Limang taon ang nakalipas, hindi niya pa rin nahanap si Cissie. Nagtatrabaho siya ngayon bilang staff nurse sa isang kilalang private hospital. At masasabing ibang-iba na ang buhay niya ngayon. Hindi na siya tulad dati na mahilig sa lakuwatsa at barkada. Pagkatapos ng shift niya direcho siya ng bahay at doon na magmokmok sa kwarto. Wala siyang ibang ginagawa kung 'di magsulat ng kuwentong pag-ibig. Naisip niya kasi, sa totoong mundo walang happy ending kaya pinili niyang magsulat para magagawa niya lahat ng may happy ending sa paraan na gusto niya. Naging partime niya rin ang pagsusulat at naka limang published pocketbook na siya sa isang sikat na publishing house. Minsan niyaya siya ng kaibigan niya. “Pare, invite kita sa Saturday. Sama ka sa amin sa Padis Point, tutugtog kami,” wika ni

