Chapter 12

1420 Words
Samantala, sa opisina ni Calix Hindi mapakali si Calix habang nasa mesa niya. Nakaharap siya sa laptop, pero wala sa report ang focus niya. “Sir, ready na po ang conference room para sa staff meeting,” ulat ng admin. “Good,” maikling sagot niya. Pero nang marinig niyang paparating na ang mga delivery sa lobby, bahagyang napangiti si Calix. Tumayo siya at sumilip sa bintana ng opisina niya na tanaw ang parking area. Kitang-kita niya si Belle na abalang inaayos ang mga dala kasama ang kaibigan. Simple lang ang suot nito, white blouse at maayos na ponytail, pero para kay Calix, ang ganda nitong pagmasdan. Ito ba yung babae na kinukulit ang tindera sa palengke para lang makatawad? naisip niya, at hindi mapigilang mapangiti. She really takes everything seriously. Pagpasok ni Belle sa building, sinadya ni Calix na bumaba at magkunwaring titingnan lang ang setup ng catering. “Good morning,” bati niya kay Belle na ikinagulat nito. “Good morning po, Sir,” nahihiya pero nakangiting sagot ni Belle. Sinipat ni Calix ang mga dala. “Mukhang masarap lahat ‘yan.” May kakaibang lambing ang boses nito. “Thank you for saying yes to this.” Bahagyang namula si Belle at napayuko. “Salamat din po at pinagkatiwalaan ninyo ako.” Sa isip ni Calix, hindi lang tiwala ang binigay ko, Belle. Excuse lang ‘to para makita ka ulit. Maayos naman ang naging resulta ng catering dahil nagustuhan ng mga staff sa opisina ang mga inihanda nina Belle at Kaye. Simple lang ang menu nila — chopsuey, calderetang baboy, at blue cordon — pero sulit at masarap kaya tuwang-tuwa ang lahat. Habang nagliligpit na sila, nilapitan sila ni Mrs. Perez, ang admin staff. “Pwede n’yo nang makuha ang bayad sa admin office,” nakangiting sabi nito. Nakangiti ring tumango ang dalawa. “Tara na, pero magpaalam muna tayo kay Sir Calix,” ani Belle kay Kaye. Lumapit sila kay Calix para magpaalam. “Samahan ko na kayo sa baba,” nakangiting alok ni Calix. Nagkibit-balikat si Belle at agad tumanggi. “Naku, Sir, okay lang po. Nakakahiya naman.” Ngunit ngumiti lang si Calix at umiling. “No, I insist. Tara na.” Nagkatinginan ang ilang empleyado sa opisina. Tahimik ang iba pero may mga nakangiting parang kinikilig. Hindi kasi nila inaasahan na ganito kabait si Sir Calix sa dalawang caterer. “Mabait pala si Sir… sa mababang uri,” sarkastikong bulong ni Chloe. “Huy, bunganga mo!” sita ni Michelle sabay irap dito. Papunta na sila Belle, Kaye, at Calix palabas nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Randy. Namilog ang mga mata ni Belle sa gulat. “Randy? Dito ka ba nagtatrabaho?” masaya pero nagtatakang tanong niya. Nakapagtaka rin si Randy at agad napakunot-noo. “Anong ginagawa mo rito?” Ngumiti si Belle, tila proud pa. “Hindi ba, nagkuwento ako sa’yo na kinuha kami para mag-cater dito? Ayan, tapos na kami. Ang saya kasi nagustuhan ng mga tao yung pagkain.” Tumikhim si Calix nang mapansin niyang hindi na siya pinapansin ni Belle nang makita nito ang isang lalaki. Napalingon si Belle at agad na ngumiti. “Ay, Sir… asawa ko po si Randy. Dito pala siya nagtatrabaho.” Ngumiti si Randy at bahagyang yumuko. “Boss ko siya, Belle,” bulong nito sa asawa. “Sir, asawa ko po,” ulit ni Belle, halatang masaya na magkita silang mag-asawa. Tumango lang si Calix, pinilit panatilihin ang kanyang neutral na ekspresyon. Pero sa loob-loob niya, parang may malamig na kamay na pumisil sa puso niya. Hindi niya inaasahan na makikilala niya nang ganito kabilis ang lalaking kumukumpleto sa mundo ni Belle. Sandaling nanlamig ang kanyang dibdib, hindi dahil sa galit, kundi dahil sa kakaibang selos at bigat na hindi niya inaasahan na mararamdaman niya. Hindi na sinamahan ni Calix sina Belle at Kaye. Si Randy na ang agad na pumwesto sa tabi ng asawa at sila na ang sabay na umalis. Nanatiling nakatayo si Calix sa kinatatayuan niya, nakapasok ang kamay sa bulsa at bahagyang nakakunot ang noo. Sinundan niya ng tingin si Belle, hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin. Pinilit niyang panatilihin ang walang emosyon na mukha, pero hindi niya naitago ang bahagyang pag-igting ng panga at ang lalim ng buntong-hininga niya. Sa loob-loob niya, parang may kung anong bigat na bumagsak sa dibdib niya, na para bang may bagay na hindi pa nagsisimula pero unti-unti nang nawawala. Tahimik siyang naglakad pabalik sa kanyang kotse. Pagkasakay, saglit siyang napahawak sa manibela, pinikit ang mga mata at huminga nang malalim. Nang buksan niya ang makina, agad niyang pinaandar ang sasakyan at bahagyang diniinan ang silinyador. Habang nagmamaneho, hindi mawala sa isip niya ang eksenang nakita kanina, ang mga mata ni Belle na kumislap nang makita ang asawa, ang ngiting hindi niya pa kailanman nakitang ibinigay sa kanya. Napangiti siya ng mapait. “Hindi ko dapat nararamdaman ‘to…” bulong niya sa sarili, pero mas diniinan pa niya ang apak sa silinyador, para bang gusto niyang takasan ang bigat na kumakain sa kanya. Samantala, panay ang sumbat ni Belle kay Randy habang naglalakad sila palabas. “Ikaw talaga, ha,” aniya na may bahagyang tampo sa boses. “Kung hindi pa ako nag-cater dito, hindi ko pa malalaman kung saan ka pala nagtatrabaho." "Hindi puwede dito isama ang asawa, Ewan ko ba sa’yo, lumalakad ka nang mag-isa, hindi ka man lang nagsasabi.” Defensive na sabi ni Randy. Napatingin siya kay Randy, sabay irap nang pabiro. “Nagsasabi naman ako sa’yo, ikaw lang ang laging busy. Kadutdot lagi ng cellphone, tulala ka pa minsan. Hay, ewan ko sa’yo!” patuloy na sumbat ni Belle. Natigilan si Randy, pero agad siyang ngumiti at inakbayan ang asawa. Ayaw niyang magduda pa ito na baka may kalokohan siyang ginagawa. “O siya, siya… sorry na. Bawi ako sa’yo mamaya,” bulong niya na may kasamang ngiti, pilit inaamo ang tampo ng asawa. Napatingin si Belle sa kanya at hindi napigilang mapangiti kahit nagtatampo pa. Ramdam niya ang init ng kamay ng asawa sa kanyang balikat at ang amoy ng cologne nito na paborito niya. Lihim siyang kinilig sa gesture pero pinilit pa ring magpa-cute na nakasimangot. “Aba, nambobola ka pa talaga,” sagot niya, pero halatang nabasag na ang tampo niya. Napatingin si Kaye na kasama nila at napangiti. “Ay, grabe, ang sweet niyo,” biro nito. Napailing si Belle at natawa. “Hmp, wag mo siyang kampihan!” pero halatang tuwang-tuwa rin siya. Samantala, nawala na sa mood si Calix. Imbes na bumalik sa office, nag-drive na lang siya kung saan-saan, hoping na somehow he could calm down. Bigat na bigat ang dibdib niya, at may inis siyang hindi maipaliwanag. Huminto siya sa gilid ng kalsada, mahigpit ang hawak sa manibela, at pumikit nang saglit. “Stop it, Calix,” he whispered to himself. “Whatever this is, you need to end it now. You can’t ruin someone else’s relationship—especially when she’s clearly happy.” He let out a deep breath, leaning back against the seat. “Be professional. Stay away from Belle if you have to. Don’t let yourself fall any deeper.” Pero kahit anong pilit niyang itapon sa isip ang eksena, bumabalik-balik pa rin, Belle’s bright smile, Randy’s arm around her, the warmth in her eyes. Napangisi siya ng mapait, halos natawa sa sarili. “Damn it… why does this hurt so much?” he muttered, shaking his head. Belle’s POV Hinatid muna sila ni Randy at Kaye palabas bago bumalik ang asawa niya sa office. Sakto namang nakabook na sila ng Grab pauwi. Habang nasa biyahe, hindi mapigilan ni Belle ang saya niya. “Grabe, Kaye, ang laki ng binayad sa atin! Saka may dagdag pa na five thousand… galing daw kay Sir Calix.” Napangiti siya pero bigla rin siyang natigilan. “Parang sobra naman ata ‘yung binigay niya…” bulong niya sa sarili. Hawak-hawak niya ang sobre na may pera, parang nagdadalawang-isip. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano-ano pero ramdam niya na hindi siya komportable. “Ibabalik ko na lang siguro ‘to kay Sir,” tahimik niyang naisip. “Ayokong tumanggap ng sobra… baka isipin pa niyang inaabuso ko ang kabaitan niya.” Napatingin si Kaye sa kanya at napansin ang katahimikan niya. “Hoy, Belle, bakit parang biglang nawala sa mood?” tanong nito. “Wala… iniisip ko lang kung dapat bang tanggapin ko ‘to,” sagot niya, habang mahigpit na hawak ang sobre.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD