Episode 9 The Consequence

1112 Words
"Ma'am Hessa ako na po ang mag d-drive." "No.. ako na lang. Salamat na lang. Bantayan niyo na lang ang bahay." Nakangiting sambit ko sa driver ko at pumasok na sa loob ng kotse at pinasibad na papuntang school. Monday na naman. Sobrang nakakatamad. Nang makarating sa eskwelahan ay agad na nag tungo ako sa room namin dahil sa kaunting minuto na lang ay mali-late na ako. Lakad.. takbo.. Pinag titinginan na nga ako ng mga estudyante dito. Hayss.. hindi kasi ako nakatulog sa nangyari. Binulabog lang ako nang babaeng yun sa isipan ko. Isama mo pa yung sampal niya. May pagka amazona ata yung babaeng yun.   Hindi din ako makapaniwalang sinabihan niya ako ng bastos. Well, hindi niya ako masisisi, eh sa nakakatempt ang labi niya, para akong tinatawag. Nakabalik lang ako sa aking ulirat ng mapansing malapit na ako sa room namin. Pagkatapat ko sa pinto ay tumambad sa akin yung prof namin na kausap ang Principal ng school. Napatingin naman sila sa direksyon ko nang biglang tumahimik ang mga kaklase ko mula sa daldalan. Seryoso lang itong nakatingin sa gawi ko na wari mo'y sinusuri. Napalunok naman ako. Heto na ba yun? Yung consequence ng ginawa naming kalokohan? "Ms. Villamor, on my office.. Now." Utos ni principal at nag simula ng mag lakad palabas ng room. Napatingin naman ako sa prof ko na tumango lang. Laylay ang balikat na nag lakad ako. Unti unti naring rumaragasa ang puso ko sa kaba at may kung anong mga nag hahabol habulan na daga sa sikmura ko. Please sana hindi ito makaabot kay lola. Hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin sa akin. Huhuhu. Pag kapasok ko sa loob ng office nakita ko sila Patrick, Shaun at Julse na nakahilerang nakaupo habang nakayuko. Sa kaliwa naman ay si..... tababoy? Hala?? Kasama yung nanay niyang teacher. Naku po! Nalintikan na. Mukhang nagsumbong na ang bruho. Biglang napangisi naman si tababoy ng makitang hindi ako komportable. Bigwasan ko to ay! "Ms. Villamor maupo ka na sa tabi ng mga magagaling mong kaibigan." Utos ng principal. Dang! I'm dead. -------------- "Claire!" Sigaw ko ng makauwi na ako sa bahay. "Claire!!" Sigaw ko pa at iginala ang paningin sa paligid. Nagtungo na ko sa kusina at doon ko siya nadatnan na nag huhugas ng plato. Lumapit ako sa kinaroroonan niya at tinapik siya sa balikat. "Claire.." "Ay nabasag!!!" Gulat na sigaw niya sabay lingon sa akin. "Nasaan? Nasaan yung nabasag? Pfft!" Natatawang tanong ko. Pinaningkitan niya naman ako ng mata. Mukhang nainis ata. "Anong ba kasing kailangan mo?!" Masungit na tanong niya at pinag patuloy na niya ang ginagawa. Ang sungit naman ng baby Claire ko hmmp! Bakit ba ang susungit ng mga babae sa henerasyon ngayon? Pag kakaalam ko problema rin yun ni Alexandra sa istoryang pikot. (AN: Nag advertise na hehe) Umiling iling na lang ako. "Uhmmm.." Himig ko.. "Marunong ka ba mag ingles?" Tanong ko sakanya. "At bakit?" Mataray na tanong niya rin na nakatalikod sa akin. Hayss.. kung hindi ko lang to crush kanina ko pa..... Ano? Kanina mo pa inano? Tanong ni utak. Ano.. kanina ko pa.... Ano ha? Taas kilay na tanong ni utak. Kanina ko pa hinalikan. Oh ano? Sabat ka? Okay... Napapitlag ako sa gulat ng may takip ng kalderong nalaglag sa sahig. "Oh ano? Tutunganga ka na lang ba diyan?" Masungit na turan niya sabay dampot sa nahulog na takip. Mukhang sinadya niya atang ihulog yun. -.- "Bakit mo tinatanong kung marunong ako mag ingles?" Dagdag pa niya. "Uhmmm kasi ano......" Napakamot ako sa batok. "Kasi???" Naiinip na dugtong niya. "Pwede ka bang mag panggap na tita ko sa school? Ingleshera kasi yun at alam nila principal yun maliban lang sa itsura niya. Hindi sila maniniwala na ikaw si tita kung mag tatagalog ka. Sige na Claire. Please please please!!" I pleaded with matching puppy eyes. Paano naman kasi, kailangan daw namin mag dala ng parent sa school. Pag wala daw kaming naipakita bukas, iki-kick out nila kami. For sure na malalaman yun ni lola at lilipad yun papunta dito sa Pilipinas para lang sabunin ako. Patay ako don. Si tita tuloy ang nasabi kong pupunta para sa akin. Eh sa pag kakaalam ko nasa Canada parin sila. "Huh? Ako? Magpapanggap na tita mo?" Takang tanong niya habang nakaturo sa sarili. "Ahuh! Isang araw lang naman eh." Tugon ko sabay pout. Please ... Sana effective tong pag papacute ko. "Ayoko nga!" "Huh? Bakit??" " Eh sa ayoko eh. Ako? Magpapanggap na tita mo tapos pag e-englishin mo ko. Gusto mo bang mag nosebleed ako don at mahimatay ha?" Nahihintakutang pahayag niya. "Eh.... Sige na... Please naman oh..." Pinag lapat ko pa yung kamay ko na wari mo'y nag dadasal. Pinag kiskis ko pa ito habang nakapout. Come on! Gumana ka naman. "Eh kasi..." Nag aalangan na sambit niya sabay tingin sa akin. "Hindi kasi ako sanay na may kaharap na mataas sa katungkulan hessa. Reporting nga lang nung highschool halos mahimatay na ko sa kaba at nangangatog ang mga tuhod ko." Paliwanag niya at pinag patuloy lang muli ang pag huhugas ng mga pinggan. Napabuntong hininga naman ako. "Claire...." Mahinang sambit ko sabay hawak sa mag kabila niyang braso. Tumigil ito sa pag hugas at hinarap ako. Tumingin ako sa mga mata niya. "Please Claire tulungan mo ko. Pag wala kasi akong naipakitang parent bukas sa principal namin makkick out ako. Pag katapos non malalaman yun panigurado ni lola. At si lola, (I pause and sigh) grabe yun kung magalit Claire. Baka nga pag uwi non pinag lalamayan na ako kinabukasan. Kaya sige naman na please.... Please... Maawa ka sakin. Diba nasa agreement natin na gagawin mo lahat ng gusto ko?" Tumango naman ito. "Ito ang una kong gusto Claire, mag panggap ka na tita ko bukas. Isang araw lang naman." Pagod na napabuga na lang siya ng hangin at tumango na lang. Marahil ay naawa na siya sakin. "YES!!" Napasuntok ako sa hangin sa sobrang tuwa. "Thank you!!" Natutuwang sambit ko sabay yakap sakanya ng mahigpit. "Thank you talaga dahil pumayag ka." Mga ilang minuto parin kami sa posisyon na iyon. Sobrang natutuwa talaga ako dahil hindi na aabot kay lola ito. "Hessa?" "Bakit?" Nakangiting tanong ko na nakayakap parin. "Pati ba ang pag hawak sa pwet ko kasama sa agreement na sinasabi mo?" Sarkastikong tanong nito sabay kalas ng pag kakayakap sa akin. At hindi talaga siya nag pahuli. Nabigyan pa ako ng isang sampal. PAK! "MANYAK!" Sigaw niya at nag walk out na. Napahawak naman ako sa nag iinit na pisngi ko. Natatawang nailing na lang ako. "Ayos lang masampal." Natatawang sambit ko sa sarili at nag tungo na sa aking kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD