Nang magising ako ay wala akong makita o maaninag na kahit anong liwanag. Buong akala ko ay bulag ako ngunit natawa ako na parang baliw sa sariling isipin ng mapagtanto kong nasa akong maliit na silid na walang bintana at kaunting hangin lang ang malalanghap. Talagang tinotoo ni Kuya Bryle na dalhin ako dito sa basement na walang kahit na anong pagkain o tubig man lang. Nanghihina akong tumayo at sumilip sa maliit na butas ng pintuan ngunit wala akong makita kahit na isang tao na pwede kong hingan ng tulong. Ramdam ko na rin ang uhaw at gutom ko dahil simula pa kagabi ay hindi pa ako kumakain ng dinner ko. "Hello? May tao ba dyan?" Tawag ko na nagbabakasakaling may makarinig sa akin. "Is there anyone hear me? Please! Let me out!" Sigaw ko at nanghihinang kinalampag ang bakal na pinto

