Chapter 52

1412 Words

Sa wakas, makalipas ang isang buwan, pinahintulutan na rin ni Belle si Randy na isama ang kanilang anak sa Bulacan, isang araw na pag-uwi sa mga lolo’t lola nito. Habang wala ang mag-ama, si Belle at Calix naman ay patungo sa Sta. Lucia upang makilala na ni Belle ang ina ni Calix. Hindi mapakali si Belle. Sari-saring pag-aalala ang bumabagabag sa kanya. "Siguradong 'di matutuwa ang Nanay ni Calix," bulong niya sa sarili. "Matagal itong walang naging kasintahan, tapos ngayon, sa isang babaeng hiwalay na at may anak pa pumatol? Ano kaya ang mararamdaman niya?" Habang nasa biyahe kami, panay ang hawak ni Calix sa kamay ko. Parang sinasalo niya lahat ng kaba ko. “Relax,” nakangiti niyang sabi. “Mabait si Mommy.” “Baka ayaw niya sa akin,” mahina kong sagot. “Alam mo na… hiwalay ako sa asawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD