KASSY’s POV Pinilit kong makatulog kahit ang totoo ay hirap na hirap ako dahil naiisip ko si Dax. Hindi ako nagpahalata kay Onak na gising ako. Pinigilan ko ang sarili kong maglikot sa higaan dahil kakantyawan ako nito kapaga nakita niyang apektado ako. Sino ba may gusto nitong nangyayari? Walang may gusto pero ako na nasa relasyon ay gusto kong ilayo muna ang sarili ko kay Dax. Nakapatay ang phone ko kaya hindi niya ako matatawagan. Guni-guni ko yata ang naramdaman ko. Dahil nasa lapag lang ang foam namin ni Onak ramdam kapag ganitong oras ng katahimikan ang mga dumadaan na sasakyan kahit may kalayuan naman sa kalsada. Tila may sasakyan na dumating. Hinihintay ko lang na may tumawag pero wala. Nang may maramdaman ulit akong papalayong sasakyan saka ako sumilip. Wala na naman akong n

