Matapos macheck up si Ria, pinaadmit nadin sya ni Zach para mas matingnan ng maayos ang kalagayan nito. "The baby is safe, it was just a mild bleeding, no harm done sa baby at kay Mommy." Paliwanag nang Doktora na nagcheck kay Ria. "The good thing is agad nyo syang dinala sa hospital." Nakahinga silang lahat ng maluwag. "What the f**k is that?! Pati ako nagpanic sa nangyari kay Ria." Napameywang pa si Keith at napakamot sa ulo. Nakahinga na maluwag si Zach dahil parehong safe ang magina nya. "Ibibigay ko ang reseta ng mga multivitamins na pwedeng inumin ng asawa mo at iwasan nyo nadin ang mastress ang buntis." Payo ng doktora. Parehong napatango si Zach at Keith. "Yes po Dra. Magiging mabait na po kami." Sagot ni Zach at hawak hawak ang kamay ng natutulog na si Ria. Nagpaalam na ang

