Si Calix Li Salazar ay isang half-Filipino, half-Chinese, at half-British na lalaki na may taas na 6’2. Isa siya sa mga tipong kapag dumaan ay hindi mo maiwasang mapalingon, hindi lang dahil sa tindig at perpektong porma, kundi dahil may kung anong kakaibang presensya na tila bumabalot sa kanya. Parang may bigat ang hangin sa tuwing nasa paligid siya.
Ngunit sa kabila ng kanyang nakakaakit na karisma, kinatatakutan siya ng karamihan. Sobrang bihira siyang ngumiti at laging seryoso ang ekspresyon, para bang wala kang mababasa sa kanyang mga mata. Dahil dito, tinawag siya ng mga empleyado bilang “Cold Billionaire.” May mga bulong pa na para bang hindi lang siya ordinaryong seryoso, may bahid ng pagiging kontrolado, mapanganib, at parang may tinatagong dilim sa likod ng kanyang perpektong mukha.
Sa mundo ng negosyo, kilala si Calix bilang walang sinasanto. Kapag pumasok siya sa isang deal, siguradong sa kanya ang panalo. Hindi siya natatakot magtanggal ng tao kapag kinakailangan at kilala siyang ruthless pagdating sa desisyon. Marami ang humahanga sa talino niya, pero mas marami ang natatakot dahil kahit isang maling galaw lang ay puwede kang mawala sa industriya, o sa trabaho, nang hindi man lang siya kumukurap.
Pero kakaunti lang ang nakakaalam na ang pagiging malamig at malupit niya ay bunga ng isang traumang matagal niyang kinikimkim. Bata pa lang si Calix nang masaksihan niyang wasakin ng kasakiman ang pamilya nila, niloko ng business partner ang ama niya, nauwi ito sa pagkakamatay ng kanyang ama at pagbagsak ng negosyo ng pamilya. Mula noon, tinuruan niya ang sarili na huwag nang magtiwala kanino man, at sinumpang hindi na siya magiging biktima. Ang bawat tagumpay niya ngayon ay bunga ng sakit at galit na ginamit niyang gasolina para bumangon.
Kaya marami sa mga empleyado na pinagdadalhan ni Belle ng tinda niyang ulam ang palihim na nagtatanong kung bakit mabait sa kanya si Calix. Hindi naman nila iniisip na may gusto ito kay Belle, unang-una, pamilyado na si Belle, at pangalawa, sa tingin nila, alangan si Belle para sa isang katulad ni Calix.
“Belle, baka naman may espesyal kang sangkap sa adobo mo, ha? Kasi si Sir Calix lang yata ang palaging bumibili sa’yo na hindi tumatawad,” biro ng isa niyang suki.
“Nagayuma mo yata si boss, Belle!” hirit pa ng isa, sabay tawa.
Ang tugon lang ni Belle ay isang simpleng ngiti habang iniabot ang bayad na sukli. “Ay naku, baka gutom lang talaga siya,” natatawa niyang sagot. Pero sa loob-loob niya, hindi rin niya maintindihan kung bakit sa tuwing makakasalubong niya si Calix, parang lumalambot ang malamig nitong aura, kahit kaunti.
Pero ang hindi alam ng karamihan, ang tinda niyang ulam ang isa sa kakaunting bagay na pinapansin at hinihintay mismo ni Calix sa buong araw.
Sa tuwing naamoy niya ang nilulutong adobo o ginisang gulay ni Belle, para bang unti-unting nababawasan ang bigat sa dibdib niya. Hindi niya ito aamin kahit kanino, pero para sa kanya, ang simpleng ulam ni Belle ay nagiging tahimik na sandalan, isang paalala na kahit gaano karuthless ang mundo ng negosyo, may mga bagay pa ring simple at totoo na puwede niyang sandalan.
Pero ang hindi alam ng karamihan, hindi kayang palampasin ni Calix ang isang araw na hindi bumibili kay Belle. Kahit gaano siya ka-busy, kahit may back-to-back meetings, palaging may oras para bumaba o magpasabi sa sekretarya na bilhan siya ng ulam kay Belle. Para sa kanya, ito na ang naging tahimik na ritwal na hindi puwedeng mawala sa araw niya.
Sa tuwing naamoy niya ang nilulutong adobo o ginisang gulay ni Belle, para bang unti-unting nababawasan ang bigat sa dibdib niya. Hindi niya ito aamin kahit kanino, pero sa loob-loob niya, ang simpleng ulam ni Belle ang nagbabalik sa kanya ng katahimikan at paalala na kahit gaano karuthless ang mundo ng negosyo, may mga bagay pa ring simple at totoo na nagpapalambot sa kanya — kahit sandali lang.
Calix’s POV
Dumating siya sa opisina bandang alas-onse ng umaga. Katulad ng dati, ramdam niya ang biglang pag-iba ng atmosphere sa buong floor, mula receptionist, sales, hanggang documentation, lahat ay tila nataranta. Sanay na siya sa gano’n. Alam niyang kabado ang mga tao kapag siya ang dumarating, pero wala siyang pakialam.
Pag-upo niya sa opisina, inutusan niya si Ronald na iabot sa sekretarya ang ulam na binili niya kay Belle kaninang umaga. Habang inaayos ang coat niya, hindi niya maiwasang maalala ang hitsura nito. Pawis ang noo, halatang pagod, at namumugto ang mata.
Napakunot ang noo ni Calix. Bakit kaya siya umiiyak kanina? At bakit ko ba ito iniisip?
Napatigil siya sa sariling pag-iisip at tumingin sa malayo, sa malinis na salamin ng bintana ng opisina niya. She’s too young to look that tired… at may asawa na pala siya. May kung anong kurot na dumaan sa dibdib niya — hindi niya maipaliwanag kung awa ba iyon, curiosity, o inis sa sarili.
Pinilig niya ang ulo niya, pilit inaalis ang iniisip. Ano bang nangyayari sa’kin? Bakit ko pinag-aaksayahan ng oras isipin ang isang tindera ng ulam? Siguro… na-aamaze lang ako sa kanya. Oo, iyon lang iyon.
Sa labas ng opisina, dinig niya ang boses ni Chloe, ang sales manager, na nagmamadaling pinapatawag ang team.
“Nandiyan na si Sir Calix,” mahina pero klaro ang boses nito. “Mag-ready na tayo, team. Any moment, magpapatawag ‘yan ng meeting sa conference room.”
Napailing si Calix nang marinig iyon. Kahit ang matapang at palangiting si Chloe, na laging may kumpiyansa sa harap ng buong sales department, ay halatang kinakabahan kapag siya ang kaharap. At sa totoo lang, may kakaibang satisfaction siyang nararamdaman sa tuwing nakikita niyang bumabagsak ang maskara ng kumpiyansa ng mga tao sa harap niya.
Pero ibang-iba ang nararamdaman niya kapag naiisip si Belle. At iyon ang hindi niya maintindihan.
Nag-check muna si Calix ng mga email bago siya nagpasya na kumain. Tahimik niyang inutusan ang sekretarya na initin ang ulam na binili niya kay Belle kaninang umaga. Nang maidala sa kanya, nag-isa siyang kumain sa loob ng opisina, katulad ng nakasanayan.
Habang kumakain, hindi niya maiwasang mapaisip. Ang sarap magluto ni Belle, naisip niya. Parang isang beteranong kusinera na sanay sa buhay. Paano kaya siya natuto ng ganito ka-linamnam na luto? Naiintindihan ko kung may edad na ang nagluluto at madami nang alam, pero si Belle… sa edad niyang iyon, nakaka-bilib.
Napangiti si Calix nang maisip iyon, isang maliit pero totoo at hindi niya napigilang ngiti. Agad siyang natigilan nang maramdaman niya ang sariling labi na bahagyang umangat. Teka lang… ngumiti ba ako?
Parang hindi siya makapaniwala. Hindi siya sanay na may kahit anong bagay na nakakapagpatawa o nakakapangiti sa kanya, lalo na sa gitna ng trabaho. Mabilis siyang bumalik sa seryosong ekspresyon, parang walang nangyari. This is ridiculous, bulong niya sa sarili. Hindi puwede ‘to. Hindi ako puwedeng maapektuhan ng isang tindera ng ulam.
Pero sa di kalayuan, napatingin si Jessica, isa sa mga documentation staff. Halos mapanganga siya sa nakita. Sa tagal ko na rito sa office, ngayon ko lang nakita si Sir na ngumiti ng ganyan. Napalunok siya at napa-isip pa. Ang gwapo pala talaga ni Sir pag nakangiti. Sino kaya ang iniisip niya? O baka sarap na sarap lang siya sa ulam? Pero… ordinaryo lang naman ‘yon ah. Anong meron?
Sa kabila ng mabilis na pagbawi ni Calix sa kanyang ekspresyon, huli na, may nakakita na. At alam niyang bukas, siguradong may kumakalat na namang bulungan sa floor.
Sales Department Meeting with Calix
Puno ng kaba ang buong sales department. Lahat ay tahimik, halos hindi huminga tuwing tumitingin kay Sir Calix.
Si Chloe ang unang nagsalita.
“Good morning po, Sir Calix. Ito po yung presentation ng mga possible prospects natin at mga upcoming projects. May mga bagong leads po tayo sa BGC at Ortigas area, yung mga potential clients po na interested sa long-term partnership, mostly sa corporate catering at event management. Also, nagkaroon po kami ng follow-up sa previous proposals natin, at may mga posibleng adjustments po para mas ma-meet yung needs ng clients. Kung ma-approve po yung strategy namin, magiging smoother po yung project rollout at mas tataas yung client satisfaction.”
Sunod si Randy.
“Sir, yung target client natin, makakatulog sa team natin, ibig sabihin po, kung ma-approve yung proposed workflow, mas efficient po yung delivery ng bawat project. Nakita rin po namin na may mga bottleneck sa documentation at coordination last quarter, kaya in-adjust po namin yung tasks at timeline. Sa ganitong setup po, maiiwasan yung delays at mas mapapabilis yung approvals sa client side.”
Tahimik lang nakikinig si Calix, nakaupo sa leather chair, hawak ang pen, pinagmamasdan ang bawat isa. Bawat salita, bawat slide at number, pinapansin niya. Ang cold demeanor niya, na laging intense at intimidating, ay parang pader na mahirap basagin.
Pero sa loob-loob niya, may maliit na bahagi ng utak niya na pumansin sa detail at effort ng team. Napangiti siya ng bahagya, isang ngiti na halos walang nakaka-notice. Hmm… promising approach, bulong niya sa sarili, ngunit agad niyang pinabalik sa neutral ang ekspresyon. Sa labas, nanatiling malamig, walang emosyon, ang aura niya , ngunit sa loob, may kaunting intrigue na hindi niya maalis.