Chapter 3 - Casted Away

2300 Words
Ilang buwan din ang lumipas at palapit nang palapit ang Foundation Day Celebration. Kaya naman ang lahat ng estudyante ay puspusan ang pagiinsayo. Hindi naman pahuhuli ang section nila Cissie dahil bawat segment ng kanilang performance ay talagang pinag-iisipan nilang mabuti. Ang team si Steph ay halos hindi na umuuwi ng bahay para lamang makakabuo ng mahusay na choreography. Sila Cissie naman ay nag-uusap tungkol sa kanilang rehearsal habang naka recess break. “Ano kaya ang mga kantang papatok sa mga audiences natin?” tanong ni Jay sa mga kaband mates niya. “Ang mga tao dito sa probinsiya namin ay hindi mahilig sa tunog kalye at mga novelty songs kaya hindi natin puwedeng tugtugin mga iyon. Mas maganda kung alternatives at 80’s rock ang kakantahin natin,” ang mungkahi ni Cissie. “Well, thank you for the suggestions Ciss, but what band they usually listen to?” tanong ni Jay. “More on Guns ‘n Roses, Bon Jovi, Metallica, Firehouse, Skidrow and Scorpions sila when it comes to 80’s rock and Creed, Greenday, Staind, Default, Nickelback, 3 Doors Down naman pagdating sa alternatives,” ang sagot ni Jun. “Ilang kanta naman kaya ang tutugtugin natin?” tanong naman ni Jeff. “Probably ten songs: five for 80’s rock and five for alternative, what do you think guys? ” tanong ni Jay. “Okay yan sa’kin at least magkaka-ibang genre. Ang tanong ay paano natin sila mapapasaya sa mga kankantahin natin? I mean paano ang pasok natin sa program?” si Cissie naman ang nagtanong. “Ang unang kantahin natin ay Enter Sandman and then hindi natin tapusin ang kanta kasi limited lang ang oras natin, basta hindi puwedeng walang guitar solo hangga’t maari. Pagkatapos, alternative songs naman, then 80’s rock uli para bang alternate genre ang gagawin natin,”sagot ni Jay. “Ayos iyan! Enter Sandman-Metallica, When I Come Around-Greenday, Sweet Child-GnR, Higher-Creed, Livin’ on a Prayer-Bon Jovi, So Far Away-Staind, Love of a Lifetime-Firehouse, It Only hurts-Default, Still Loving You-Scorpions, and Here Without You-3 Doors Down. Parang may kwento na pinagdugtong-dugtong lang!” bulalas ni Cissie. “Mukhang okay nga iyang naiisip mo Ciss, lahat ba ng mga ‘yan gusto mo? Parang nababanaag ko kasi sa mukha mo eh,” wika ni Jay. “Siyempre 'yong mga 80’s lang. I appreciate alternatives pero mas astig ang sipa ng 80’s rock eh,” sagot nito. “Yeah, I agree. So, when we will gonna start kicking?” tanong ni Jun. “Mamaya na sana para  mapaghandaan natin ng maigi kasi mahihirap pa naman ang 80’s rock,”  suhustiyon ni Jeff. “Oo nga. Ganito nalang, magkaniya-kaniya muna tayo ng practice. Ikaw Jeff, tutukan mo ang mga lyrics ng kanta pati ang mga kanta mismo. Ikaw Jun, pakinggan mo rin ang mga drums’ scale at kami ni Cissie since kailangan ko pa siyang turuan ng bass, sabay na kaming magpractice,”sagot ni Jay. “Cool! Okay kami niyan. Malapit lang naman ang bahay namin ni Jeff kaya kahit sabay nalang din muna kami,” wika ni Jun. “Okay then, mas maganda ‘yon at every weekend ay magrehearse tayo. Meron pa naman tayong ilang buwan,”  ani ni Cissie. “Tara pasok na tayo sa room, malapit na ang time natin. Usap-usap nalang tayo every now and then,” wika ni Jay habang tinungo ang labasan ng canteen. Natapos na naman ang buong araw ng klase nila pero as usual nauuna siyang umuwi dahil sa routine ng trabho, at ayaw niya ring makasabay si Jay baka kung anu-ano naman ang pumapasok sa isip niya. Ngunit nang palabas na siya ng gate. May patakbong papalapit sa kanya. “Hey, ang bilis mo naman. By the way, pupunta ako sa inyo mamayang 8 p.m para makapagpractice tayo. Okay lang ba sayo?”  tanong ni Jay. “Talaga naman oo!”  wika ni Cissie sa isip. “Ah, okay text muna kita kasi try ko munang magpaalam sa amo ko. Pero bibilisan kong magtrabaho para kapag magpaalam ako wala na akong gagawin. But how can I contact you anyway?”  tanong nito sa lalaki. “Problema ba ‘yon? May I have your cell number para itext kita mamaya.” Kinakabahan na naman si Cissie kung ewan. Dahil ba kasi ititext niya ito or dahil kakaiba talaga ang apog ng lalaki ito kaya naman nautal siya, “uh err...zero nine zero six e-eight?” mukhang nakalimutan pa niya, “ano na nga ba ‘yon? Uhm zero one three f-four eeight two,” habol-hininga niyang tugon. “Okay ka lang ba? Anong nangyari sa iyo, kinakabahan ka ba?” natawa si Jay sa  tinuran niya. “Ha? Hindi ah! Hindi ko lang kabisado ang number ko,” namumulang tugon niya. “Alright sabi mo eh. Basta kita nalang tayo mamaya, okay? I'll bring some snacks too. Ayt! Mauna na ako sa’yo kasi dadaan ako sa grocery para makapamili ng snack or baka naman gusto mong sumama?” “N-no thanks, marami kasi akong gawain pagdating ko.” “Okay then, bye…see you later,”  nakangiting wika nito. Hindi naman mapigilang ngumiti sa lihim ni Cissie. Gayunma’y lingid sa kaniyang kaalaman na si Steph ay nakarinig sa usapan nilang dalawa. Sumunod pala ito kay Jay 'nong lumabas ito para kumbinsihin na naman sana niyang gumala.  Ngunit nang makita niyang kausap nito si Cissie ay nakikiosyoso ito. “What! Magdidate sila? Argh! Hindi na talaga ito maganda.  Kailangan makahanap na agad ako ng paraan para maibabasura ko ang babaeng iyan. Pero kailangan ko munang magmanman mamaya para maging perfect ang plan ko,” sabay evil grin ng bruha. Samantalang nasa bahay na Cissie, nagmamdali siya sa mga gawaing bahay niya. Tila excited na excited siya ng gabing iyon dahil first time nilang magdidate ~ este magpapractice pala. “Bilis! Bilis! kailangan matapos ka ngayon para matitext ko na agad ang loviedovie ko...'' natigilan sa bigla nang marealized kung anong sanabi niya. ''Huh? Ano daw? Eww, grabe naman hindi ka puwedeng magkagusto doon. Erase! Erase!” napakamot nalang siya sa ulo. Sa sobrang pagmamadali ni Cissie nakalimutan niyang magpaalam sa amo niya. Agad-agad nagmessage siya kay Jay pagkatapos ng trabaho. “Hoooh, relax lang girl,” wika niya sa sarili sabay push-up sa harap ng salamin at biglang tumunog ang cellphone niya, “Ay kabayo! Ano ba ‘yan? baka tutubuan ako ng pigsa sa’yo eh…Oi teka baka nag-aantay na siya sa imburnal,"  binasa niya ang text. ["Ciss I’m here already"] ''Sabi na nga ba eh…bilis! Nakakahiyang pag-antayin mo siya,” at kumaripas na nga ng takbo si Cissie. “Hoooh!” habol-hingi niya, “kanina ka pa ba dito? Sorry  kung nag-antay ka ah,” “It’s okay wala pa namang five minutes ako dito eh. I’ll bring some snacks. Tuned na ba iyang gitara mo? Let’s start na para makarami tayo ng kanta,” ngiting sambit nito at lumulutang na naman ang mala Rico Yan nitong aura kung kaya parang may kumikiliti sa puso ng dalaga. Kung hindi nga lang ito kaharap ay mapapahiyaw na siya na para bang nakakita ng artista. “Hey, are you with me?”  basag-nganga nito sa dalaga. “Of course! Sabi ko nga start na tayo eh. Ano nga bang unahin natin?” patay-malisya niya at agad-agad niyang kinalabit ang gitara. “Well let’s start sa intro song na Enter Sandman. I’m sure you’re familiar with the song but do you know the bassline of it?” “Few of them kaso may kahirapan kasi complicated ang mga riffs ng guitar pakinggan kapag pinagsabay sila ng bass.” “Alright, let’s play it first and we’ll see if there are lots to be improved.” Habang tinugtog nila ang kanta hinda nila alam na nagmamanman si Steph sakay ng nakapark na kotse. Hindi nila napansin iyon dahil abalang-abala sila sa isa’t isa. At dahil napagod and dalawa, “Snack muna tayo, almost perfect naman ang rehearsal natin eh. Bumili ako ng toblerone at C2. Wala ka bang allergy sa chocolates?” tanong ni Jay. “Wala no! Sa hirap kong ito hindi puwede ang maselan na katawan. Oi baka mahal ang nagastos mo ha? Wala pa akong pangshare sa’yo, hindi pa kasi dumating ang commission ko." “It’s okay, bawi ka nalang next time,” sabay abot nito sa chocolates. Samantalang si Steph ay hindi magkanda-ugaga sa kakasilip kung ano ang binigay ni Jay kay Cissie. “Argh! Sumusobra na talaga ‘tong mga ito. Bakit siya pa binibigyan niya! Ang panget niya naman. Wala talagang taste ‘tong mokong na ‘to. Naghanap talaga ng beast samantalang ‘andito naman ang best. Well hindi mo makakimutan sa buhay mo Cissie na nakilala mo si Jay, dahil tonight is the worst event in your life!” sabay dampot nito sa camera niya at walang humpay sa kakakuha ng mga pictures sa dalawang walang kaalam-alam sa nangyayari. Nang natapos siya ay agad siyang umuwi dahil hindi niya matiis ang eksenang nakikita niya at parang sasabog  ang dibdib niya sa galit. “Jay alas onse na, kailangan ko ng pumasok kasi malalim na ang gabi baka saraduan ako ng pinto,” putol bigla ni Cissie ng mapansing malalim na ang gabi. “Sige, tomorrow ulit. Did you have fun tonight?” ngiting tanong nito habang nagliligpit ng gitara. “Yeah. First jamming ko ‘to kasi hindi naman ako makakalabas ng bahay at magbandyeng-badyeng eh.” “Ihatid na kita papasok,”  boluntaryo nito. “N-no no no! patay ako sa amo ko pagnakita tayong dalawa magkasama, lalo na hindi ako nakapagpaalam kanina kasi nakalimutan ko.” “Ganoon ba? Oh sige, ingat ka nalang. See you tomorrow. Mauna ka nang umalis at kapag naka pasok ka na sa gate saka na ako aalis.” “Okay. Thank you sa snacks . See you tomorrow.” Buti na lang hindi pa siya nasaraduan ng pinto. Ingat na ingat siya sa paghakbang sa hagdanan dahil narinig niya ang yapak ng amo niya sa kusina. Ngunit biglang naka-apak siya ng basá kaya nadulas siya. Dali-dali siyang bumangon para hindi siya maabutan ng amo niyang nagroroving tuwing gabi. Buti nalang nakapasok siya bago pa man nakarating ito sa salas. At ang kuwarto pa niya talaga ang unang pinuntahan. Buti nalang mabilis siyang nakapagtakip ng kumot at nagkunwang humihilik kaya agad-agad namang umalis ang matanda. “Hay buti nalang. Makatulog na nga, maaga pa kaming magkikita bukas... Ano daw? Hay talaga naman oo!” napakamot nalang  siya sa  kaniyang ulo at nagtalukbong ng kumot. Kinabukasan ay excited siyang pumasok. Ang aga niya ata dahil inspired siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. At maaga din si Steph na maaliwalas din ang pagmumukha. Nang makasalubong niya ito sa hallway, “What a beautiful morning Cissie! Isn’t it?”  makahulugang bati nito. “May nakain atang lason ang bruhang to,”  tahimik na wika ni Cissie sa sarili. “Of Course hindi lang beautiful kundi inspiring morning pa, right?” usal niya habang tinungo ang pinto ng classroom nila dahil wala naman siyang interes na makipag-usap ng matagal sa plastic na babaeng iyon. Hindi na niya narining ang mga sumunod na sinabi nito. “Exactly! Hindi lang inspiring kundi terrifying pa! Hmmp, you will never forget this day in your whole life Cissie,” sabay evil grin nito. Ang saya ng buong araw ng klase ni Cissie dahil kasama at kakuwentuhan niya ay si Jay lang naman. Kaya hindi maitago ang excitement niya para sa practice nila kinagabihan. Ngunit hindi pa man siya nakapasok sa bahay ay nakaamoy na siya ng hindi maganda. Nakinikinita niya mula sa malayo ang amo niyang matanda na hindi maispelling  ang pagmumukha. May hawak itong mala papel ngunit tantiya niya ang kasing liit ng 4R na picture. Habang papalapit siya halos hindi siya makahinga dahil sa kaba. “Ano kaya ang nagawa ko?” wika niya sa sarili. “M-magandang hapon po, Guyong,” (ibang tawag sa Lolo) gatol na sabi niya. “Sa’kin maganda ang hapon, pero sa’yo magiging malagim dahil ito na ang huling araw mo sa pamamahay na ’to!” “B-bakit po? May nagawa po ba akong masama sa inyo?” “Aba!  Epokrita! Huwag ka ng magmaang-maangan pa dahil alam mo naman ang ginawa mo. 'Di ba sabi ko sa’yo kapag nakarinig ako na nakikipagrelasyon ka ay palalayasin kita? Well dumating na nga ang araw para palayasin kita. Hindi ko na hihintaying mabuntis ka pa bago kita palayasin!” galit na litanya nito sabay abot sa kanya ng picture nila ni Jay kagabi habang nasa practice sila at ang masama pa dito ang iyong angulong binigyan siya ng chocolate at waring sa unang tingin ay may relasyon nga sila. “Guyong mali po ang iniisip ninyo, hindi ko po boyfriend ‘yan. Kaklase ko po ‘yan at may practice po kami para sa Foundation Day Celebration namin. Sorry po kong hindi ako nakapagpaalam sa inyo kagabi, nakalimutan ko po kasi. Pero maniwala kayo, hindi po ako nakikipagligawan,”  paliwanag niya habang umiiyak. “Gagawin mo akong tanga? Matanda na ako, alam ko ang takbo ng utak ng mga kabataan. Sino bang matinong tao ang papayag na uupong kasama ng opposite s*x sa imburnal na dalawa lang, ha? Kaya magbalot-balot kana dahil uuwi ka na bukas sa inyo.” “Hindi po ako lumabag kailanman sa utos niyo. Kahit itanong niyo po sa adviser ko ang tungkol sa practice namin. Ang kasalanan ko lang ay nakalimutan kong magpaalam sa inyo kagabi. Sorry po, huwag niyo naman po akong palayasin. Ilang buwan nalang gagraduate na ako,” pakiusap niya. Ngunit parang walang narinig ang matanda anupa't tuloy-tuloy ang akyat nito sa kuwarto niya at kinuha ang mga gamit niya’t inilagay sa sako. Kaya wala na siyang nagawa kundi umiyak. Nagtext siya kay Jay. ["Jay, dumating na nga ang araw na kinatatakutan ko. May nagbigay ng picture kay Guyong na kuha sa’tin kagabi at iniisip niya na nakipagboyfriend ako. Pinapalayas na ako. Anong gagawin ko?" ] Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya. [" Ha? Sinong nagbigay? Saan ka tutuloy bukas?" ] [" Hindi ko alam kung sino at hindi ko rin alam kong saan ako tutuloy. Anong gagawin ko Jay?" ] [" Don’t worry gagawa tayo ng paraan. May kakausapin lang ako, wait lang. Text kita maya" ] Hindi pa rin makapaniwala si Cissie sa sinapit niya kaya walang humpay siyang umiyak. Malamang siguradong mahihinto na siya sa kaniyang pag-aaral, at hindi niya iyon matatanggap. Hindi rin naman niya puwedeng sisihin ang iba sa nangyari dahil pumayag naman siya sa alok ng guro niya. At ito ang napala niya! Sawang-sawa na kasi siya sa mga pambubully ng mga  kaklase niya kaya pumayag siya sa gusto ng teacher nila.  Tapós ang masalimuot na  high school days niya dahil nasesante na siya. Magkahalong emosiyon ang nadama niya. Pakiramdam niya’y pinagkaisahan siya. Ngunit wala na siyang magagawa dahil dumating na nga ang araw na kinatatakutan niya. Hangang sa nakatulog nalang siya sa kaiiyak at hindi niya napansing marami na palang messages at miscalled si Jay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD