Belle’s POV Kinabukasan, Medyo tanghali akong nagising. Halos sumikat nanang husto ang araw, pero nagsimula na akong magluto para sa lahat. Gusto kong kahit papaano ay maibsan ang bigat ng gabi kagabi — at baka sa simpleng paraan, mapasaya ko si Calix at ang pamilya niya. Nasa kusina ako kasama si Calix, parehong abala sa paghahanda. Siya ang nag-aabot ng mga sangkap, habang ako naman ang nagluluto. Paminsan-minsan, sumisimple siya ng ngiti o tuksong biro, kaya kahit papaano, gumagaan ang pakiramdam ko. Pagkalipas ng ilang minuto, kumalat na sa buong bahay ang mabangong amoy ng niluluto naming pagkain. Nang bumaba sina Lyka at Governor Aiden, agad silang sinalubong ng amoy ng tuyo, sinangag, at mainit na kape. “Ang bango naman!” natatawang sabi ni Lyka habang humihinga nang malalim. “

