Tinawagan ni Alex sina Dawn at Andrea para sabihin ang invite ni Keith sa Legend Bar para sa Anniversary nito mamayang gabi.
"So magkita kita nalang tayo dun sa mismong Bar kasi susunduin ka ng Boss/lover mo." Pangaasar sa kanya ni Andrea.
"Makalover ka naman dyan. Oo susunduin daw nya ako dito eh. Nagpaalam pa kila Tatay at Nanay. Umagang umaga dumaan ba naman dito kahit tulog pa ako."
"Eeiiii. Kinikilig naman ako sa inyo.."pang asar din ni Dawn, nagvideo call kasi sila. "Ai, pwede ba natin isama si Greg, matutuwa yun dun at for sure super mageenjoy sya."
"Oo sige isama na natin, sabi naman ni Keith isama ko mga kaibigan ko eh."
"Oki doki. Ano kayang isusuot ko mamaya? Sabi ni Dawn. Ano kayang meron sa Anniversary nila.
"Hindi naman sinabi ni Keith. Pero sabi nya idea daw ni Matthew, yung main vocals nila."
"Owww, surprise nalang mamaya. Excited na ako! Parang kinikilig pa si Andrea ng sabihin yun.
Mag 8 pm na ng sunduin ni Keith si Alex, napamaang pa ito ng makita ang ayos nya. She is wearing a red dress above the knee length ang paired with a black boots. Light make up lang din ginamit nya at red lipstick, inayos din nya ang buhok nya na may malaking kulot sa bandang dulo.
"Youre beautiful Hon." Tinititigan sya ni Keith. Tiningnan nya si Keith, nakapants na maong lang ito, white shirt at white sneakers. Simpleng suot lang umaapaw ang kagwapuhan. "Let's go."
Habang nagmamaneho nakikita naman ni Alex ang panay na sulyap sa kanya ni Keith, nakakaramdam sya ng kaba at init mula sa mga titig nito.
"Can i just take you home instead? Let's ditch the party."
"No, pupunta si Dawn at Andi kaya pupunta ako sa party nyo." Mariin nyang tanggi, nagegets naman nya ang ibig sabihin nito.
"Damn it."Mahina nitong mura. "I told you not to wear sexy. But look at you, youre giving me a hard time. You look gorgeous." Sabi nito sa kanya."Pagtitinginan ka na naman ng mga lalake dun, wag kang lalayo saken ah." Utos nito sa kanya.
"Pano sila Dawn at Andi, sila mga kasama ko diba?
"Ok, wag ka nalang lalayo saken. Baka manapak ako kapag may umaligid sayo." Mariin nitong sagot sa kanya.
"Ok, hindi ako lalayo." Mahinang sagot ni Alex.
Nakarating na sila sa Legend Bar. Madaming nakaparadang sasakyan sa parking space nito at mayat maya ang pasukan ng mga tao.
"Hihintayin ko lang yung mga kaibigan ko sa Entrance, yun kasi usapan namin." Sabi nya kay Keith bago sila bumaba ng sasakyan nito. Nagsalubong ang kilay nito.
"What!, hindi ka pa sasabay saken pagpasok sa loob?
" Mauna ka na, alam kong magpeprepare ka pa at ang mga kaibigan mo. Ok lang ako, kaya ko na ito. Hahanapin ako nila Andi." Paliwanag nya dito. Tinitigan sya nito and he heaved a deep sigh as if he surrendered.
"Fine. Dun kayo sa VIP room magstay then sa may malapit sa stage, those are reserved for you and your friends."
"Ok." Bababa na si Alex ng pigilan sya ni Keith."Bakit? Tanong nya dito. Agad sya nitong hinalikan ng mariin. Nagulat pa sya sa ginawa nito. Mabilis lang naman un halik na ginawa ni Keith. Nakita nyang nagkaron ng bahid ng lipstick ang labi nito kaya pinunasan nya.
"Nagkalipstick ka tuloy,"
"I want to ruin your lipstick." Matapos nyang punasan ang labi ni Keith. Tinaasan nya to ng kilay.
"Let's go." Mariin nyang sagot. She heared him cursed.
Maya maya pa ay nakita na ni Alex na padating na si Andi, Dawn at kasama si Greg. Tuwang tuwa si Alex ng makita nag bading nilang kaibigan at ang ayos pa ng hitsura nito. Mukhang fresh at mukhang lalake. Nagyakapan pa sila ni Greg.
"Bruha ka, bakit mukha kang lalake ngayon, akala ko aawra ka? Naglakad na sila papasok. Pinuntahan ni Alex ang front desk para sabihin ang pangalan nya.
"Syempre kelangan ko munang maging kagalang galang dahil nasa sosyal taung Bar." May kalandian na pagkasabi Greg. "Ang gaganda nyo gurls ah, natalbugan nyo ang beauty ko."
"Ok lang ang gwapo mo naman ngayon." Pangasar ni Andi sa kanya. Gwapo naman kung tutuusin itong si Greg, may kalakihan din ang katawan dahil alaga sa gym, fitness guru din kasi ito. Disente din manamit at mapagkakamalan talagang lalake. Pumasok na sila sa loob at namangha na naman sila sa ganda ng loob. May mga nabago sa paligid dahil nadagdagan ng mga ilaw at mga decorations, walang spot light ang center stage hindi katulad nung huli nyang punta.
"Mukhang may something nga." Dumiretso na sila sa VIP room at nilagay ang mga gamit nila.
"Wow, so true pala ang chika saken nitong mga to, jowa mo ang isa sa mayari nitong bar. Kaw hah, sya ba ang dahilan kung bakit ka nagresign babaita ka." Kinurot kurot pa sya ni Greg.
"Hindi noh. Boss ko yun." Saka nginitian nya si Greg.
"Pakilala mo ako mamaya ah at sa mga gwapo nyang friends."
"Oo mamili ka sa kanila dahil lahat sila gwapo." Pahayag ni Dawn.
Nang may pumasok na server at dinalhan sila ng mga pagkain at drinks. Tuwang tuwa naman ang mga kaibigan nya.
Maya maya pa ay may nagaannounce na at maguumpisa na ang surprise ng The Legends. Pumunta nadin sila Alex sa may nakareserve na upuan nila, humingi pa sila ng extreng upuan para kay Greg kasi 3 lang ang nakalagay na upuan. Hindi nya nasabi kay Keith na may isa pa silang kaibigan. Maganda ang pwesto nila dahil kitang kita nila ang harap ng stage.
Nagdilim ang paligid at naghiyawan ang mga tao. Puro mga kababaihan ang tumitili. Nang tumapat ang spot light sa center stage, nakita nila ang 5 mic stand na pantay pantay na nakatayo at may mga upuan sa likod. Nanahimik ang crowd ng makita iyon at lalong lumakas ang sigawan nang namatay ulit ang ilaw at pagkabalik nito, nakatayo na sa harapan ng Mic Stand ang limang nagagwapuhang lalake. Mas lumakas ang tili ng mga kakababaihan dahil lahat sila ay nakablack suit, nagkaiba lang sa mga kulay ng neck tie nila.
Napasighap si Alex ng hinanap ng mga mata nya si Keith, katabi ito ni Zach sa may bandang kanan, at katabi nito si Luke. Napanganga silang magkakaibigan lalo na si Greg.
"Ohh.. em..ggeeee!! Tili pa nito. "Ang gagwapo nila!!!
"Lalo silang gumwapo sa mga hitsura nila. They are all perfect. What a surprise indeed! Nagslow clap pa si Andi. "Friend, baka pasukan ng langaw yang bibig mo, kanina ka pa nakanganga." Pangasar ni Andi kay Alex.
She is eyeing Keith. He looks so dashingly handsome, corporate look really suits him, maayos pang nakasuklay ang buhok nito. And she cant believed that this man is inlove with her. At nakita nyang hinanap sya nito. And again his dark stare pierced her body. At naisipan talaga ng mga ito ang ganong get up, eto ba ang sinasabi nilang surprise.
"Hello people!! Are you ready for the party tonight!! Panimula ni Matthew. Nagsigawan ang crowd dahil sa excitement. "But sorry to disappoint you guys, were not going to rock your night tonight but instead we made some changes, were going to serenade you and hope you all enjoy it!!! Nanahimik ang crowd at pagkatapos nagsigawan na naman at nagpalakpakan.
"Pass muna tayo sa rock n roll guys, hope magenjoy padin kayo, so sit back and relax" Si Luke ang nagsalita. At namatay na naman ang ilaw at naging focus ng spotlight ang 5 na nakatayo sa may mic stand.