Naisipan ni Belle at Calix na magbakasyon muna sa Boracay. Tutal, wala na ring pasok si Liran, kaya perfect timing para mag-relax. Gusto rin naman ni Belle na magpahinga sa lahat ng stress at makasama ang mga mahal niya sa buhay, ang anak niyang si Liran at ang partner niyang si Calix. Pagkarating nila sa Boracay, halos hindi mapakali si Liran sa tuwa. Gusto na agad nitong tumakbo papunta sa dagat. Si Belle naman ay napanganga sa ganda ng paligid. “Ang ganda pala talaga dito,” sabi niya habang nakatingin sa beach. “I’m happy na nagustuhan niyo, mag-ina,” nakangiting sabi ni Calix. “Mommy, I want to swim!” kulit ni Liran habang hawak ang kamay ng ina. Ngumiti si Belle sa anak. “Later, baby, okay?” sabi niya, sabay haplos sa buhok ng bata. Sumimangot naman si Liran. Napatawa si Calix

