Claire POV
Pagod na napasalampak na lang ako ng higa sa kama at napasapo sa aking noo.
Gosh...
Hindi parin talaga ako makapaniwala sa mga nangyari sa akin kanina.
Sa totoo nga niyan halos hindi ko na nga naintindihan yung mga pinag sasabi ko sa principal na yun kanina. Hindi ko na nga rin malaman kung tama pa ba yung mga binibigkas ko, ang tanging alam ko lang ay pinag tatanggol ko si bata.
Napapikit tuloy ako ng mariin at inis na sinabunutan ko ang aking sarili.
Nakakainis!
Naiinis ako sa babaeng punot dulo ng lahat ng ito.
Hindi naman sa naiinis ako dahil sa ako ang ginawa niyang tita kuno sa school nila, ang kinaiinisan ko lang eh yung kung paano siya umasta. Nakakabwiset.
Pero sabagay... Kahit saan ko tingnan o kahit bali-baligtarin ko pa ang sitwasyon...siya parin ang boss ko at doon ako lalong naiinis dahil wala talaga akong lusot.
Mababaliw na ako sakanya, idagdag mo pa ang pagiging manyak niya.
Ke-gandang babae, manyak naman.
Napabuga na lang ako ng hangin.
"Claire huwag mo na lang siya isipin.."
Kumbinsi ko sa aking sarili habang nakapikit.
Lol!
Sinong niloko mo??
Paano mo hindi iisipin eh halos sa iisang bubong lang kayo nakatira.
Napailing iling ako.
Bigla namang sumagi sa aking isipan sila inay.
"Isipin mo na lang, lahat ng ito'y para sa kapatid mo. Para sa pamilya mo."
Medyo naiiyak kong sambit.
Kumusta na kali sila roon?
Yung huling kumunikasyon sakanila ay yung huling pag papadala ko ng pera sa probinsya.
Nag uumpisa ng uminit ang aking mga mata. Nanatili parin akong nakapikit, nagbabakasakaling sa ganitong paraan ay makaiwas ako sa nagbabadyang pagluha ngunit nabigo ako.
Tuluyan ng lumandas ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi na lang ako kumibo o ano pa man. Hindi ko na lang binuksan ang aking mga mata at hinayaang tumulo ang mga luha ko sa aking pisngi hanggang sa ginupok na ako ng antok.
-------------------------
Sabado....
Ang araw na parang ayokong salubungin. Kung pwede nga lang tanggalin ko iyon sa kalendaryo kasama yung linggo ay ginawa ko na.
Kaso imposible.
Bakit nga ba ako nag kakaganito?
Well...
Simple lang.
Mag damag lang naman akong nasa tabi ng manyak na yun tuwing weekends ayon sa kasunduan.
Tamad na bumangon na lang ako sa aking kinahihigaan at nagtungo sa cr upang makapag linis ng katawan.
Nang mayari ng maligo at makapag bihis ay naupo muna ako sa kama at napakagat sa aking kuko.
Ano na naman kaya ang gagawin namin sa araw na ito?
Hindi ko maiwasang maitanong sa sarili ko.
Paano naman kasi, nakakakaba talaga ang salitang 'everything' na yan. Gagawin ko lahat. As in lahat. Bukod pa sa pagiging katulong ko sa pamamahay niya.
Parang ang unfair naman nun.
Gaga! Wala ka ng kawala. Pumayag ka naman kaya huwag kang mag reklamo diyan.
Napapa-pout na lang ako.
Maya maya pa'y may bumbilyang biglang sumulpot sa aking ulo.
Napatango tango naman ako sa aking naisip.
"Tama!"
Natutuwang bigkas ko at lumabas na ng kwarto.
Pababa na sana ako ng hagdan upang magtungo sa hapag kainan ng may marinig akong sumisitsit.
"Psst!"
"Psst!"
Umiling iling lang ako.
Hindi ko na lang binigyang pansin iyon at nag simula na lang mag lakad. Baka guni guni ko lang. Ngunit napahinto na ako sa pag lalakad ng maulit iyon.
"Psst!"
"Claire..."
Rinig kong bulong sa pangalan ko. Kaya naman napalingon na ako sa lugar kung saan nang gagaling ang sitsit.
Gulat na napatingin ako sa pintuang nakaawang at may nakausli pa talagang ulo doon. Nakangiti ito ng malapad ng tuluyan na akong humarap sakanya.
"Halika muna dito..."
Muling bulong niya.
Napakunot naman ako ng noo.
"Bakit ka bumubulong?"
Pabulong na tanong ko.
Nyemas... Pati tuloy ako nahahawa na rin sa kalokohan ng manyak na to.
Unti unti naman akong humakbang patungo sa kinaroroonan niya.
"Basta...halika dito...Dali..."
Muling bulong niya at kinumpas kumpas pa nito ang kaniyang kamay na wari mo'y pinapalapit ako nito sakanya.
Sa inasal niya ay hindi ko mapigilang mapang ikutan siya ng mata.
Ano na naman bang kamanyak-- este kalokohan ito?
Tanong ko pa sa aking sarili.
Nang makalapit ay agad ako nitong hinatak papasok sa loob ng kaniyang kwarto pag katapos non ay dahan dahan niyang isinara ang pinto. At di pa nakuntento, ni-lock pa talaga.
Nang matapos siya sa ginagawa ay humarap na siya sa akin at parang hindi siya mapakali.
Hindi ko tuloy mapigilang tumaas ang kaliwang kilay ko sa ikinikilos niya.
Napapakamot pa siya sa batok niya at dali daling nag tungo sa kama niya.
Nilagpasan niya lang ako.
"Ano to?"
Takang tanong ko ng pumihit ako paharap sakanya na ngayo'y nakaupo na sa kama habang nakasandal sa head board.
Mayabang na sumulyap muna ito sa akin at tumikhim.
"Anong araw ngayon?"
Mahihimigan mo sakanyang boses ang pagiging bossy nito.
"Sabado."
Kapag kuway sagot ko at napahalukipkip na sa harapan niya.
Ano na naman bang trip ng isang to?
Napatikhim muli siya at may inaabot ito sa bedside table niya.
Massage oil?
Nang makuha na niya iyon ay bumaling siya sa akin.
"It means you will obey all my command right?"
Kapag kuway tanong niya sabay smirk.
What the??
Gulat na tanong ko sa sarili.
What with that smirk?
Parang may kung ano sa ngisi niya na iyon.
"Unfortunately, yes."
Matipid kong sagot sabay flip ng hair.
Oo na oo na. Ako na ang masungit dito at nag iinarte. Naiinis lang talaga ako sa presensya niya, sa pag mumukha niya. Parang ayoko siyang nakikita kasi may nararamdaman akong kung anong emosyo---- urgh! Scrap that! Basta! Naiinis lang talaga ako dahil nakakabadtrip talaga ang pag mumukha niya. Iyon na yon!
"Hey!"
Pukaw niya sa akin na siyang nakapagbalik sa aking ulirat.
"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?"
This time, mukhang siya naman ngayon ang nag susungit.
Napangiwi tuloy ako ng wala sa oras.
Napaka intimidating niya talaga.
Tumango tango na lang ako kahit hindi ko talaga alam kung ano ba ang pinag sasabi niya kanina. Wala na kong pakialam, ang akin lang matapos na itong pag uusap namin dahil hindi na ako mapakali.
"Kung ganon, simulan mo na."
Sambit niya at nag hubad na ng pang itaas niyang damit.
Gulat na napatuptop ako sa bibig ko sa nasaksihan. Napapakurap kurap ako sa nakikita at napapaatras.
Pag katapos niyang hubarin ang damit niya ay basta niya lamang itong inihagis sa kung saan.
Akmang tatanggalin na niya ang short na suot suot niya ng pigilan ko ito.
"T-teka!!"
Pigil ko habang winawasiwas ang dalawa kong kamay.
Napahinto naman siya sa ginagawa niya at takang napatingin sa akin.
"What?"
Nababagot na tanong niya.
Hindi mapakaling napatikhim ako at umayos ng tayo. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili at ilayo ang makasalanan kong mga mata sa tanawing nakabalandra sa aking harapan.
Oh! Haleluya!
"Anong ginagawa mo?"
Tanong ko at napakagat ng labi.
Binigay ko talaga lahat ang best ko doon upang hindi mautal. Mukhang kailangan kong palakpakan ang sarili ko dahil doon.
"Uhmmm"
Himig niya na wari mo'y nag iisip at hinimas himas pa nito ang kaniyang baba.
"Naghuhubad?"
Patanong niyang sagot sa akin. Mahihimigan din ang sarkastiko sa kanyang sagot.
Punyemas na bata ito....
Ang tino kausap.
Parang ang sarap lang sakalin.
Oo! Bata talaga siya.. dahil ako ay 28 na tapos siya 20 pa lang.
Sa narinig ay muling nag taray tarayan ako sa harapan niya kahit ang totoo ay nangangatog na talaga ang aking mga tuhod sa nakikita.
"At bakit ka naman nag huhubad aber?"
Taas kilay kong tanong at namewang sa harapan niya.
Kunot noong tiningnan niya lang ako at tuluyan na nga niyang tinanggal ang short niya na siyang ikinasinghap ko.
"Pss.. ang dami mong dada diyan. Lumapit ka na dito at i-body massage mo ko. Bilisan mo. Ayoko ng babagal bagal."
Parang naiiritang sambit niya at dumapa na ito sa kama niya.
Ano daw?
Body massage? Ke-aga aga?
Pwede bang mag almusal muna?
Tanging dalawang maninipis na saplot na lamang ang nag tatakip sa maladiyosa este sa pangit niyang katawan.
"Bakit naman kita imamassage ha??!"
Agarang tanong ko at binale wala ko lang ang pag susungit niya.
Ngunit ang siste, tumingin lang siya sa direksyon ko at tinitigan ako ng mariin.
"Dahil boss mo ko."
Maikling tugon niya sabay smirk.
Napasinghap naman ako sa narinig.
Bwi...bwi...bwi... BWISEEEET!
Napipikang sigaw ko sa aking isipan.
Ayoko talaga makita ang smirk na yon.
"Ano pang tinutunga tunganga mo diyan? Pumunta ka na dito. Nasasayang ang oras ko."
Pinang ikutan pa ako nito ng mata.
"Wow ha??"
Tanging nasambit ko na lang at padabog na lumapit sakaniya.
"Bakit? May angal ka?"
Mapaghamong tanong niya.
Alam kong nakangisi siya sa mga oras na ito kahit hindi siya nakaharap sa akin.
Napipikang kinuha ko yung massage oil na inaabot niya sa akin at naupo sa gilid ng kama.
"Be gentle huh?"
Pilyang pa habol niyang sabi at narinig ko ang mahina niyang hagikgik.
May kung ano namang sumagi sa aking isipan ng marinig ko iyon.
Ah ganon huh?
Napangisi na lang ako sa aking naisip.
Hindi ko na lang pinatulan ang sinabi niya kanina at nag umpisa na akong mag lagay ng oil sa buo niyang katawan.
Eto ba ang trip mo? Pwes, tingnan natin. MUAHAHAHA!
Sinimulan ko ng masahiin ang balikat niya pababa.
"Uhmm...ganyan nga."
Nasasarapan niyang tugon.
Maya maya pa'y kinuha ko at buong braso niya.
"T-teka..."
Ramdam ko ang pag katense ng katawan niya.
"Bagong style ba yan ng pag ma-massage Claire?"
Takang tanong niya.
Hindi ako nag salita, bagkus ay nag patuloy lang ako sa aking binabalak.
"Claire ano bang--"
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH!!!"
Sigaw niya na sa tingin ko'y dinig sa buong sulok ng mansiyon niya.