Nakareserve naman na sila ng ticket. Iyon nga lang, kailangan pa rin nilang pumila dahil sa dami ng customers.  Pinagmamasdan ni Kai ang mga manonood na sweet, may bitbit pang popcorn at soda. Naglalampungan kahit maliwanag. Unang beses niyang manonood ng sine kung tutuusin at 'romance' pa ang tema kaya mas lalong wala siyang ideya. Sa Taiwan ay sa mini theater ng bahay lang nila siya nanonood, wala siyang ideya sa big screen. Medyo naiinis siya ngayon dahil ayaw niya ng mga pabebe na katulad ng mga nakikita niya sa mga magnobyo na nagyayapusan.  "Bumili ka ng popcorn!" utos niya kay Bella.  "Ano? Ililibre na naman kita?!" angil ni Bella dito. Namimihasa na ang lalaki sa palibre sa kanya.  "Natural! Dahil gusto mo ng kasama. Kaya lubus-lubusin mo na dahil hindi ko kilala si James Bond"  "James Red!"  "Whatever..." balewala na sagot nito.  "Heto ‘yung cellphone ko para sa QR. Kapag naglock 1234 lang ang password."  "1234? Nag-password ka pa!"  "Wala kampake!" angil ni Bela. Saka inabot dito ang cellphone niya.  Naiinis na siya kay Kai. Talagang sa social media niya lang ito boyfriend kasi hindi siya BOYFRIEND MATERIAL sa totoong buhay!  NANG umalis si Bella sa tabi ni Kai, may nagpa-cute agad sa binata.  "Kuya, may kasama ka?" tanong ni ate girl.  Hindi niya ito pinansin dahil obvious naman na hindi siya manunuod ng sine ng mag-isa. Tingin niya dito ay nagtatanga-tangahan. Tinitigan niya ito ng matalim kaya ito umalis sa harapan niya. Nabigla si Kai nang tumunog ang cellphone ni Bella. May tumatawag sa babae. Kumunot ang noo niya na makita ang pangalan ng caller --si Ken.  'Hindi ba ito ‘yung Ken na kaibigan ng maliit na babae?' Naalala niya pa ang ngitian ng dalawa sa loob ng sasakyan nang umaga ng araw na iyon. Sinagot niya ang tawag. "Yes?" Halatang nagulat ang kausap niya sa kabilang linya. "Sino ito? Nasaan si Bella?" "Boyfriend niya. Bumibili siya ng popcorn dahil manunuod kami ng sine" halata ang pang-iingit sa boses niya. "Oh? Kung gano’n enjoy kayong dalawa. Malamig sa loob ng sinehan kaya dapat naka-ready ang braso mo para yakapin siya. Naka-ready na rin ang panyo mo dahil sigurado na iiyak iyon sa loob. saka--." "Alam ko ang gagawin ko kasi ako nga ng boyfriend di ba? Bye!" sabi niya saka binaba ang tawag. Nakaramdam siya ng inis dahil kailangan pa siyang turuan ng kung sino man na kihote na ito.  Matapos makuha ang ticket, sinilip niya si Bella na naka-pila sa bilihan ng snacks. Binuksan niya ang cellphone nito gamit ang password na 1234. Bumungad sa kanya ang magandang selfie ng babae sa wallpaper. Aminado naman siya na maganda talaga ang babae.  Ang ginawa ni Kai, nag-selfie din gamit ang cellphone ni Bella.  "Anong ginagawa mo?" nilingon niya ang nagtatanong na si Bella, tapos na palang bumili ng pagkain nila ang babae. "Obviously, I am doing a selfie" tila wala siyang paki-alam kahit pa si Bella ang may-ari ng cellphone.  "Why? Sa huling pagkakatanda ko ako ang may-ari ng cellphone na iyan" mataray na sabi pero hindi man lang naapektuhan si Kai. "Because you are going to post it on your social media na nanonood tayo ng sine."  Natahimik si Bella dahil natural na maganda ang ideya ng binata. Kung magkasama pa silang dalawa sa picture mas kapani-paniwala. Mukhang narinig din nito ang iniisip niya. "Come here. Mas kapani-paniwala kung dalawa tayo." sabi nito. wala na siyang nagawa dahil inakbayan na siya nito at idinikit ang mukha sa kanya.  "Say cheese!" Sa bigla ni Bella, napalingon siya sa mukha ng lalaki saka niya nadinig ang shutter ng cellphone. Ayaw man niya pero dumaloy ang kilig sa buong pagkatao niya. Ang bango kasi ni Kai. Sa lapit ng leeg nito sa ilong niya, hindi nakaligtas ang mabangong amoy ng cologne nito. Napatigil siya bigla. "Ayan... Perfect! you really look like a girl in love with her boyfriend in this photo." tila nasisiyahan na sabi nito saka binalik ang cellphone sa kanya.  Namumula ang pisngi ni Bella lalo na ng makita niya ang 'obra' ni Kai. tulad nga ng sabi nito mukha siyang in love doon sa lalaki.  "P-pasok na tayo…" sabi niya saka nagsimulang maglakad para makaiwas dahil hindi-hindi niya iyon ilalabas sa public. Agad siyag nakabawi sa day dream. "Hindi mo pa pino-post ‘yung picture natin." puna pa rin nito. "Bakit kaya hindi ikaw ang mag-post sa social media mo?! Bakit sa’kin?" angil niya dito. "Dahil wala akong account. Share it with me, then" hinablot nito ang cellphone niya at ito ang kusang nagpasa ng picture sa sarili nitong phone.  Nakatitig lang si Bella sa lalaki hanggang sa isauli ulit sa kanya ang cellphone. Hindi siya pwedeng ma-in love sa lalaki. Ito ang nasa isip niya habang nakatitig dito. "Perfect!"natutuwa na sabi nito.  BUKAS pero dim ang ilaw sa loob ng sinehan dahil hindi pa nagsisimula ang palabas. Hinanap nilang dalawa ang upuan na nireserba ni Bella.  Yakap-yakap ni Bella ang malaking lagyanan ng popcorn pati na ang dalawang soda. Ang walang hiyang Kai hindi man lang siya tulungan sa pagbitbit. Napapa-isip tuloy siya kung saan banda ang nakakakilig sa pagkatao ng lalaki at bakit marami sa ka-eskwela niya ang may gusto dito.   'Hmp! Kung alam niyo lang!' Nagmamatyag lang si Kai sa loob ng sinehan dahil unang beses niya na makanood ng sine. Hanggang sa matapos ang palabas. Unang napuna niya ang kilig ng kasama niya sa bidang lalaki at hindi nag-iisa si Bella. Napansin niya na madami ang kinikilig sa lalaki..  Napapansin niya rin na naghahalikan na ang ibang couple sa paligid. Madilim doon pero hindi iyon nakaligtas sa kanya dahil isa siyang Dark Guard. Ang totoo hindi naman kailangan na makita niya iyon, sa pakiramdaman lang alam niya kung ano ang ginagawa ng mga tao sa paligid. Napapailing na lang siya. Nang malapit na matapos ang pelikula, napansin niya na umiiyak na si Bella sa tabi tulad ng sabi ni Ken sa kanya. Sumisinghot-singhot ang kasama niya na halatang umiiyak na ito.  'Geez!' hinubad niya ang suot na Jacket, kinuha ang panyo doon at pinaharap niya ang babae. Pinunasan niya ang luha nito.  Natigilan naman si Bella sa inakto ni Kai. Sa kakaunting liwanag mula sa screen, kita niya ang seryosong mata nito habang seryoso rin na pinupunasan ang luha niya. Maya-maya, pinatong sa balikat niya ang jacket na suot nito kaya pakiramdam niya ay niyakap siya ng lalaki dahil nakaramdam siya ng init. 'Punyemas talaga!' Paano niya susundin ang sarili na huwag ma-inlove sa lalaki kung ngayon pa lang nahuhulog na siya dito?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD