Chapter Eighteen

1727 Words
At tulad ng sinabi ni Keith, sinundo nga si Alex ni Frank kinaumagahan papasok sa mansion. Hindi na sya nakareceived ng kahit na anong messages kay Keith. Pagdating nya sa mansion ay sinalubong sya ni Manang Lorie para yayain magalmusal. Kahit kumain naman sya sa bahay ay nahiya na syang tumanggi. Pagpasok nya sa may dining area, napasinghap sya ng makita ang isang pigura ng pamilyar na tao. Napatitig sya dito, kung titingnan para lang din si Keith. The man standing beside Lolo Joacquin is equally handsome as Keith but Keith is much taller. The man has a broad shoulder, wide chest and a lean body to die for. He looks like a model. Yun ang first impression nya, pero napakunot ang noo nya dahil parang nakita na nya ang pagmumukha ng lalakeng yun. Nagulat na lamang sya ng lumapit ito sa kanya. "Ohhh. Finally you’re here. I’m dying to meet you." Napakunot ang noo ni Alex. "I’m Kyle Christopher Montereal. I’m Kuya Keith's younger brother. Nice to meet you Alex." Pakilala nito sa kanya. Naglahad pa ito ng kamay. "I-im Alex. Lolo Joacquins private nurse." Pakilala naman ni Alex. "Have a seat Alex and lets eat breakfast." Utos ni Lolo Joacquin. Napasunod naman sya dito. "Kakauwi lang nitong pangalawa kong apo galing France." Sabi pa nito. Alex saw Kyle's wide smile. Iniisip nya kung san nya nakita ang mukhang ito. "Galing ka bang vacation?” Tanong nya dito. "Nope. Nakabased na ako sa France because of my modelling commitments, I just had my break that’s why I came home." Paliwanag ni Kyle sabay kagat sa hotdog ng sunod sunod. "Model ka?” Nakita nya itong ngumisi at tumango. Saka lang narealized ni Alex kung sino si Kyle. "Ahhh. Ikaw yung famous model sa mga fashion magazines, kaya pala familiar yung mukha mo, ngayon ko lang nafigure out." Namangha pa sya ng marealized nya un. Tinawanan sya ni Kyle. "So, you know me pala." "Yup, ang laki kaya ng mga billboards mo sa may Edsa. Ikaw yata yung cause ng traffic dun eh." Asar nya dito. Natawa din si Lolo Joacquin sa sinabi nya. "How did Kuya find you?” Tanong nito sa kanya. "Long story eh. Itanong mo nalang sa kuya mo." Nahihiya nyang sagot. Kyle flashed a grin to her. "I already knew the whole story." Nakangiting sabi nito sa kanya. Nagtaka naman sya. Nagtaas pa ito ng dalawang kilay. Chineck lahat ni Alex ang vital signs ni Lolo Joacquin, naghealth assessment din sya dito. Masigla naman si Lolo at punong puno pa ng energy. Kasama din nila lagi si Kyle sa mga ginagawang activities ni Lolo Joacquin. Dahil sa mga ginagawa nya kahit papano nawawala sa isip nya si Keith at ang hindi nito pagcontact sa kanya. Aminado syang namimiss nya ito. Naging maganda din ang samahan nila ni Kyle, masayahin ito at magaan kasama, parang kapatid din nyang si Daryl. At nadiscover pa nila sa isat isa na gamer sila pareho kaya ng minsan naglalaro sya ng Mobile Game nagpainvite ito sa kanya dahil naglalaro din pala ito. Ang 3 days na sinabi sa kanya ni Keith ay lumagpas pa hanggang maging limang araw na walang paramdam sa kanya. Sinabi din ni Kyle na hindi din nagmemessage ang kuya nya sa kanya. Nagaalala din si Alex kaya ilang beses din nya itong tinatawagan at tetext pero wala padin syang sagot na natatanggap mula dito. Nasa may garden si Alex ng makita nyang papalapit si Kyle. Nakapolo shirt itong blue and white, maong na short saka white na Nike sneakers. Itsura palang nito alam ng model. "Come with me. Let's kill some time." Yaya nito sa kanya. "Hindi pwede, oras ng trabaho ko eh." Tipid nyang sagot. "Ok na, nagpaalam na ko kay Lolo. Kaya magbihis ka na. Samahan mo akong magmall." "Magmall? Eh di pinagkaguluhan ka!” "Thats why I have this." Pinakita nito ang white Cap saka shades nito. Nginisian pa sya nito. "Ok fine." Bumalik na sya sa loob at nagbihis din. Nagshort nalang din sya ng maong, printed white shirt saka ang low cut Chuck Taylor nya. Paglabas nya ng mansion, nginisian pa sya ni Kyle ng makita nag get up nya. "Now I know, why kuya is so into you." "What??” Nginisian lang sya nito at pinasakay na sya ng sasakyan. At nagpunta nga sila sa isang mall sa may BGC. At kahit nag suot ng cap at shades si Kyle madami pa dij ang napapatingin sa kanya. Head turner naman talaga ang lalakeng ito. "You know what Kyle, nagmumukha akong alalay sa pagtabi sayo. Nakikita mo bang pinagtitinginan ka ng mga tao." "I know but I don’t care. Dont mind them. Hanggang tingin lang sila saten." He flashed a smirk after saying that. "Ilibre mo ako ng milk tea after mo magshopping." "Sure kahit benteng milk tea pa yan." "Buti magaling ka pa din magtagalog kahit sa ibang bansa ka na nagsstay." "Hindi ko naman nakakalimutan and besides some of my co workers are pinoy din and we always converse in vernacular." "Bakit mo naisipang maging model?” Tumingin sa kanya sa Kyle ng seryoso. "Because I want to make my own money. Well, we have our own companies and other properties, but I know Kuya can manage those. And he just want me to do my stuffs. In other words, he gave me freedom. I owe everything to him." Namangha naman si Alex sa sagot ni Kyle. "Magkasundo kayo ng kuya mo nuh. Brotherly love." "I respect kuya so much and I love him too. Kung sino ang mga mahal nya, mahal ko nadin. I will protect them too." Kinindatan pa sya nito na hindi nya alam ang meaning. "How about you Alex, what can you say about Kuya?”Natigilan pa si Alex. "Suplado saka demanding." Sagot nya dito. Kyle burst into laughter. "Really?? Ang alam ko kay kuya overly possessive sya. Kaya nun manakit kapag someone he loves got hurt." Seryosong pahayag ni Kyle sabay tingin sa kanya. Pumasok sila sa isang shop ng damit at namili pa si Kyle. Binibilhan din sya nito pero tumanggi sya. "Ayaw ko ng plain. May Avengers ba dyan?”Pangaasar ni Alex kay Kyle. "Ahh. Gusto mo pala Avengers, I think I saw 1 shop earlier. Lets go there." Hila nito sa kanya pagkatapos magbayad sa counter ng nabili nito. At meron ngang shop na puro Avengers Merchandise ang benta. Tuwang tuwa naman si Alex sa mga nakikita. Dumiretso sya sa mga tshirts at kumuha ng mga damit. Iba ibang kulay saka prints. Tiningnan nya si Kyle at nginisian. "Ikaw magbabayad nito diba?” Tinaasan pa nya to ng kilay. "Kaya kong bilhin lahat ng nandito." Pagmamayabang pa nito. Tinawanan nalang nya ito. Eh di sana all nalang mayaman. May nakita syang white tshirt na may mukha ni Iron man at saka mukha ni Capt. America, naisip nya ang size ni Keith. "Kung kay kuya yan mas malaki lang sya ng unti saken." Pangasar ni Kyle sa kanya. Namula naman si Alex. "Kasya na to sa kanya, pag hindi kasya saken nalang." Kinuhaan din nya damit si Daryl at si Tatay Arnold nya pati nadin si Nanay Nancy, team Avengers kasi sila. Nang magbabayad na sya, inunahan na sya ni Kyle. " I told you I’ll pay for this." "Kyle, may pambayad naman ako." "Keep it." Inabot na ang kanyang credit card sa cashier. "Ok, ilibre nalang kita ng lunch." Sabi ni Alex. "Sure, sakto nagugutom na ako." At naglakad na sila para humanap ng kakainan. Hapon na nang makauwi sila ni Kyle, nagenjoy pa itong mamasyal kung san san kaya inabot sila ng ganon oras. Pagpasok ni Alex at Kyle sa Mansion, nagulat si Alex nang makita si Keith pababa ng hagdanan. Nakagray suit pa ito. "Kuya!!!” Sigaw ni Kyle. Nakatingin na din sa kanila si Keith. Nagyakapan pa at nagfist bump ang magkapatid. "How are you brother?” Tinapik ni Keith sa balikat si Kyle. "Gwapo padin. Kakadating mo lang ba?” "Kanina lang." Tiningnan ni Keith si Alex mula ulo hanggang paa. Nakita ni Alex na nanigkit ang mga mata nito ng makita ang legs nya. "Nagpasama ako sa mall kay Alex, I bought some stuffs too. And I also have my pasalubong from France." "Bakit sya ang isinama mo hindi si Frank?”Seryosong tanong nito. Kyle scoffs upon hearing that. "Bored na bored na kasi si Alex kakahintay sayo kaya inaya ko munang magliwaliw." Nakatingin lang si Alex kay Keith. He looks exhausted, visible nadin ang mga stubbles nito sa mukha at halatang kulang pa sa tulog. "I thought your stay is just 3 days, why it was extended?” Tanong ni Kyle. "I needed to stay. Nagrequest yung investors na bisitahin yun site and I have no chose but to accompany them.” Sagot ni Keith na nakatitig kay Alex. "Kaya pala hindi ito agad nakabalik pero bakit hindi man lang ito nagparamdam sa kanya." Sa isip ni Alex, gustong gusto nyang yakapin si Keith dahil miss na miss nya ito. Pero nanatili syang nakatayo sa may likuran ni Kyle. "Something just came up, I need to go." Paalam ni Keith at lumabas na ng Mansion na hindi man lang kinausap si Alex. "Ok. Umuwi ka agad!” Pahabol na sigaw ni Kyle saka sya tiningnan. Nagkibit balikat nalang ito. Dumiretso na si Alex sa kanyang kwarto at dali daling sinubsob ang mukha sa kama at pinakawalan ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan. Hanggang dumating ang hapunan hindi bumalik si Keith. Wala na naman kahit anong paramdam sa kanya. Hindi na naman sya dinadalaw nga antok kaya naglaro na naman sya ng mobile game. "Bwisit na lalakeng iyon, hindi ko nadin sya papansinin." Gigil nya sa mga kalaban sa game. "Victory!!!" At nanalo ang team nya. Dumapa sya sa kama ng biglang magring ang phone nya. Nagulat pa sya at nagmamadaling tiningnan kung sino ang tumatawag. Bumilis nag t***k ng puso nya ng makita ang screen name ni Keith. "He..hello? Keith?” "Hey Alex! It’s Zach.” Sagot ng kabilang line. Hindi si Keith ang tumatawag. "Zach?? Napatawag ka?” "I know it’s late but I need your help. Keith was drunk and f*****g wasted. Napaaway pa sya sa bar. Hinatid ko na sya dito sa condo nya, can you come here?” Natigilan naman si Alex sa narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD