Pag-uwi ni Belle, ramdam niya ang bigat sa dibdib, parang pasan niya ang buong mundo. Napakabigat ng lungkot na bumalot sa kanya kaya napaupo muna siya sa isang bench sa park. Malamig ang simoy ng hangin, at ang mga ilaw mula sa poste ay tila nagsasayaw sa mga dahong nahuhulog. Sa paligid, puro magnobyo—magkahawak-kamay, nagtatawanan, at nagbubulungan ng matatamis na salita. Para bang buong mundo ay umiikot sa pagmamahalan, maliban sa kanya.
"Sweet lang 'yan sa umpisa… hahaha, bitter much," bulong niya sa sarili habang mapait na napangiti. Pero agad din siyang natahimik. "Sabagay, baka depende talaga sa karelasyon."
Naisip niya ang simula nila ni Randy. “Kung noon pa lang, nakita ko na yung mga red flags niya… pero pinili ko pa rin kasi mahal ko siya. Ang bata pa namin nun, pareho kaming bente lang nung nagpakasal.”
Naalala niya ang sinabi ni Calix. “Tama siya, marami pa akong pwedeng magawa, bata pa naman ako.” Siguro nga, kaya iba ang narating ni Calix, dahil iba ang mindset niya kumpara kay Randy. Si Calix, laging may laman ang mga payo, laging tungkol sa pag-unlad. Samantalang si Randy, reklamo nang reklamo, puro porma at papogi.
Napatingala si Belle sa langit, at sa gitna ng madilim na ulap, may iilang bituin na pilit kumikislap. Para bang sinasabi sa kanya na kahit gaano kadilim, may liwanag pa ring naghihintay. Huminga siya nang malalim. “Mali naman yata na ikumpara ko si Randy sa iba… lalo na kay Calix.” Agad niyang itinanggi ang sariling damdamin. “Wala naman akong gusto kay Calix. Humahanga lang ako. Para lang siyang artista na imposibleng magkagusto sa katulad ko.”
Napatawa siya nang maalala ang mga chismis sa opisina. “Grabe naman sila, naku! Imposible kay Sir Calix ‘yon. Una, may asawa na siya. Pangalawa, ang layo ng itsura ko sa mga tipo niya.”
Muling dumaan ang malamig na hangin at tila ba dinala ang lahat ng bigat sa dibdib niya. Tumayo siya, nagbuntong-hininga, at naglakad pauwi, handa na harapin ang katahimikan ng kanyang sariling tahanan.
Lalong bumigat ang pakiramdam ni Belle nang makita niya si Lira na masayang naglalaro kasama si Amara. Napangiti siya at agad na humalik sa anak. Sandali niyang tinignan ang pinsan, para pa rin talagang bata si Amara. Naalala niya, ganu’n din ang edad niya nang mabuntis siya kay Lira.
Lumapit siya at kinumusta ito.
“Bhe,” tawag niya nang may lambing. Palagi niya kasing gano’n tawagin si Amara, parang kapatid na babae, lalo’t puro lalaki ang tunay niyang mga kapatid.
Nakangiting tumingin si Amara. “Bakit, te?” sagot nito.
“Musta kayo ni Ethan? Nagkikita pa rin ba kayo?” tanong ni Belle habang nakaupo sa tabi nito.
Umiling si Amara. “Hindi masyado. Busy siya sa pag-aaral. Siguro sa Sabado na lang ulit kami magkikita.”
Napaisip si Belle, saka siya tumingin nang diretso sa pinsan. “Amara, gusto mo ba mag-aral ulit? Pag-aaralin kita.”
Nanlaki ang mga mata nito. “Ha? Talaga, te? Pero… sino magbabantay kay Lira?”
Ngumiti si Belle. “Si Kaye andiyan naman palagi, hindi ba? Saka half-day ka lang naman kung sakali. Pag-uwi mo, ikaw na ulit kay Lira. Para naman matupad mo pa yung mga pangarap mo.”
Natuwa si Amara sa narinig mula kay Belle, parang biglang nagliwanag ang mundo niya. Pero saglit lang iyon dahil natigilan siya. Bigla niyang naalala si Damon.
“Pero pakialam ko ba sa lalaking ‘yun? Sanay na ako na binubully niya ako kasama pa yung mga barkada niya,” bulong niya sa isip.
Napakagat-labi siya, sapagkat alam niyang kung babalik siya sa eskwela, malamang makakasalubong niya na naman si Damon, at pati yung mga babaeng laging nakapaligid dito. Mga babaeng halatang may gusto sa mayabang na yun.
Napansin naman agad ni Belle ang pagbabago ng itsura ng pinsan.
“Bhe, bakit parang may iniisip ka?” tanong niya habang nakatitig kay Amara.
Umiling lang ito, pilit na ngumiti. “Wala ‘to, te.”
Pero hindi nakuntento si Belle. Hinawakan niya ang kamay ng pinsan. “Alam mo, kahit ano pa ‘yan, pwede mong sabihin sa’kin. Hindi kita pababayaan. Kung ano man yung mga kinatatakutan mo, sabay nating haharapin.”
Medyo lumuwag ang dibdib ni Amara, kahit hindi niya masabi nang diretso ang tungkol kay Damon. Ramdam niyang hindi siya nag-iisa.
Matapos nilang kumain, inayos na ni Belle si Lira para matulog. Habang pinagmamasdan niya ang anak na mahimbing nang nakahiga, nakaramdam siya ng kakaibang lungkot. Tahimik ang buong bahay, tanging tik-tak ng orasan ang maririnig.
Napatingin siya sa relo alas-diyes na ng gabi pero wala pa rin si Randy. Kinuha niya ang cellphone at ilang beses na nag-dial. Sa unang ring, may kaba pa siyang naramdaman, pero habang paulit-ulit na umaandar ang tawag na walang sumasagot, unti-unti siyang nilamon ng bigat sa dibdib.
“Bakit hindi niya sinasagot? Nasaan ka na ba, Randy…” mahina niyang bulong.
Pinilit niyang huwag isipin ang mga hinala pero bumabalik sa isip niya ang mga pagkakataong umuuwi itong lasing o may kasamang amoy ng ibang pabango. Napapikit siya, pilit pinapakalma ang sarili. Pero ang katahimikan ng gabi ay parang lalong nagpapalakas sa bawat hinala niya.
Randy’s POV
Habang paulit-ulit na nagri-ring ang cellphone niya sa mesa, wala na siyang pakialam. Ang bawat tawag ni Belle ay nalunod sa pagitan ng mga halik na ibinibigay niya kay Chloe.
Nakapulupot ito sa kanya, at ramdam niya ang lambot ng katawan nito laban sa kanya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang mga halik mula labi hanggang leeg, pababa pa, hanggang umabot sa dibdib nito mistula siyang sanggol na gutom na gutom habang maririnig niya ang mahihinang ungol ni Chloe na lalong nagpainit sa kanyang dugo.
“Randy…” mahina nitong bulong, puno ng alab.
Hinaplos niya ang balat nito, nilalaro ang bawat kurba na tila ba matagal na niyang inaasam. Lalong humigpit ang yakap sa kanya ni Chloe, at sa bawat halinghing nito, tuluyan na siyang nakalimot. Wala na si Belle sa isip niya, wala na ang anak. Ang natitira lang ay ang init ng gabing iyon at ang tukso na buong-buo niyang niyakap.
Habang mas lumalalim ang kanilang pagniniig, patuloy pa rin ang pag-vibrate ng kanyang cellphone—tila paalala ng responsibilidad na iniwan niya. Ngunit bingi na siya. Ang kasalukuyan ay kay Chloe lamang, at wala nang puwang para sa kahit sino pa.
Pagkatapos ng matinding pagsasalo nila ni Chloe, napahiga si Randy sa tabi nito, pawis na pawis at habol-hininga. Tahimik ang paligid, tanging mabilis na t***k ng puso ang maririnig niya.
Saglit siyang natigilan nang muling tumunog ang cellphone sa mesa. Muling nag-flash ang pangalan ni Belle sa screen
Para bang biglang binuhusan siya ng malamig na tubig.
Pero mabilis din niyang tinabunan iyon. Tumalikod siya at hinila si Chloe palapit. “Bahala na si Belle. Hindi naman siya mawawala sa’kin.” Isang mapanuksong ngiti ang ibinato niya kay Chloe bago muling idinikit ang labi dito.
Sa loob-loob niya, alam niyang mali—pero mas pinili niyang malunod sa tukso kaysa harapin ang bigat ng kanyang kasalanan.
Belle’s POV
Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak-hawak ang cellphone na ilang ulit nang tumawag pero walang sumasagot. Mahimbing nang natutulog si Lira, niyakap pa nito ang paborito niyang stuffed toy, walang kamuwang-muwang sa bigat na pasan ng ina.
Muling nag-dial si Belle, umaasang sasagot na sa pagkakataong ito. Ngunit gaya ng dati, ring lang nang ring. Walang boses, walang tugon. Para bang ang tawag niya ay naglalaho lang sa kawalan.
Napabuntong-hininga siya, pinilit pigilan ang luha pero unti-unti na ring dumaloy. “Nasaan ka na ba, Randy… bakit lagi na lang ganito?” bulong niya habang pinupunasan ang pisngi.
Tumingin siya sa anak, saka niya kinumutan ito. “Para sa’yo, anak, kailangan kong maging matatag. Kahit pakiramdam ko mag-isa lang ako.”
Umupo siya sa may bintana, pinagmamasdan ang madilim na langit. Pilit niyang inaalis sa isip ang mga hinala, pero sa bawat hindi pagsagot ni Randy, lalong lumalakas ang kutob niyang hindi lang trabaho ang inaatupag nito.
Sa katahimikan ng gabing iyon, naramdaman ni Belle na kahit may asawa siya, para siyang nag-iisang lumalaban sa mundo.