DAX’s POV Umakyat ako sa aking kwarto para magbihis. Nagpasabi na rin ako na hindi ako maghahapunan. Sa bahay ni Dougz, matutulog si Mommy ngayon. Nito ko lang nabasa pag-akyat ko sa aking kwarto. Sa baba na matutulog muli ang baby ko. Wala na akong makakatabi rito. Hindi rin siya pwedeng matulog sa kwarto ko dahil nandoon si Manang Minerva. Malalaman na umaalis siya sa kwarto kapag sasapit ang gabi. Lumipat agad ako sa ginamit niyang kwarto. Magbabakasali akong umakyat siya para kunin ang mga gamit niya. Hindi ko siya nakausap ng matino kanina. Ang hirap kasi ng pwesto namin sa kotse at nandoon pa si Boy. Parang hindi naman masama ang pakiramdam niya. Baka may iba siyang iniinda sa katawan. Nandito pa ang bag niya. Tiningnan ko pa ang damit niya sa bathroom. ‘Yung hinubad niya sa

