KASSY’s POV Akala ko ay hindi ko magagawang sabihin iyon kay Dax. Sobra ang pagpipigil ko para hindi mabago ang plano ko. At least ngayon makakapag-usap na kami pero wala muna ang anumang landian. Okay na ang kiss at yakapan lang muna. Natatawagan na niya ako ngayon. Hindi na ako nagtatago. Panay at text lagi. Mamayang gabi ay pupunta raw siya dahil walang pasok bukas. Bukas din sisimulan ang pasinaya para sa pagpapatayo nila Tiya Mila at Tiyo Pepe ng bahay sa likod. Hindi naman kalakihan dahil maliit na lang din naman ang lote. Studio type style lang. Wala pang alam si Dax at nahihiya rin akong magsabi sa kanya na gusto siyang pagawain ni Tiya Mila sa likod bahay. Isang CEO, gagawin lang na mason. Kakausapin ko rin siya mamaya para makapagtrabaho na ako. Wala naman kasi akong work s

