DAX’s POV Halata na problemado ang baby ko. Hinayaan ko na lamang siya. Hindi ko muna siya nilandi kahit sabay kaming naligong dalawa. Iniisip ko kung kailan ako dapat magsalita at para sabihin iyong pera na pinalipat ko sa account niya. “Baby, relax lang. Kumain muna tayo at may sasabihin ako pagkakain natin.” Wika ko sa kanya habang nagbibihis kaming dalawa. “Pero Dad – “ hindi ko na ito pinagsalita pa at mabilis kong itinapal ang aking bibig sa kanya. Di naman nagtagal ang halik ko sa kanya. Pinakawalan ko rin agad. “Baby, huwag kang mag-isip. Relax at kumain muna tayo para may laman ang tiya natin bago tayo umalis. Naka-ready na ang food. Kakain na lang tayo.” “May mga kalat pa tayo sa sala mo.” “Tapos na. Inayos ko na kanina, baby.” Napatingin ito sa akin. “Marunong kang

