PAGKAALIS nina Noah at Leighra sa burol na pinagdalhan niya dito ay deretsong inuwi ni Noah si Leighra sa bahay ni Manang Belen bago umalis ng hindi nakapag-paalam kay Leighra dahil nakatuon ang isip ni Noah sa dumating niyang bisita. Mabilis ang pagpapatakbo ni Noah sa kotse niya, hanggang wala pang kalahating oras ay nakarating na siya sa mansion niya na minsan niya lang uwian. Pagkababa ni Noah sa kotse niya ay napatingin siya sa tatlong sasakyan na nasa tapat ng bahay niya bago niya binalingan ng tingin ang bahay niya kung saan alam niyang nasa loob nito ang hindi niya inaasahang mga bisita. "Your highness." pahayag ni Killdren na sumulpot kung saan mula sa likuran ni Noah. "Where's Rutherson and Caius?" "They are been punishing for not answering the empress question about your whe

