NAKAPANGALUMBABA lang si Leighra sa teresa ng bahay na tinutuluyan niya sa Switzerland, dalawang linggo na si Leighra sa Switzerland para sa cache ng bronze na na discovered dito, at ilan pa sa mga artifacts na makikita niya sa bansang iyon. Maliban doon, nagustuhan din ni Leighra ang mga bundok, at ilang cuisine ng Switzerland kaya gusto pa niyang manatili dito. Isang buwan at kalahati narin naman ang lumipas after ng huling pagpunta ni Leighra sa pilipinas. Marami na din naibalita si LAY sa kaniya, lalo pa sa nangyari kay Demon dahil sa hinarap na problema ng mga ito, yet hindi nag-alala si Leighra dahil magkakasama ang Phantoms. At nito lang ay ibinalita ni LAY na magiging tatay na si Demon na ikinatuwa niya para dito. Sa mga lumipas na araw, linggo at buwan ay naging okay si Leighra

