Claire POV
"Ay iha ako ng bahala mag hugas ng mga iyan! Mag pahinga na lang daw muna kayo sabi ni ma'am Hessa."
Pigil ni manang sa akin ng maghuhugas ako ng pinag kainan namin ngayong hapunan.
"Hindi ho, ayos lang po manang Betty. Ako na po bahala dito."
Pag pupumilit ko.
"Ay naku bata ka.. papagalitan ako ni ma'am Hessa pag hinayaan kita diyan. Magpahinga ka na lang sa taas at ako ng bahala diyan. Huwag ng matigas ang ulo."
Tila nakukunsuming litanya ni manang sakin.
Napatawa na lang tuloy ako. Para kasi siyang si nanay kung makatalak. Namiss ko tuloy ang mga tao sa probinsya.
"Uhmm manang nasaan nga po pala si Hessa?"
Out of curiosity na tanong ko. Kanina ko pa kasi hindi siya makita sa paligid eh.
Napatingin naman si manang sakin habang inaayos isa isa ang mga plato.
"Natutulog na yun." Tipid na sagot ni manang.
Ahh.. Maaga matulog.
Tumango tango na lang ako ng marinig iyon at pumanik na sa kwarto ko upang makapag pahinga. Hindi ko na rin kasi feel makipag daldalan pa tsaka nakakahiya rin kila Manang kung sa unang araw ko puro daldal lang ang nakita nila sakin.
Pagkatapos mag linis ng katawan at mag ayos nahiga na ako sa malambot na kama nila.
Hinaplos haplos ko pa ang kalambutan nito at pinakiramdaman gamit ang aking mga palad. Paulit ulit ko iyong pinapalandas sa higaan at pasimple pang kumurot. Parang timang lang. Haha.
Sinubukan ko pang tumalbog talbog sa kama habang nakahiga. Ang dami kong trip ngayon. XD
Matapos ang mahabang kulitan sa higaan haha XD, pagod na itinuon ko ang aking paningin sa puting kisame.
Bigla na lang napaisip kung anong klaseng tao ang amo ko.
Hayss iba talaga pag mayaman. Parang barya lang sakanila yung pera.
Paano naman kasi ang laki ng thirty thousand kada buwan at parang hindi siya nanghihinayang doon. Pero sabagay, napakalaking tulong na non sa akin.
Hinuhulog hulugan ko kasi kay Don Enrico si Mary Ann. Ang kapatid ko. Tuluyan na nilang kinuha ang kapatid ko sa bahay. Talagang nakiusap at nag makaawa na nga ako sa telepono para lang hindi niya tuluyang angkinin si Mary Ann. Sinabi kong hindi papalya ang hulog kong trenta mil kada buwan. Pumayag naman ito ngunit sa isang kondisiyon. Hanggat hindi ko pa raw nababayaran ng buo ang utang ng ama ko, maninilbihan si Mary Ann doon ng libre at pakakawalan lang siya pag natapos ko nang hulugan lahat.
Mula sa pagbabalik tanaw, naramdaman kong may umagos na likido sa pisngi ko. Sinipat sipat ko ito at pinahid.
Tss . Umiiyak na pala ako.
Nakakaiyak lang talaga kasing isipin na para kaming kawawa. Na wala kaming kakayahang ipag tanggol ang aming sarili.
Ang lalo pang bumabagabag sa isip ko ay matitigil sa kolehiyo si Mary Ann dahil sa problema na kinahaharap namin ngayon.
"Bwisit! Pisting buhay to! Makatulog na nga."
Maktol ko ng lalo lang akong naiyak.
Ipinikit ko na ang aking mga mata at pinilit ng matulog.
Dapat lagi ka lang positive Claire!! Huwag kang mawalan ng pag asa.
Kinabukasan, maaga akong nag ayos ng sarili. Pumanik na ako sa baba at nasalubong ako ni manang Betty kasama yung isang kasambahay na ka edad ko lang ata o mas matanda ako?? Ewan.
"Iha! Halika na.. sabay sabay na daw tayo kumain doon sa hapag kainan sabi ni ma'am" masayang tugon niya.
Sinuklian ko naman ito ng tango at tipid na ngiti.
Nang makarating na sa lamesa ay nabungaran ko si Hessa na nakasubakol ang mukha.
Hmmm? Ang asim ng mukha nito kauma-umaga. Nasaan na yung ngiti nito? Baka may regla?
Nagkibit balikat na lang ako sabay naupo.
Akmang kukuha na ng makakain si Hessa ng paluin ko ang kamay nito.
Gulat na napatingin ito sakin na wari mo'y nakagawa ako ng isang malaking kasalanan. Napatingin din sila manang sakin at napalunok na tumingin sa babaeng ito.
"Magdasal muna bago kumain"
Sambit ko at nag simula ng mag antanda.
Parang hindi naman siya makapaniwala sa ginawa ko sakanya kanina pero sumunod na lang ito sa gusto kong mangyari.
Tahimik naman kaming natapos kumain. Inililigpit na ni manang at ni Acasia yung pinag kainan namin.
Nahiya naman ako kaya humawak na ako ng pinggan upang iligpit ng may pumigil sa akin.
"Hayaan mo na sa kanila yan. Sumunod ka sakin, sa kwarto ko."
Seryosong saad niya at nag simula ng humakbang papalayo sa hapag kainan.
Napatigil naman ako saking ginagawa at napalunok ng mariin sabay napahawak sa aking dibdib na para bang tinatakpan iyon.
"Eto na ba yun?? Eto na ba yung.... (Gulp) Everything na sinasabi niya?" Bulong ko sa sarili at napalunok muli.
Nanginginig ang aking mga paa na inihakbang ko iyon at nagsimula ng pumanik patungo sa silid niya. Iniwan ko na sila manang Betty doon.
Nag darasal naman ako na sana'y walang mangyaring kababalaghan o di kaya'y buhay at buo parin ako pag labas ko sa silid niya.
Makaraan ng ilang minuto ay nasa tapat na ako ng kwarto niya.
Kinakabahang nakatitig ako sa pinto ng kanyang silid. Nag dadalawang isip kung kakatok ba ako o hindi.
Samo't saring mga larawan at scene ang nabubuo sa utak ko at hindi ito nakakatulong sa akin upang kumalma. Ipinilig ko ang aking ulo upang iwaksi ang imaheng paulit ulit na nag lalaro sa isip ko.
Eh kung umatras na lang kaya ako?
Tanong ko sa aking sarili.
Tangek! Hindi ka na pwedeng umatras. Nakapag bigay na nga siya ng paunang sweldo mo sa isang buwan na pinadala mo sa inyo remember?? Tsaka yung kapatid mo pa!
Napasapo na lang ako sa noo ko!
Ano ba tong pinasok ko?! Wala sa hinagap ko ang maging maid ng taong ito! Masisiraan na ata ako ng bait.
Huminga muna ako ng malalim at pinakalma ang sarili.
"Tanggapin mo na lang ang kapalaran mo Claire. Hanggang dito ka na lang talaga. Wala kang karapatang mag reklamo." Bulong ko sa sarili.
Tok tok tok!
"Pasok!"
Hinawakan ko na ang doorknob at half close ang mga matang pinihit iyon.
Pag kapasok, nabungaran ko siyang nakaupo sa kama niya at parang bored na nakatingin sa akin. Napalunok naman ako.
Kalma lang Claire kalma lang. Babae naman yan kaya sure na safe naman. Hindi naman makakabuo.
Napailing na lang ako sa naiisip.
Hayss!! Ano ba tong iniisip ko.
Nagsimula na akong humakbang papalapit sakanya ng mag salita ito.
"Isarado mo yung pinto."
Ay oo nga pala.. may gagawin kami tapos nakalimutan kong isara ang pinto.
Dali dali ko naman itong sinara at ni-lock sabay pumunta na sa harapan niya.
Nakaupo parin siya sa paanan ng kama habang ako ay nakatayo lang na nakatitig sakanya.
Mga ilang minuto na ang nakakalipas wala paring gumagalaw sa aming dalawa at walang namumutawing kahit anong salita sa pagitan namin.
Baka ako ang gagawa? Baka hinihintay niya lang ako?
Huminga naman ako ng malalim. Uhg! Bahala na! First time ko to kaya huwag siyang magtangkang magreklamo pag katapos!
Ipinikit ko na ng mariin ang aking mga mata at dahan dahang inihubad ang pang itaas kong damit.
Nag mulat na ako ng mata matapos kong ihagis kung saan ang damit ko. Napatingin naman ako sakaniya. Nakita kong nanlalaki na ang mga mata niya at ilang beses na ring napapalunok.
Dumako na ang aking mga kamay sa butones ng pants ko at ibinaba ko na ang zipper.
Akmang ihuhubad ko na yung pants ko ng biglang may tumamang unan sa aking mukha.. Napapitlag naman ako sa gulat.
Nangyare???
Titingin muli sana ako sa kanya ng may paparating na naman na unan sa mukha ko dahilan para mapaupo ako sa sahig.
"Aray!" Singhal ko. Sumakit tuloy yung pang upo ko.
Natatarantang umaatras naman si ma'am Hessa sa kama niya habang dinuduro ako. Nanlalaki ang mga mata nito at nanginginig ang katawan.
"A-anong g-g-ginaga-wa mo-o??? B-ba-kit ka nag hu-hu-bad??"
Nanginginig at nag kakanda utal na tanong niya.
Napakunot noo ako sakanya at nag tatanong ang mga matang nakatingin sakanya.
"Ha? Diba pinapapunta mo ko sa kwarto mo?"
Sabi ko sakanya. Nakaupo parin ako sa sahig dahil kumikirot parin ang pang upo ko.
"O-oo nga.. pe-pero hindi ganyan!!!"
Sigaw niya sa huling dalawang salita.
Napaawang ang bibig ko sa narinig at napaisip. Biglang nag init ang aking pisngi ng mapag tanto kung ano ang pinupunto niya.
Napakagat tuloy ako ng pang ibabang labi ko at binaling ang aking paningin sa ibang direksyon.
"Ang tanga mo talaga Claire!"
Pikit matang bulong ko sa sarili.
Hindi lahat ng nangyayari sa kwarto ay kababalaghan. Baka may sasabihin lang. Ano ba tong ginawa ko?! Nakakahiya kaaaaaaa.
Nakarinig naman ako ng tikhim kaya naputol ang aking pag iisip at napatingin sa direksyon niya. May nakasukbit ng bag sa balikat niya at may hawak na susi.
Napansin kong namumula mula narin ang pisngi niya at hindi makatingin sa akin ng diretso. Kung hindi sa dingding siya titingin ay sa furniture naman basta huwag lang sa mata ko.
"Uhmm ano..." Panimula niya. Para siyang batang nahihiyang mag sorry sa magulang.
"Mag linis ka na lang muna ng bahay. Mag paturo ka kay manang Betty ng mga gawain mo sa araw araw. Tuwing sabado at linggo naman ay wala kang ibang gagawin kundi magdamag kang nakatabi sa akin habang naghihintay ng utos na naisin at maisipan ko. Pasok na ko sa iskul. Tss.. ang green masyado."
Mahabang sambit niya at napapalatak. Lalo tuloy akong namula sa huling salitang binanggit niya. Sorry naman.. malay ko ba.
Masyado ba akong advance mag isip?
Nag lakad na siya palabas ng kwarto at sinara ang pinto. Naiwan akong mag isang nakatulala sa loob ng kwarto.
Buong lakas na ibinuga ko ang hangin na kanina ko pa gustong ilabas. Hindi na kasi ako makahinga kanina dahil sa kahihiyang ginawa ko.
Inis na sinabunutan ko naman ang aking sarili at nag papadyak.
"Nakakahiya!!!"
Tili ko at tinakpan ang aking mukha habang nag mamaktol.
"Nakakahiya ka CLAIRE!!!!!!"