DAX’s POV “Baby, kanina ka pa ba gising?” tanong ko rito. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko siyang nakaupo sa tabi ko. Tumagilid ako para mas makaharap sa kanya. Obviously, kanina pa siya gising dahil nakaligo na nga siya. Hindi na niya ako hinintay. Hindi naman kami nakarami kanina. Isa lang pero siniguro ko na hindi niya malilimutan. Mahabang foreplay ang ginawa ko sa kanya. At ginawa rin niya sa akin. “Good morning, Daddy. Nauna na akong mag-shower. Hindi lang ako makatulog. Baka mamaya pagbaba natin ay alam na nilang lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala na kayang magtago ni Cinderella ng sikreto.” Sambit ng aking baby na nilalaro ang manipis kong buhok sa may dibdib. “Kapag ba nalaman nila Mommy at ng anak ko, iiwan mo ba talaga ako, baby? Hindi ba natin pwedeng isipin na

