"Saan ka pupunta?"
Napapikit na lang ako ng mariin at lihim na napabuntong hininga ng marinig ko ang boses ni bata.
Halos isang hakbang na lang talaga makakalabas na ako sa gate nila.
Yung kalahati ng katawan ko ay nasa labas na ngunit ang plano kong pag labas ay naudlot dahil sa bata na to.
Para naman akong timang na marahang binawi ang paa kong nakalusot sa labas ng gate at kinakabahang pumihit paharap sakanya.
Tss!
Bakit ba ako kinakabahan? At bakit ba pakiramdam ko ang pakikipag kita kay arthur ay may mali akong ginagawa kay manyak? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Ahe...he-he.."
Tila napipi na lang ako at napakamot na lang saking batok.
Napahalukipkip at tumaas ang kilay niya ng tuluyan. Sumandal siya sa gilid ng pinto at pinag masdan ako.
"I'm asking you Claire. Where are you going huh? Mukhang nakakalimutan mo atang mag paalam sa BOSS mo."
Pagtataray niya sa harapan ko.
Lihim akong napaikot ng mata. Hayan na naman ang salitang 'boss'. Magtataray na naman siya.
"Nag paalam naman ako kay aling Betty."
Dispensa ko sa sarili.
Napakagat labi na lang ako ng hindi siya umiimik. Pinag mamasdan niya lang ako.
Okay okay! Oo na oo na! Suko na ko!
"Pupunta ako sa park."
Kapag kuway sagot ko sakanya.
Napakunot noo siya sa narinig.
"This morning? Park? Anong gagawin mo don?"
Sunod sunod na tanong niya at humakbang pasulong patungo sa kinatatayuan ko.
"M-may kakausapin lang."
Kinakabahang sagot ko.
Ano ba?! Bakit ba ako kinakabahan?
"May kakausapin?"
Parang nanghihinalang turan niya at huminto sa harapan ko.
Marahan naman akong tumango.
Mapanuri naman ako nitong tiningnan.
"Ihahatid na kita. Kunin ko lang yung susi."
Sambit niya.
"Hindi na!"
May kalakasang sambit ko na ikinatigil niya sa akmang pagpihit patungo sa loob ng bahay.
Humarap sa akin si manyak na ngayo'y nakataas na naman ang kilay.
"I.ha.ha.tid.ki.ta."
Madiin niyang saad at nakipag sukatan pa sa akin ng tingin.
Napapikit na lang ako dahil unti unti ng nawawala ang pasensya ko.
Kalma lang Claire. Kalma.
Baka nag aalala lang sayo ang bata.
Napatingin ako sa suot kong relo at nakita kong mag a-alas nuebe na ng umaga. Baka ma-late pa ako sa usapan namin ni Arthur.
Maya maya pa'y may bigla akong naalala.
Lihim naman akong napangiti.
"Diba Friday ngayon?"
Kapag kuway tanong ko sakanya.
Naguguluhan man dahil malayo sa pinag uusapan namin ang tinanong ko ay tumango na lang siya bilang sagot.
"May klase ka ngayong morning right? At eksaktong nine ang schedule non?"
Tanong ko pa at napangisi ng makitang nanlaki ang mga mata niyang tumingin sa suot niyang relo.
Meron na lang siyang natitirang ten minutes. Medyo malayo pa naman ang university nila mula sa mansyon niya.
Walang salitang nag mamadali itong pumasok sa bahay na halos matisod tisod pa nga.
I chuckled sa nakikita at nailing iling na lang na lumabas ng gate nila.
-------------
"Manong dito na lang po."
Para ko sa tricycle driver. Inihinto naman niya ang tricycle at itinabi. Bumaba ako roon at inabot ang bayad kay manong. Pagkatapos non ay tinahak ko na ang park... ang park kung saan nakipag hiwalay sa akin si Arthur.
I sigh at that thought.
Patuloy ako sa paglalakad ng matanaw ko na siyang nakaupo sa may swing roon.
Agad ko namang tinahak ang kinaroroonan niya.
"Claire....."
Gulat na sambit niya at dali daling tumayo sa kinauupuan niya ng matanaw ako. Marahan pa nitong pinagpag ang pants niya.
"K-kumusta ka?"
He said at ngumiti ng alangin. Na para bang nangangapa pa sa sitwasyon namin.
"Ayos lang ako."
Sagot at ngumiti ng tipid.
Biglang sumagi sa isipan ko si manyak.
Huh? Bakit?? Bakit bigla kong naisip ang batang 'yon?
Marahan naman siyang tumango tango at ibinaling ang kaniyang paningin sa sapatos niya.
"Ikaw ba? Kumusta?"
Balik kong tanong sakanya.
Nag angat kaagad siya ng tingin at ngumiti ng matamis sa tanong ko.
Bigla naman akong nakaramdam ng kung anong lungkot ng mapansin ko ang pangangayayat ng kaniyang katawan. Maging ang mga mata niya ay nanlalalim na at mababakasan mo na hindi ito nakakatulog ng maayos sa gabi.
"Maayos naman ako."
I sigh ng marinig ko ang sagot niya.
Typical Arthur. Laging sasabihin na okay lang siya kahit hindi na kaya madalas nakukutusan ko siya para lang pilitin na sabihin niya ang totoo. Ngunit hindi ko na magagawa iyon ngayon. Dahil feeling ko...wala na akong karapatang gawin iyon simula ng magkahiwalay kami.
"Uhmm..maupo tayo."
Aya niya sabay mosyon sa bench. Di kalayuan dito sa kinapipwestuhan namin.
Matipid naman akong ngumiti sakanya.
I flinched ng lumapat ang palad ni Arthur sa likuran ko na wari mo'y inaalalayan ako sa pag lalakad.
Isa iyan sa mga sweet gestures niya na namiss ko. Nakakaramdam tuloy ako ng lungkot sa mga oras na 'to kasabay ng pagragasa ng mga ala ala namin noon na masayang mag kasama.
Nakaramdam ako ng panghihinayang sa three years na iyon.
Hanggang sa makalapit sa may bench inalalayan pa ako nitong umupo. Naupo narin siya sa tabi ko.
Katahimikan.....
Napatingin ako sa katabi ko na ngayo'y tahimik lang na pinag mamasdan ang mga batang nag lalaro sa damuhan.
Medyo awkward ang atmosphere sa paligid at hindi ako gaanong komportable kaya naman para matapos na to...ako na ang bumasag sa katahimikan.
"Arthur?"
Tawag ko sa atensyon niya.
Nilingon naman niya ako na may ngiting nakapaskil sa mga labi niya.
"Hmm?"
Himig niya habang nakangiti.
Napayuko ako sandali at sinimulan ng paglaruan ang daliri ko.
"Ano nga pala ang pag uusapan natin?"
Tanong ko at muling hinarap siya.
Ang ngiting nakapaskil sa kaniyang mukha ay unti unting nawala.
Sumeryoso ito at makikita mo sakanyang mga mata ang.....pangungulila?
"Claire..."
He said and breath deeply.
"Please come back. Come back to me."
Tila natuod ako sa aking kinauupuan sa aking narinig. Gulat na napatingin ako kay Arthur at tinatantsa kung hindi ba siya nagbibiro.
Lumapit siya ng bahagya at hinawakan ang magkabilang kamay ko. Marahan niya iyong pinisil.
"Please Claire...Nag sisisi na ako sa ginawa kong pag iwan sayo noon.."
Nag susumamo niyang sambit.
Nag uumpisa naring mamuo ang luha sakanyang mga mata.
"P-pero----"
He stop me sa nais kong sabihin ng ikumpas niya ang kanyang kamay.
"Please...be mine again."
Hindi ako sumagot.
Pinapakiramdaman ko muna ang aking sarili kung ano ba ang saloobin ko ngayon. Kung babalik paba ako sa buhay niya o hindi. Kung... kung...mahal ko pa ba siya.
"Alright."
Napatigil ako sa pag iisip ng magsalita ito.
"Hindi mo naman kailangang sagutin ako ngayon."
May tipid na ngiti sa labi niya ng sambitin niya iyon.
Ibinaling na niya ang kaniyang tingin sa mga batang masayang nag lalaro sa damuhan.
"I will wait naman. Basta bigyan mo ko ng chance."
He pause at huminga ng malalim.
"Chance na patunayan ko ang sarili ko ulit sayo."
At tumingin ito ng diretso sa mga mata ko.
Sa biglaang pangyayari ay hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat isipin. Kung ano paba ang tama o mali.
Bakit nga ba hindi ko pagbigyan?
Tanong ko sa aking isipan pero parang may part sa akin na pumipigil sa kung anong pagsang ayon na gagawin ko kay Arthur.
Sa huli ay napapikit na lang ako ng mata at hindi na sumagot.
"Ihatid na kita?"
Kapag kuway tanong nito at malungkot na ngumiti sa harapan ko.
Marahan naman akong tumango at ngumiti ng tipid.
Inumpisahan na niya akong alalayan maglakad hanggang sa makarating kami sa kotse niya.
Nang makapasok ay nag seatbelt na ito at pinasibad ang sasakyan papalayo sa park.
Ibinaling ko na lang ang aking paningin sa labas ng bintana.
Nabo-bother ako ngayon sa aking iniisip.
Bakit ba manyak ikaw ang nasa isipan ko simula ng tinungo ko ang park na to hanggang sa mga oras na ito?
Napabuntong hininga na lang ako at napapikit.