Belle’s POV Napakunot-noo si Belle nang marinig ang katok sa pinto. Sa tanya niya, si Randy iyon. Malakas ang ulan sa labas, pero walang alintana ang lalaki—basa sa ulan at parang walang pakialam. Anong problema niya? bulong ni Belle sa sarili. Tinawag niya si Mang Julio, ang kanyang personal driver. Matagal na niyang kasama ang pamilya nito. Mababait at tapat. Ang asawa ni Mang Julio na si Aling Lilia ang kasambahay niya, at ang anak nilang si Ruel, labing-anim na taong gulang, ay tinutulungan din siya sa bahay. Pinag-aaral niya ito bilang tulong sa pamilya. Dati, magkapitbahay lang sila. Minsan pa nga, kapag busy si Amara o ang kaibigan niyang si Kate, si Liran ay iniiwan niya muna kina Mang Julio. “Belle, si Randy nga po. Gusto ka raw makausap. Papapasukin ko ba?” alanganing sabi n

